Joshua Garcia goes viral anew with his latest TikTok dance cover

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 26, 2022
Joshua
Joshua Garcia once again captivates the hearts of many netizens as he uploaded his latest TikTok dance.
PHOTO/S: Screengrab JoshuaGarcia TikTok

Muling pinakilig ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang kanyang mga tagasuporta nang mag-upload siya ng dance video cover sa TikTok account noong July 24, 2022.

Nag-trending at umani ng iba't ibang reaksiyon ang pinakabagong TikTok video ng matinee idol habang sumasayaw siya sa saliw ng kantang "Thick Fine Woman" ng American hip-hop singer na si Chalie Boy (feat. Lil’ Ronny Mothaf, Fat Pimp & No Shame).

Patok na ginagamit na dance challenge ngayon sa TikTok ang "Thick Fine Woman."

Halos isang buwan din ang nakalipas bago muling nag-upload si Joshua ng bagong video.

Caption ng 24-year-old na aktor: "Miss me? No filtoor!"

Sa ngayon ay pumalo na sa 22.7 million views ang nasabing video na may 3.7 million likes.

NETIZENS' REACTION

Maraming netizens ang kinilig nang muling makita ang dance moves ni Joshua kung saan muli raw lumitaw ang pagiging cool at kaguwapuhan nito.

Ilan sa mga nag-comment ang mga kilalang TikToker na sina Esnyr Ranollo, Arshie Larga, at Raymart Enrico.
Joshua Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang dating child stars na sina Mutya Orquia at Ryzza Mae Dizon ay nag-comment din:
Joshua Garcia

Joshua Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May netizens din ang nagsabing nawalan na sila ng ganang sayawin pa ang "Thick Fine Woman" dahil tinapos na ni Joshua ang laban.
Joshua

Joshua

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joshua

Joshua

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-trending si Joshua sa TikTok.

Noong December 21, 2021 ay humakot din ng milyong views at likes ang unang TikTok video ng aktor habang ginagawa ang "Ginseng Strip 2022" challenge ng Sweddish rapper na si Yung Lean.

Sa ngayon ay mayroon na itong 133.6 million views at 9.7 million likes.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia once again captivates the hearts of many netizens as he uploaded his latest TikTok dance.
PHOTO/S: Screengrab JoshuaGarcia TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results