Meet Apl de Ap's new BMBX artist, Miguel Antonio


Kilala ang Grammy award-winning producer at singer-rapper na si Apl de Ap sa pagtulong sa mga baguhang singer, lalo na iyong may dugong Pinoy, na gustong magkaroon ng career sa music at recording industry.

Ang promising 14-year-old singer na si Miguel Antonio ang pinapirma ni Apl sa kanyang BMBX (pronounced Boombox) Entertainment.

Miguel Antonio Vedanaigam ang buong pangalan ng half-Filipino, half-Singaporean singer. Ipinanganak si Miguel noong November 9, 2000 sa Davao City, kung saan siya tumira hanggang mag-anim na taon gulang siya bago maging permanent resident sa Singapore nang magdesisyon ang pamilya niya na doon na tumira.

Nakatira siya ngayon sa Lion City kasama ang Singaporean father niyang si Samuel Vedanaigam, ang Filipina mother niyang si Katherine Pinon, at mas batang mga kapatid na sina Isabella Maria, Gabriella Salome, at Mikaela Ray.

Isang linggong nandito sa Pilipinas si Miguel at nagkaroon siya ng presscon, kung saan nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Ang naturang presscon, na inorganisa ng Curve Entertainment Inc., ay ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Marso 17. Ang Curve Entertainment ang exclusive management agent at marketing partner ng BMBX sa Pilipinas.

Nagpapasalamat si Miguel kay Apl sa pagbibigay sa kanya ng opportunity para matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng professional singing career.

Sabi ni Miguel, “It’s really a blessing that I get to have someone there especially Apl de Ap. He’s really guiding me to my career to be a great artist. So, I’m really happy for that.”

Bukod sa kanyang solo career, excited din si Miguel na magkaroon ng collaboration sa Black Eyed Peas member.

“I can do a chorus of his song while he raps, that would be a great combo. He wants all of his artists to be featured in his album, so it’s really great.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong mga ugali ang ina-admire niya kay Apl? “He’s really down to earth. He’s relaxed and cool about everything.”

MUSICAL JOURNEY. Bago si Apl, una munang naging mentor ni Miguel ang award-winning music producer at songwriter na si David Foster noong 2011. Sa pamamagitan ng kanyang video entry, pinili siya ni David para mapabilang sa finalists ng nilikha nitong talent search na Born To Sing, kunsaan nanalo si Miguel. Isinama pa ni David si Miguel para mag-perform sa David Foster & Friends concert sa Singapore that same year.

Hindi makakalimutan ni Miguel ang unang pagkakataon na magkita sila ni David. “It was really exciting and nervous at the same time because he’s an amazing musician and all the songs that I love like from Celine Dion, he wrote it. So, it was really amazing meeting him and he’s like, ‘Hey Miguel, let’s do your song.’ And then he immediately got on the piano and I sang 'Because You Loved Me' by Celine Dion.”

Noong 2012 naman ay nag-launch si Miguel ng kanyang first Extended Play (EP) album na What is Christmas To You? sa Livewire, Marina Bay Sands. Ang naturang album ay may apat na tracks na kinabibilangan ng covers ng Jackson 5’s "Give Love On Christmas Day," David Meece’s "We Are The Reason," "O Holy Night," at ng original song na "What is Christmas To You?"

Nagtuloy-tuloy pa ang singing career ni Miguel sa pamamagitan ng pag-perform sa iba’t ibang events sa Singapore noong 2013. Nakantahan na niya ang Presidente ng Singapore, foreign dignitaries, at ng Philippine Ambassador to Singapore.

Noong isang taon ay malaking career move ang ginawa ni Miguel matapos siyang pumirma sa BMBX ni Apl. Una silang nagkakilala ni Apl noong 2012 sa isang private event sa Singapore, kung saan binigyan niya ng album niya ang international artist. Muling nag-reconnect sina Miguel at Apl noong May 2014 nang maimbitahan si Miguel na mag-perform sa Rebuild Philippines, a benefit concert para sa mga biktima ng super-typhoon Yolanda, na ginanap sa Greek Theatre sa Los Angeles, USA. Pagkatapos nito ay nakipag-meeting na sila sa BMBX, and the rest is history, ika nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa presscon, pumunta sa Pilipinas si Miguel para sa recording ng kanyang bagong single na "Everyday." Kapag nabuo na ang album niya, plano raw itong i-release sa 15 countries lalo na dito sa Asya.

Bukod sa pagkanta, tumutugtog din ng piano at gitara si Miguel na pinag-aralan niya nang mag-isa, kadalasan sa panonood ng instructional videos sa YouTube. Kabilang sa kanyang musical influences ay sina Michael Jackson, Elvis Presley, The Beatles, Celine Dion, Michael Bolton, at Steve Perry.

LOVE THE PHILIPPINES. At least once a year ay bumabalik sa Pilipinas si Miguel kasama ang pamilya niya para magbakasyon sa Davao, sa probinsiya ng kanyang ina. Bagama’t sa Singapore na sila naka-base ay gustung-gusto pa rin daw niyang bumalik sa Pilipinas.

“I love the food here. May favorites are adobo and taho. We always go to Davao, my mom is from Davao. And I got to meet my relatives there, my cousins.”

Nakakauwi sa Pilipinas si Miguel kapag school break nila sa Singapore. Nag-aaral pa kasi siya sa secondary level sa Anglo-Chinese School Independent (ACSI). Very supportive naman daw ang kanyang school sa singing career niya.

Nakakapanood din si Miguel ng TV shows mula sa Pilipinas dahil meron silang TFC (The Filipino Channel). Paborito niya panoorin ang ASAP lalo na’t isa sa main hosts at performers ng ABS-CBN Sunday variety show ang idolo niyang Pinoy singer na si Gary Valenciano. Sana raw ay magkaroon siya ng pagkakataon na makapag-perform kasama si Gary. Gusto niya ang kanta ni Gary na "Sana Maulit Muli."

Sa mga OPM songs, alam niya kantahin ang "Anak" ni Freddie Aguilar at "Habang May Buhay" ni Wency Cornejo.

Willing si Miguel na magpabalik-balik dito sa Pilipinas lalo na kapag nag-promote na siya ng kanyang bagong single. Pag-iisipan pa raw nila ng pamilya niya ang pagtira sa Pilipinas kung sakaling maging successful ang singing career niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN