Watch Now

Rayver Cruz no "pa-abs" at JulieVerse concert: "Busog!"

by Rommel Gonzales
Nov 26, 2022
Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Julieverse
Kaabang-abang ang production numbers ni Rayver Cruz sa JulieVerse concert ni Julie Anne San Jose. Wala raw "pa-abs," pero siniguro niyang puno ito ng kilig.
PHOTO/S: @rayvercruz on Instagram

Kahit nadapuan si Rayver Cruz ng COVID-19 noong Hunyo 2021, walang pag-aalinlangang sasalang siya sa live JulieVerse concert ni Julie Anne San Jose ngayong Sabado ng gabi, November 26, 2022.

Produced ng GMA Synergy, ang JulieVerse concert ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Pasay City, sa direksyon ni Paolo Valenciano.

Pahayag ni Rayver sa Zoom mediacon na naganap nitong Sabado, November 19, “Kumbaga nandiyan na iyan, e, kaya nakakatuwa na bumabalik na tayo sa mga physical concerts and mga physical na events.

“Kasi iba rin naman yung saya and iba rin yung galak, yung tuwa kapagka nakapag-perform sa harap ng mga live audience.

“Iyon din yung isang bagay na na-miss nating lahat, e. So dito sa JulieVerse na-e-excite na ako.

"First time ko ulit magpe-perform sa ganung kalaking venue na maraming tao.

“So hopefully, tuluy-tuloy na, tuluy-tuloy na tayo sa ganitong ano, na umuusad-usad na tayo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam naman natin ang setbacks noon, pero I’m very happy na unti-unti na tayong ano, slowly getting back.”

Guest performers sa JulieVerse ang Sparkle sweethearts na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. Kakanta at sasayaw naman si Rayver sa concert.

Bilang kilalang isa si Rayver sa mga hunk ng Sparkle GMA Artist Center, may pa-abs ba siya sa production number niya sa concert?

Tawang-tawang reaction ni Rayver, “Busog, busog! Busog pala, busog. Si Mavy [Legaspi] na lang, sasaluhin niya yung pa-abs.”

KILIG NA KILIG KAY JULIE ANNE

Natanong naman si Rayver kung bakit tila lagi itong kinikilig kapag kasama si Jules, tawag niya kay Julie Anne.

Mahabang tugon niya, “E… nakakakilig, e! Hindi ko alam, iba yung...genuine yung happiness, e.

"And pag kasama ko siya talagang kumbaga ang gaan-gaan ng lahat, ang saya-saya.

“Kagaya nung sabi ni Jules, sabi niya na-e-excite siya sa makikita nila sa akin [sa JulieVerse], pero ang totoo niyan, kung ano naman ako ngayon is dahil din sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I mean she brings out the best in me. Mas lalo akong nai-inspire sa music dahil sa kanya.

"And yung mga hindi ko kayang gawin noon na nagagawa ko pala dahil din naman kay Jules kasi siya naman yung nagtuturo sa akin.

“So sobrang excited na ako na mapanood nila yung concert para ma-witness nila yung inihanda naming performances together, ang dami naming collaborations dito.

“Of course hindi lang kaming dalawa may collabs din kami with MavLine na talagang ang ganda nung mga production numbers.”

Samantala, ayon mismo kay Rayver, nanliligaw pa lamang daw siya kay Julie Anne.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaabang-abang ang production numbers ni Rayver Cruz sa JulieVerse concert ni Julie Anne San Jose. Wala raw "pa-abs," pero siniguro niyang puno ito ng kilig.
PHOTO/S: @rayvercruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results