Born Diva winner Raki Vega shares rewarding experiences while working in Hong Kong Disneyland

Limang taon na sa Hong Kong Disneyland ang Pinay singer na si Raki Vega. Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), malaking tulong ang Disney sa kanyang singing profession at sa financial aspect dahil nakapagpatayo na siya ng bahay para sa kanyang mga magulang. Si Raki ang kinuha ng TV5 na kumanta ng theme song ng Wattpad Presents: The Magic In You.



HONG KONG
— Isa sa mga attractions sa Hong Kong Disneyland ay ang The Golden Mickeys show kung saan bida ang Pinay singer na si Raki Vega.

Si Raki ang Ultimate Born Diva winner noong 2006 sa Born Diva ng ABS-CBN.

Kasalukuyang sa Disneyland na nagtatrabaho si Raki bilang theater performer na si Bebe sa The Golden Mickeys.

Maglilimang taon na si Raki sa Disneyland kung saan mayroon siyang yearly contract.

Kuwento niya, “Maayos na maayos naman. Saka ang masasabi ko, ang laki ng naitutulong ng Disney in terms of sa pagiging artist ko. It’s a different arena kasi dito kasi everyday ko ‘tong ginagawa.

“Araw araw kasi, kung hindi peak, five times. Kapag peak, seven shows a day kami.”

Kasama niya sa show si Gian Magdangal pero naka-off siya noong Linggo, March 22, kung saan nanuod ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng The Golden Mickeys, kasama ang dalawa pang miyembro ng media mula sa Pilipinas.

Sobrang nai-enjoy daw ni Raki ang limang taon na niyang pagtatrabaho sa Disneyland.

Lahad ng 34-year-old singer, “Sobrang enjoy. Araw-araw mong nakikita si Mickey Mouse. Its fun, kasi it’s what I love to do, to perform.”

Pero ingat na ingat daw si Raki sa pagdi-deliver niya ng kanyang mga linya dahil kapag magkamali ka dawn g Cantonese delivery ay baka daw mag-iba na ang kahulugan nito sa Mandarin.

Nakakuwentuhan ng PEP si Raki sa Corner’s Café, sa loob ng Hong Kong Disneyland last Sunday, March 22.

WATTPAD PRESENTS THEME SONG. Si Raki din ang kumanta ng theme song ng Wattpad Presents: The Magic In You na “Find Your Light.”

Pinagbibidahan nina Mark Neumann at Shaira Mae ang naturang Wattpad episode kung saan kasalukuyan pang nagti-taping ang grupo sa Hong Kong.

Read: TV5 stars Mark Neumann, Shaira Mae, Nicole Estrada pressured over HK Disneyland's production of Wattpad Presents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Raki, “'The Find Your Light' song is a very timely song for every Filipino worker.

“It’s a great honor for me to sing the theme song.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN