Sanya Lopez reveals reaction when she was offered to record song: "Sigurado po ba kayo dito?"

by Rommel Gonzales
Jul 30, 2022
Sanya Lopez
Sanya Lopez is now a recording artist, and releases first single "Hot Maria Clara."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Recording artist na si Sanya Lopez.

Sa launch ng kanyang single na "Hot Maria Clara," inamin ng Kapuso actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mismong siya ay nagulat sa alok ng GMA Music na magkaroon siya ng sariling kanta.

Kuwento ni Sanya, “Actually po ang nangyari po kasi dito, in-offer po sa akin ng GMA Music na magkakaroon daw po ako ng kanta.

"Actually, na-surprise ako dun, nagulat ako, ‘Sigurado po ba kayo dito?’, sabi ko talagang ganun!"

Pero kahit hindi niya inasahan ang kanilang offer, itinuturing niya ito na isang "blessing."

Pagtuloy niya, "Alam niyo naman po pag may mga ganyang blessing na dumarating sa buhay ko, lagi lang akong tanggap nang tanggap kahit minsan hindi ako sure.

“Pero sabi ko nga, ‘Hindi, ibinigay sa akin ito kaya alam kong kaya ko, alam nila na kaya ko.'

"So ayun po, talagang naging thankful ako and very happy sa lahat ng mga opportunity na binibigay po ng GMA.”

Continue reading below ↓

MUSIC VIDEO

Napanood ng PEP.ph at ibang members ng media ang napakabonggang music video ng "Hot Maria Clara" bago simulan ang Zoom mediacon ni Sanya noong Huwebes, July 21, 2022.

Sabi ng writer na ito kay Sanya, hindi naman nagkamali ang GMA at GMA Music na bigyan siya ng pagkakataong maging singer.

Sino ba ang peg ni Sanya sa mapangahas na music video kung saan napaka-sexy ng kanyang mga outfits at dance moves?

Ayon sa aktres, wala daw talaga siyang idea kung ano ang gagawin niya sa video.

"Tinanong lang nila ako kung sino daw yung mga gusto ko, so sabi ko, mga Blackpink, si Ariana Grande."

Pagdating ng music video shoot, malaki ang naging tiwala ni Sanya sa kanyang director na si Niel de Mesa.

“On that day, si direk Niel de Mesa na lang ang nagsabi sa akin na ‘Okay may mga kukuhanan tayo dito, kung ano yung sayaw na ni-rehearse mo iyon yung gagawin natin.’

Continue reading below ↓

“I’m very happy na si Direk Niel, siya yung nagdirek sa akin. Bukod sa siya po yung composer, alam naman po natin na award-winning director siya, so medyo nakaka-pressure din for me.

“Pero happy naman po siya sa kinalabasan po.”

Base rin sa music video ng "Hot Maria Clara," parang mas batang Jennifer Lopez si Sanya.

Isang matamis na ngiti ang reaksiyon ni Sanya sa pagkukumpara namin sa kanya kay JLo.

“Kaya todo rin po siya [Direk Niel] dito sa ginawa namin, kasi sabi niya, ‘Ah gusto ko ito, ilaban natin ito!’

“Sabi ko, ‘Sige Direk, samahan kita,’ sabi kong ganun.”

RECORDING HER FIRST SINGLE

Ano ang nasa isip niya habang nire-record ang kantang "Hot Maria Clara" sa recording studio?

“Kinakabahan ako,” ang bulalas ni Sanya. “Talagang nandun yung, hindi ko ma-ano, hindi talaga ako kampante that time, ‘Ha, kaya ko ba?’

“Nakukuwestiyon ko tuloy yung sarili ko, hindi ko maiwasang, ‘Kaya mo ba? Kaya mo ba, girl?’

Continue reading below ↓

“Parang may ganun. Pero na-excite ako at the same time. Gusto ko kasi talagang… ang ganda nung lyrics, ang ganda po nung meaning nung song.

"So gusto ko sana na talagang kapag kinanta yun, maramdaman ng bawat kababaihan.

“Na, ‘Ah, ganyan kami! Ganito kami. Dapat ganito kami.’”

Ang "Hot Maria Clara" na under GMA Music ay available sa iTunes, Spotify, at ibang digital streaming apps.

Sanya Lopez Hot Maria Clara

Continue reading below ↓

sanya on being hot maria clara

Bagay naman kay Sanya ang kanta niya dahil sa tunay na buhay, masasabing isa siyang hot Maria Clara.

Kailan niya nararamdaman na hot siya at kailan niya nararamdaman na Maria Clara siya?

Tumawa muna ang Sparkle actress bago sumagot.

“Yung pagiging hot, depende. Pero yung Maria Clara parang lagi na iyan, lagi akong nakikitaang Maria Clara lalo na pag… nakikitaan akong Maria Clara kapag, alam nila iyan, hindi ako nagbo-boyfriend, ganyan.

”Pero kapag hot ako, depende, depende po sa mga eksena.”

May nanliligaw ba kay Sanya ngayon?

“Hindi ko nga alam kasi kapag nanliligaw sa akin yung isang tao.

“Lagi ako yung parang ano nga, ang nasa isip ko, gusto ko talaga yung parang iparamdam sa akin na nanliligaw talaga siya.

“Hindi ako yung parang tipo na, ‘O sige, sa text-text na lang tayo. Ligawan mo ako sa text,’ ganun."

Tradisyunal ang pananaw ni Sanya pagdating sa courtship.

Continue reading below ↓

Dugtong niya, “Pero iyon na yung uso ngayon, I respect that sa ibang mga tao. Pero yung sa akin po, parang mas gusto ko pa rin yung very Maria Clara na pupunta siya sa bahay, kung maghaharana ka, e, di go!

“Hindi na uso yung harana, pero nakakakilig lang minsan na pupuntahan ka sa bahay and magbibigay ng galang at respeto sa mga magulang mo, sa kapatid mo, sa pamilya mo, iyon po.”

Lately ba ay may manliligaw na pumasyal na sa bahay nila?

“Wala pa. Hindi pa ako nagpapa-welcome sa bahay, ayusin ko muna yung bahay ko, sandali.”

Solo raw na dadalo si Sanya sa GMA Thanksgiving Gala sa July 30, wala siyang ka-date.

“Doon na lang ako maghahanap ng ka-date,” at tumawa si Sanya.

Ang sikat na fashion designer na si Michael Leyva ang lilikha ng gown na isusuot ni Sanya sa gabing iyon.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez is now a recording artist, and releases first single "Hot Maria Clara."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results