Pinoy vlogger witnesses memorable Busan concert of K-pop group BTS

by Jojo Gabinete
Oct 17, 2022
bts pinoy in kimchiland
Kabilang si Tey Javier (right, foreground), ang Filipino vlogger na mas kilala bilang Pinoy in Kimchiland, sa masuwerteng nakapanood ng "Yet To Come in Busan" concert ng global superstar na BTS (kaliwa).
PHOTO/S: BigHit / Pinoy in Kimchiland

Personal na nasaksihan ni Tey Javier ang concert ng global superstar K-pop group na BTS sa Busad Asiad Stadium sa Busan, South Korea, noong Sabado, October 15, 2022.

Kilala si Tey bilang si Pinoy in Kimchiland, ang popular South Korean-based Filipino content creator para sa Facebook at YouTube.

Sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Lunes, October 17, 2022, ikinuwento ni Tey ang tungkol sa mainit na pagtanggap ng publiko sa posibleng huling concert ng BTS bago sumailalim sa mandatory military service ang lahat ng mga miyembro nito.

Read: BTS members to enlist in mandatory military service; will reconvene in 2025

Isa si Tey sa mapapalad na Pilipinong nanalo ng ticket sa pamamagitan ng raffle draw kaya napanood niya ang pinag-uusapang free concert ng BTS.

“Naging sought after ang BTS concert dahil hindi ito commercial. Para talaga sa World Expo 2030 bid,” umpisa ng salaysay ni Tey tungkol sa kanyang hindi makalilimutang karanasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Libre ang concert, walang bayad.

"Usually, ang BTS kapag nagko-concert, pinakamura na ang P5,000 ticket price tapos usung-uso ang scalpers. Nagbebenta sila sa blackmarket, umaabot ng P20,000 to P50,000 ang presyo ng tickets.

“Para hindi makuha ng scalpers ang tickets para sa Busan concert ng BTS, ipina-raffle ng BTS management ang tickets sa official members ng Weverse, ang app ng BTS fans.

“Army ang tawag sa fans ng BTS. Kung gusto mong maging official Army, dapat maging member ka ng Weverse.

“You could imagine the odds, parang one is to one hundred thousand chance na manalo. E, sinuwerte ako. Nanalo ako ng free ticket.

“Sa Philippines, ang isa sa mga nanalo ng BTS concert ticket, si Benedict Cua. May mga na-meet din akong mga Pilipino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LAST BTS CONCERT?

Naniniwala si Tey na ang Busan concert ng BTS noong Sabado ang huling pagkakataong magsasama-sama sa isang show ang pitong miyembro dahil sa kanilang mga makahulugang pahiwatig.

Lahad ng Pinoy vlogger, “Nagsimula ang concert ng 6 p.m. Supposedly, 90 minutes lang ang concert, from 6 p.m. to 7:30 p.m. Pero mabait ang BTS, they extended it until past 8 p.m.

"Ang daming tao kaya nakalabas kami sa venue, almost 9 p.m. na.

“First time ko to see BTS in the flesh. Parang sila ang bagong Beatles.

"Everybody follows them, the paparazzi, kaya to see them twenty meters away from the stage, nakita ko sila, 'Ay, ganoon pala ang mga hitsura nila!'

“Parang it’s a privilege, it’s an honor. Nakaka-overwhelm na kasama kami sa last concert nila.

“Historic event ‘to. Parang the last concert ng BTS dahil mangyayari uli yun, parang sa 2025 pa.

“I think nakaplano na talaga na last concert dahil binonggahan nila nang husto ang stage. Ang ginawa nila, the whole stage, naglagay sila ng memorabilias mula sa lahat ng concerts nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“All throughout the program, maya’t maya ang kanilang pasasalamat."

Patuloy niya, “Parang inuunti-unti nila. Una, nag-release sila ng bagong album noong June 2022, yung Yet To Come.

“Then September, naglabas sila ng YouTube video na parang nagpapaalam na sila. Maghihiwa-hiwalay muna sila. Kanya-kanyang career.

“Parang dinadahan-dahan nila ang Armies para hindi mabigla. Malaking factor din ang economic fundamentals dahil may mga contract, may mga stock market na nakasalalay.

“'Tapos sa concert noong Sabado, lahat ng speech nila puro thank you, naiiyak sila.

“Sabi nila, ‘Baka matagalan uli bago namin kayo makita. O sige bumati na tayo, magpaalam na tayo. Hindi, hindi kami magpapaalam. Makikita niyo pa rin kami pero hindi namin alam kung kailan.’"

MILITARY ENLISTMENT OF BTS

Dalawang dekada nang naninirahan si Tey sa South Korea kaya sapat ang kanyang kaalaman tungkol sa mandatory military service para sa mga kalalakihan ng nabanggit na bansa.

Ayon kay Tey, ang military enlistment ng mga miyembro ng BTS ang isa sa mga kontrobersiyal na isyu sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang BTS, they’re the biggest Korean superstar kaso may kinakaharap silang isyu ngayon, which is military enlistment.

"Si Jin, ang deadline sa kanya to join the military is this December, nakabase sa birthdate niya [December 4, 1992]. Before December, dapat mag-join na siya ng military.

“For so long, sa Korean Congress and the President himself, they’ve been thinking of revising the law para mabigyan sila ng exemption kasi ang pinapasok ng BTS sa Korean economy is billions of dollars.

“Hindi pa counted yung indirect which is yung mga nagta-travel sa Korea dahil naimpluwensiyahan nila.

"Yung concert nila sa Busan, ang actual purpose is nagbi-bid ang Busan sa World Expo 2030 so kinuha nila na ambassador ang BTS. Matindi ang competition para makuha ang bidding.

“Pero more than the World Expo 2030, kaya parang naging sensational o popular ang BTS concert sa Busan, dahil kay Jin.

"This will probably be their last concert kasi papasok na siya sa military sa December.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung isang member [Suga] papasok sa March 2023 hanggang domino effect, sunud-sunod na sila."

BIGHIT STATEMENT

Alam din ni Tey na naglabas ng official statement ang BigHit Entertainment, ang management ng BTS, upang kumpirmahin na sasailalim sa mandatory military service ang mga miyembro ng sikat na boy band.

Saad niya, “Today, officially nag-announce ang management ng BTS, BigHit Entertainment, they will let the members go through military enlistment. Kumbaga, hindi na nila hihintayin ang desisyon ng government.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, ayaw naman nila makiusap na i-exempt sa military enlistment ang BTS na very contestable issue dito sa Korea kasi marami dito ang superstars pero pumapasok sila sa military. Mahalaga sa kanila ang service to the country.

“Although they’re grateful sa contributions ng BTS, marami rin ang nakataas ang kilay na ‘Bakit sila mae-exempt samantalang kaming big stars, nag-military kami, kahit kasikatan namin, e, nakakabalik naman kami to fame?’

“So, nagdesisyon ang Big Hit Entertainment na papasok na sila sa military which makes the concert sobrang sought after. Millions of fans, gustong makapunta sa concert na yun, kaso may limit ang capacity, 50,000 lang.”

Bago natapos ang pakikipag-usap ng PEP.ph kay Tey, ikinuwento nito ang isang fun fact tungkol sa mga Pilipino na nanood ng concert ng BTS sa Busan.

“Kaming mga Pinoy, nagsigawan kami ng 'Shot Puno! Shot Puno!' nang kantahan nila ng 'Happy Birthday' yung isang member, si Jimin [born October 13,1995].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, ang mga Pinoy millennial, kapag may birthday, nagsasalita sila ng ‘Shot puno’?

“Parang ang ibig sabihin, mag-shot [uminom ng alak] ka pero puno dapat yung baso.

“Yung mga Pinoy na nanood ng concert, nagkaisa. Biglang may sumigaw ng ‘Shot puno,’ then unti-unti, nagsigawan na ng ‘Shot puno!” kaya malalaman mong may mga Pinoy sa audience.

"Gusto ko rin sanang sumigaw ng 'Hep hep hooray,' nahiya lang ako."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Tey Javier (right, foreground), ang Filipino vlogger na mas kilala bilang Pinoy in Kimchiland, sa masuwerteng nakapanood ng "Yet To Come in Busan" concert ng global superstar na BTS (kaliwa).
PHOTO/S: BigHit / Pinoy in Kimchiland
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results