Watch Now

Newbie singer Jace Roque details cost of producing his own mini-album

by Julie E. Bonifacio
Jan 13, 2023
Jace Roque
Jace Roque on his four-track album Inferno: "So, yun po yung premise talaga na with the songs ko sa Inferno. Pinupurga ko ang sarili ko from all the pain, the sufferings na na-experience ko for the past two years na na-aggravate ng pandemic. Para naman nalabas ko na lahat ng sama ng loob ko at kaya ko ng mag-move on. At magiging mas masaya na tayo ng 2023."
PHOTO/S: @jaceroque Instagram

Magkano ang inaabot sa pagprodyus ng mini-album sa local music scene?

Sa kaso ng newbie singer na si Jace Roque, minimum cost lang ang ginastos niya dahil wala siyang binayarang suppliers.

Si Jace ang nag-produce ng kanyang mini-album na Inferno, na mayroong four tracks.

"Sa akin po kasi, zero ang cost kasi ako yung gumagawa," kuwento ni Jace sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Wala akong binabayaran na songwriter. Kasi ako mismo po yung gumagawa ng mga kanta ko.

"Wala rin akong binabayaran na producer kasi ako rin yung producer.

"Hindi ako nagbabayad ng studio time kasi may sarili akong studio sa house. Na parang when it comes to production, wala akong ginagastos talaga because it is all me."

Maya-maya pa ay naglapag ng estimated cost si Jace.

"Pero based doon sa mga kinukuwento ng friends ko, for them to create a song, halos 100K yung nagagastos sa song nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya very happy rin ako na nagagawa ko siya all on my own."

Ayon kay Jace, sariling "savings" ang pinagkunan niya ng budget sa pag-record ng mga kanta sa Inferno.

"As an independent artist po talaga, maglalabas ka talaga ng sarili mong pera. Kasi if you’re part of a major record label or management, sila ang mag-i-invest sa yo."

"But with me, ako yung nag-i-invest sa sarili ko. Tapos, wala po akong pinagkakautangan kahit kanino.

"Aside from my savings, ngayon po with the financial help from my family kaya nakagawa po ako ng album ko. Nag-i-invest na rin po sila sa akin."

Paliwanag pa ni Jace: "Parang sa artists sa ibang bansa po, pamilya rin nila nag-i-invest para sa career ng isang nasa showbiz.

"So, parang ganoon na rin sa akin ngayon na my family is supporting my career."

Nagkuwento rin si Jace ng pros and cons ng pagprodyus ng sariling record album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As a producer, ang nagiging struggle ko lang is to meet my own deadlines.

"Kasi, since ako yung nagpro-produce, parang kailangan kong pukpukin ang sarili ko na dapat matapos ko by this time frame. Kasi siyempre, marami rin tayong tinatrabaho.

"Ako rin mismo ang nagpupulis sa sarili ko, yung hindi ko inuuto ang sarili ko, 'Ay, ang ganda nito.' Kahit hindi naman. Ako rin yung nagri-reality check na, 'Bagay to, eto hindi.'

"Minsan ipaparinig ko sa very close friend ko na non-showbiz para mahingi ko yung input."

Read: Singer-actor Jace Roque unfazed despite "lulubog, lilitaw" projects in showbiz

JACE roque's all-original album inferno

May four original songs ang mini-album ni Jace na siya rin lahat ang nag-compose—“Di Para Sa ‘Yo,” “Be Someone,” “Trust,” at “Back To The Beginning.”

Sa panayam pa rin ng PEP.ph, isa-isa niya itong nilista:

"Yung ‘Di Para sa ‘Yo’ ang nag-iisang Tagalog song sa mini-album ko. Tungkol siya sa sa discovery ko na self-worth ko," lahad ni Jace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi po, siyempre kapag nagmamahal po tayo, binibigay po natin lahat. Wala tayong tintitira. But this time naman, sarili ko naman ang pinili ko.

"Then, yung ‘Be Someone’ naman po is yung expectation ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko, ng buong showbiz industry.

"Na, ayokong i-meet yung expectations niyo kasi gusto ko ako lang. I wanna be a version of myself that I can be proud of na hindi ako diniktahan.

"Then, yung ‘Trust’ naman po is about yung panloloko sa akin ng ex ko. Na nagkaroon ng third party,” pagri-reveal ni Jace.

"So, yung buong kanta po na ‘Trust,’ yun po yung confrontation namin. Yun yung transcript ng confrontation namin. Totoo pong nangyari yun. Lahat naman po ng songs ko, totoong nangyari sa buhay ko.

"Tapos yung pinakahuling song po, yung ‘Back To The Beginning’ is about yung hugot ko sa magulang ko na, siyempre, nakalatag na yung buong pangyayari sa buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And siyempre, yung ‘Back To The Beginning’ gusto ko naman na ang masusunod ay ang gusto kong tahakin sa buhay ko."

May hugot sa personal journey niya ang konsepto ni Jace sa album na Inferno.

Ayon kay Jace, "Wala po akong kanta na kasama sa album na title ay Inferno. But the project itself is Inferno because, di ba po pag sa... before tayo dalhin sa impiyerno, pinupurga muna tayo ng lahat ng mga kasalanan natin, lahat ng mga pinagdaanan natin.

"Para pagdating mo sa impiyerno, nandoon ka lang to serve your time and magkaroon ka ng chance na umakyat ka sa langit.

“So, yun po yung premise talaga na with the songs ko sa Inferno. Pinupurga ko ang sarili ko from all the pain, the sufferings na na-experience ko for the past two years na na-aggravate ng pandemic.

"Para naman nalabas ko na lahat ng sama ng loob ko at kaya ko ng mag-move on. At magiging mas masaya na tayo ng 2023," paliwanag ni Jace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON building a singing career

May bit roles na ginampanan si Jace sa iba-ibang Kapamilya serye noong 2015: Ningning, Inday Bote, at And I Love You So.

Noong 2012 ay lumabas din siya sa Kapuso serye na Teen Gen.

Pero tinututukan niya ngayon ang pangarap na makilala sa OPM scene, lalo pa't gusto niya ring magprodyus ng full album.

"Yun lang po talaga ang pinagkakabisihan ko ngayon, yung paggawa ng album ko, because mabilis lang po yung magiging transition from Inferno to my full album.

"Ngayon po, continuously gumagawa ako ng mga bagong kanta na, hopefully, mapasama sa project after nung first album ko. And, yun lang po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kinabibisihan ko lang talaga, aside from mag-gym ako, trabaho sa music. Kasi very ano talaga ako, workaholic talaga," napangiting saad niya.

Na-inspire si Jace na maging masigasig sa singing career matapos ang back-to-back nominations niya mula sa 35th Awit Awards at P-pop Awards noong 2022.

Na-nominate si Jace sa kategoryang People’s Voice Favorite Male Artist sa Awit Awards at New Male Artist of the Year sa P-pop Awards.

Si Darren Espanto ang nanalo ng Favorite Male Artist para sa Awit Awards, habang si Eric Ejercito naman ang wagi sa P-pop Awards ng New Male Artist of the Year.

Hindi man niya nasungkit ang award alinman sa dalawa niyang nominations, masaya pa rin si Jace dahil sa mga nakuhang nominasyon.

Asam niyang makilala rin sa industriya tulad ng mga kaanak na singers na sina Gino Padilla at Luke Mejares.

Sabi ni Jace, "Very happy po because yun naman yung tina-try ko na i-strive na makapag-carve ako ng sarili kong pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi since naging aware na ang mga tao kung sino ang relatives ko, siyempre, nakokonek na. Kailangan, since legends sila, dapat may some amount of achievements din ako.

"Pero ngayon nagagawa na natin at nare-recognize na tayo. Hindi na lang ako nagpapa-pressure.

"Very supportive naman sila sa akin and natutuwa rin sila na nahahanay na rin ako sa kung anong naa-achieve nila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jace Roque on his four-track album Inferno: "So, yun po yung premise talaga na with the songs ko sa Inferno. Pinupurga ko ang sarili ko from all the pain, the sufferings na na-experience ko for the past two years na na-aggravate ng pandemic. Para naman nalabas ko na lahat ng sama ng loob ko at kaya ko ng mag-move on. At magiging mas masaya na tayo ng 2023."
PHOTO/S: @jaceroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results