Yeng Constantino, patuloy ang tagumpay sa "Journey"


Yeng Constantino and her fellow Pinoy Dream Academy scholar RJ Jimenez enjoy each other's company while shooting a music video for Yeng's new album, Journey. The 12-track album is now available in leading music record bars nationwide and even abroad.


Ramdam na ramdam mo ngayon si Yeng Constantino lalo na kanyang bagong album na Journey dahil punong-puno ito ng emosyon. Datapwa't, nilinaw ni Yeng sa kanyang album lauching kahapon, March 12, sa Cibo, ABS-CBN compound, Mother Ignacia Avenue, Quezon City na wala pa siyang nakarelasyon kaya hindi pa siya nakaramdam ng hapdi ng pakikipagrelasyon.

Ang latest album ni Yeng under Star Records ay isa talagang fulfillment ng kanyang pagiging mang-aawit. Isang taon na ang nakalipas nang hirangin siya bilang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy. Pero halos hindi pa rin magkamayaw ang mga tao sa kanya dahil bawat kantang gawin niya, bawat paglabas at bawat concert o gig na kanyang puntahan ay dinudumog siya ng mga tao.

Ayon sa young singer, sinunod nito ang payo sa kanya ng mga magulang na ibigay sa kanyang tagasuporta kung ano ang nararapat sa kanila. Kaya naman sa Journey ay isinama ang kanyang bandang Morning Glory na noon pa niya nakakasama sa kanyang mga gigs. Ayon sa kanya, hindi lang siya nangangarap para sa sarili niya kundi para na rin sa mga mga taong mahal niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Yeng sa kanyang mga fans dahil kung wala ang mga suporta nila ay wala rin siya. Sila ang dahilan ng lalo niyang pagpapaganda ng album niyang Journey.

Maganda at tagos sa puso ang mga kantang nakapaloob sa Journey—"Di Na Gan'un," "Promise," "Pili Ka Lang," "Tao Lang Ako," "What about Us," Himig Ng Pag-ibig," "If You Go," "Bakit Nga Ba," "Why Can't You," at "Tala." Kabilang rin dito ang kantang "Habambuhay" na naging theme song ng Metro Manila Film Fest entry, Sakal, Sakali, Saklolo.

Marami ang nagsasabing ilan sa mga kanta sa espesyal na album na ito ay sagot daw sa kanta ng kanyang rumored boyfriend na si RJ Jimenez na "Superstar." Matatandaang nag-hit ang kantang ito dahil si Yeng daw ang dinescribe ni RJ sa kantang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, lahat ng love songs sa album ko ay para talaga sa kanya tulad ng ‘Promise' na nagsasaad, kung sino man sa amin ang mangangailang sa isa't isa, we will make it a point, na nandid'yan kami sa isa't isa."

Ayaw man aminin ni Yeng na naging sila ni RJ Jimenez, napagkasuduan nila na wala muna silang komunikasyon para maituon ang panahon sa pagtagumpay ng kanya-kanyang propesyon.

Nanghihinayang si Yeng pero bilang isang masunuring anak ay sinunod nito ang gusto ng mga magulang na maging mang-aawit muna kaysa makipagrelasyon. Naniniwala naman ang dalaga na makapaghihintay ang pag-ibig kumpara sa suwerte na minsan lang kumatok sa pinto.

Ayon pa kay Yeng, mayroon siyang awiting matagal na niyang na-compose at isinama dito sa Journey. Ito ay ang awiting "Tala" na sinulat niya para sa kanyang matagal nang crush, pero kahit anong pilit namin ay ‘di namin ito nakumbinsing magtapat.

Available sa leading music record bars at maging sa ibang bansa ang Journey ni Yeng under Star Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN