Watch Now

Wedding band 3RD Avenue to perform in Vin Abrenica-Sophie Albert's wedding in 2023

by Julie E. Bonifacio
Dec 28, 2022
3rd Avenue
Meet the members of 3rd Avenue: Beng Gatmaitan, Miguel Nuñez, Paolo Ledesma (3rd from left, behind Miguel and Muriel), Muriel dela Paz, Alchris Ramirez, Joy Reyes, Lester Cerda and Gino Madrid.
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Pangarap ng 3rd Avenue band members na dumating ang panahong makilala sila sa OPM scene.

"Actually, our ultimate dream ay yung mag-show ka na they are singing our songs. Kasi ngayon po talaga nagpapakanta kami ng mga tao. Pero hindi namin kanta," sabi ni Paolo Ledesma, lead vocalist ng banda.

Ang 3rd Avenue ay binubuo ng mga bokalistang sina Paolo, Muriel dela Paz, Alchris Ramirez, at Joy Reyes. Kagrupo rin nila si Beng Gatmaitan (drums), Gino Madrid,(guitar), Lester Cerda (saxophone), at Migs Nuñez (keyboard/resident arranger/musical director).

Ilan sa malalaking celebrity events na nag-perform ang 3rd Avenue ay sa wedding nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista (2015), dedespedida de soltera ni Toni Gonzaga (2015), at sa birthday party ni Jane de Leon (2022).

Nakatakda rin silang mag-perform sa kasal nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa 2023.

Nitong December 2022 ay naging abala sila sa iba-ibang wedding at corporate events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

3RD AVENUE'S NEW SINGLE FOR 2022

Excited din ang grupo sa mga bagong aabangan sa kanila sa OPM scene.

Noong November 2022, nag-release sila ng bagong single na may titulong "Diskarte."

Ang "Diskarte" ay isa sa maraming kantang ginawa ng 3rd Avenue nung kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa lead vocalist ng 3rd Avenue na si Paolo Ledesma, nag-standout ang single na ito sa Gen Z at millenials na pinakinig nila ng kanta.

"Actually, nagpa-FGD [focus group discussion] kami. Mga ten songs ang pinarinig namin sa kanila and 'Diskarte.'

"And this is number one sa Gen Z and millenials. And then, doon sa mga 30 [years old] pataas, it's still part of of the top three songs na pinili nila.

"And based din sa feedback that we got, yung beat nung kanta, it also resonated with them. Yung tono, plus siguro yung lyrics din."

Isa itong love song kunsaan makaka-relate ang Gen Z at millenials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, eto yung mga nagliligawan na hindi alam kung paano sila magsisimula mag-express ng feelings sa gusto nila.

"So hopefully mag-translate to sa albums," dasal ni Paolo.

3RD AVENUE PREPARING FOR TRANSVERSE ALBUM

Plano ng banda maglabas ng album, ang Transverse, kunsaan kasama ang single na Diskarte.

Bakit Transverse ang napili nilang album title?

Sagot ni Beng, "So ano yan, e, parang a play of emotions, play of different situations.

"So, makaka-relate talaga lahat ng tao. Hindi lang yung mga lovers. Meron mga heartbreak songs din. Meron ding songs about about friendship."

Dagdag naman ni Paolo tungkol sa rollercoaster of emotions na dala ng mga ilalabas nilang kanta, "So, we will be digging to that journey. So, 'trans' meaning to cut across or to go through. And then, 'verse' meaning the line.

"Through the lines in our songs, we actually articulate kung ano yung napi-feel ng mga tao na nahirapan silang i-articulate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi syempre we also noticed nung nag-pandemic, di ba? Tumaas yng mga cases ng mga mental health [issue]. Kasi wala ng connection, e. Walang nakakausap.

"So, through our songs we hope that we will be able to articulate their feelings for them kasi hindi nila masyadong ma-express yung sarili nila.

"Kasi nga, we got songs about, yun nga, first time ma-fall in love. Hindi nila alam ang gagawin.

"We also have songs na yung iniwan o di kaya hindi happy about their relationships. Meron naman yung masaya lang sila."

All original songs ang nakapaloob sa gagawing album ng 3rd Avenue.

3RD AVENUE'S FIRST ALBUM

Matagal na rin ang indie band na 3rd Avenue.

As early as 2007, nag-release ang 3rd Avenue ng first album, ang In Time, produced by Barnyard Music and distributed by Universal Records.

"Nag-hit naman siya sa mga probinsya," ngiti ni Paolo.

"Yung 'Aking Hiling' ginamit na siya ng GMA for one of their soaps. And then, yung mga sumunod na singles, yung 'Iwas Lang,' 'Hanggat Tayo'y Magkasama,' and 'Why Can It Be?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos after that, kami rin po ang kumanta ng dalawang theme songs ng Daisy Syete," kuwento ni Paolo.

Nanalo ang 3RD Avenue sa Awit Awards bilang Best Performance By A New Group para sa single nila na "Why Can't It Be?" nung 2008.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet the members of 3rd Avenue: Beng Gatmaitan, Miguel Nuñez, Paolo Ledesma (3rd from left, behind Miguel and Muriel), Muriel dela Paz, Alchris Ramirez, Joy Reyes, Lester Cerda and Gino Madrid.
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results