Kapuso artist Mikoy Morales shows off talent for music as musical director

Mikoy Morales on acting and making music: “Magkaiba sila ng pinanggagalingan, pero iisa ang nais, ang magkuwento. As an actor, the role that you play is based on the character that is assigned to you. As a musical director, you get to share your own thoughts and feelings through the musical performances."


Mapapatunayan na ng GMA Artist Center talent at produkto ng Protégé na si Mikoy Morales ang kanyang angking talino pagdating sa musika.

Sa March 26 ay uupo si Mikoy bilang musical director para sa inspirational concert na LIPAD na gaganapin sa Music Museum.

Tampok sa concert na ito ang official glee club ng Meridian International College (MINT), ang MINT Riffs.

Ayon sa Kapuso young actor-singer, ang naturang concert ay magbabahagi ng special numbers tungkol sa pagtupad ng isang pangarap.

“We’re going to take you through the ups and downs of one’s life experiences in achieving your dreams.

“Our show aims to make it a relatable experience for our audience by showcasing a variety of musical numbers that would focus on our theme,” sabi ni Mikoy.

Nang maging contestant si Mikoy sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2011, isa sa bentahe niya ay ang kanyang husay sa pag-awit at pagsusulat ng kanta.

Two years ago nagsimula na ang pagkahilig ni Mikoy sa pagiging isang musical director.

Nagsimula siya bilang assistant musical director na kanyang teacher sa La Salle Greenhills na naging mentor niya during his Kundirana days sa naturang school.

“As a songwriter and student of music production, I treat my musical creations [arrangements and compositions] as babies and the concert gives life to my music.

“I am more than happy and honored to be able to share my creations with people.”


MUSIC AND ACTING. Dating architecture student si Mikoy sa University of Sto. Tomas bago siya sumali sa Protégé.

Ngayon ay nagawa na niyang i-pursue ang kanyang hilig sa music sa kurso niyang Music Business Management sa MINT College.

Bilang aktor, wala naman daw pinagkaiba ang pag-arte sa teleserye at ang pagkahilig niya sa musika.

Nakailang acting projects na si Mikoy sa GMA Network, kabilang na ang Teen Gen, With A Smile,at Villa Quintana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaiba sila ng pinanggagalingan, pero iisa ang nais, ang magkuwento.

“As an actor, the role that you play is based on the character that is assigned to you by the program.

"But as a musical director, you get to share your own thoughts and feelings through the musical performances.

“Both require a certain amount of creativity channeled through the medium or art form with only one objective in mind that it is to entertain your audience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN