Watch Now

Ice Seguerra recalls Liza Diño "grabe ang lagapak" after FDCP stint; Liza now busy with own company

by Melba R. Llanera
Jan 5, 2023
Ice Seguerra Liza Dino
Ice Seguerra on putting up a company with Liza Diño: "Actually, kami talaga ni Liza before pa FDCP, talagang dream na namin magkaroon ng production... Sakto lang din when Liza left the [FDCP] office, parang after a few days, dumating yung papel ng Fire and Ice. If this is not a sign, then I don't what it is."
PHOTO/S: @iceseguerra Instagram

Inamin ni Ice Seguerra na labis na dinamdam ng asawang si Liza Diño nang magtapos ang termino nito bilang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson.

Naging bukas noon si Liza sa pagsasabing nais niya sanang ipagpatuloy ang pagiging FDCP chair kung pahihintulutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero itinalaga ng huli si Tirso Cruz III para sa nasabing puwesto.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagtalaga kay Liza bilang FDCP chair mula 2016 to 2019 at na-extend hanggang July 2022.

"Yeah, di lang lungkot, it's fair to say that grabe yung lagapak niya," tukoy ni Ice sa epekto kay Liza ng pagkawala nito sa FDCP.

Patuloy niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "You know Liza, she's bubbly, masayahin siya.

"Siyempre pag kailangan niya ng sounding board, kasi most of the time full of emotions, ganyan, kailangan mo talaga to be there not just to listen but to be with her every step of the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To make sense of things na, siyempre, that time, ang hirap mag-make sense of things so we held the process together.

"Siyempre, aaliwin mo kahit papaano. Dumating sa time na kahit kantahan ko siya, di siya naaaliw.

"It was bad, pero sabi ko nga sa kanya, hindi lang niya baby yun, e, parang asawa niya. Minsan ako nga yung second, e."

Fire and Ice Media Productions

Pero kinalaunan, tila nagsilbing "blessing in disguise" na hindi na na-extend ang posisyon ni Liza bilang FDCP chair.

Itinayo kasi ng mag-asawang Ice at Liza ang sarili nilang media at production company, ang Fire and Ice Media and Productions, Inc.

Ayon kay Ice, matagal na nilang pangarap ni Liza ang pagprodyus ng concert at films.

"Actually, kami talaga ni Liza before pa FDCP, talagang dream na namin magkaroon ng production.

"Nung una talaga, ang goal namin is to make our own films, so nag-MOWELFUND kami hanggang sa nagkaroon ng Fire and Ice sometime 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang prinoduce namin nun, which we call High On Love, nag-collaborate kami ni Liza dun. It's like a Flamenco-Aiza theme.

"Itutuloy na sana namin kaya lang, yun nga, we both served the government, so siyempre na-stop yung dream na yun for six years."

Si Ice ay nanungkulan bilang chairman ng National Youth Commission mula August 2016 hanggang sa nag-resign siya noong March 2018.

Patuloy ni Ice tungkol sa kumpanya nila ni Liza: "Nung pandemic, pinasok ko na ang paper work nito, kasi sabi, 'Sige nga, since wala namang ginagawa, at least gumagalaw na yung papel sa SEC [Security and Exchange Commission], sa lahat, permits and everything.

"Pinaasikaso ko na sa lawyer para, at least, by the time na ano, yung papel namin ready na. Sakto lang din when Liza left the [FDCP] office, parang after a few days, dumating yung papel ng Fire and Ice.

"If this is not a sign, then I don't what it is. Parang okay, ito ang susunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited si Ice sa pagproprodyus nila ni Liza ng concerts at eventually ay films.

"Happy nga kami na may office na kami, finally na-close na namin yung deal.

"Ako, happy ako, kumbaga, natigil man yung sa FDCP, pero may pumalit na mas makakapagpuno din sa kanya.

"Sabi ko nga, sad ako more than anything because how it happened, it could have happened better, but happy lang din ako because her ideas, her vision, ang magbe-beneifit naman kami."

Ayon kay Ice, masayang-masaya siya na nabigyang katuparan ang pangarap nila ni Liza na itatag ang Fire And Ice Media Productions, Inc., lalo't tugma ang kakayahan at vision nilang dalawa.

"Happy lang din ako because my wife is very creative, kami as couple, pareho kaming creative talaga. Happy lang kami na nakakapag-work kami together.

"Si Liza, very big ang vision niyan, talagang kakaiba. Ako naman, iba ang skills set ko so naa-apply namin yun, nagko-compliment kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like, itong the song that we did together, 'Wag Kang Aalis', it won in recent Awit Awards. Yung Becoming Ice [concert] also nanalo siya.

"I'm happy na parang it tells us, 'Hey, okay kayo magtrabaho, maganda kayo magtrabaho.'"

ON SYLVIA SANCHEZ AS CO-PRODUCER

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ice sa presscon para sa Fire and Ice Media Productions Inc. at Nathan Studio na pag-aari naman ni Sylvia Sanchez.

Co-producers ang dalawang kumpanya para sa dalawang concerts: ang Becoming Ice Live In Cebu at Divine Divas Live: The Ultimate Drag Experience.

Ginanap ang presscon sa Tipsy Pig Timog Avenue, Quezon City, noong December 30, 2022.

Ang Becoming Ice ay 35th anniversary concert ni Ice, habang ang Divine Divas Live ay concert tampok ang Drag Race Philippines winner na si Precious Paula Nicole at kapwa drag queens na sina Viñas Deluxe at Brigiding.

Labis ang pasasalamat ni Ice na suportado ni Sylvia ang ventures nila ni Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Dino, Ice Seguerra, Sylvia Sanchez eye film production collabs

Paliwanag ni Ice: "Nagsimula sa Becoming Ice [concert], although si Nanay naman ever since palagi siyang vocal. 'O, anak, pag magko-concert ka, babakas kami diyan, ha?'

"Pabiro, hanggang sa, 'Nay, totoo na, magko-concert ako, game!' Sabi niya, '50 percent ako,' ganun kami.

"Tapos heto, sa Divine Divas, nabanggit namin we're doing this.

"Siyempre, nung una di pa niya kilala ang mga yun. But Ria [Atayde], her daughter, is a big fan. Nung nakita niyang nag-perform ang mga drag queens, 'Game kami diyan, Nak,' ganun kabilis."

Patuloy niya, "Ang maganda lang, magkaibigan kami, we make sure everything is nasa kontrata, black and white kami. Sabi ko nga, our friendship is very special that we shouldn't let business affect it.

"As much as possible, yung mga quirks na ganyan, yung mga bagay na dapat maayos, sa simula pa lang inayos na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON directing and PRODUCING FILMS

Isa sa plano nina Ice at Liza sa Fire and Ice Media Productions Inc. ay ang pagpo-produce ng mga pelikula.

Kuwento ni Ice, may ilan nang naisip na konsepto para sa mga gagawing pelikula kunsaan gusto niya maging direktor.

Saad niya, "Sa totoo lang, ang artista sa akin, whoever fits the character the most. There are stories na feeling ko gusto ko talagang gawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Number one, this one they want to do is a transfather role, it's actually loosely based on my story and how I am in terms of being a dad, while at the same time finding out that I am a trans man.

"Ako, hindi artista, more on stories. Iba ang gaganap, ako ang direktor. Iba pa yung gusto naming gawin."

PROUD OF LIZA AS BUSINESS PARTNER

Ipinagmalaki rin ni Ice kung paano magtrabaho si Liza para bigyang-katuparan ang mga plano nila.

"Marami kaming plano. Ang maganda lang dun, ang sarap mag-dream kapag you are surrounded with people na dreamers din who can make it happen.

"What's nice about Liza, minsan late night talks lang namin, nabubuo siya nang bongga. Ako kasi, masasabi ko, yes creative ako, pero yung willpower niya, my god! Siya talaga.

"Wala akong drive niya. Siya talaga grabe siya magplano, di lang sa plano para makarating tayo dito, heto ang kailangan nating gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung Becoming Ice, siya ang marketing, siya nag-conceptualize, siya yung sa tickets.

"E, sa tickets pa lang, limang tao na ang nagha-handle niyan. E, siya, siya lang.

"Kaya nga sabi ko, hiyang-hiya ako na ako lang ang nagdirek at saka ako ang kumanta, pero the rest, it's all hers."


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra on putting up a company with Liza Diño: "Actually, kami talaga ni Liza before pa FDCP, talagang dream na namin magkaroon ng production... Sakto lang din when Liza left the [FDCP] office, parang after a few days, dumating yung papel ng Fire and Ice. If this is not a sign, then I don't what it is."
PHOTO/S: @iceseguerra Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results