Reason why singer-comedienne Fe de los Reyes migrated to the U.S.

by Julie E. Bonifacio
Jan 13, 2023
Fe delos Reyes
Fe de los Reyes on her life in the U.S. after leaving the Philippines in the '80s: "But you know, siyempre kapag magbi-baby ka, ang priority mo family, di ba? Kasi wala namang yaya-yaya doon, e. I have to take care of my family and my husband. But I would do shows, yung pa-ganoon-ganoon. Tuluy-tuloy lang. Sabi ko nga, 'I never left the karnabal.' Kapag ipinanganak ka sa karnabal, babalik ka sa karnabal."
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Naaalala niyo pa ba si Fe de los Reyes?

Siya ay singer-comedian noong '70s hanggang early '80s pero umalis ng bansa at naninirahan sa U.S. noong 1993.

Unang nakilala si Fe bilang member ng bandang Music & Magic na sumikat noong late '70s.

Kasama ni Fe sa banda ang tinaguriang "Pop Diva" na si Kuh Ledesma, ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan, Eva Caparas, Jet Montelibano, Toto Gentica, Nonoy Mendoza, Butch Elizalde, at Bobby Taylo.

Bilang solo artist, ang ni-record ni Fe na first single niya ay ang Christmas song na "Abakada ng Pasko" na iprinodyus ng Vicor Records.

Nakausap ng PEP.ph si Fe sa Dapo restaurant sa Quezon City noong December 9, 2022. Dito ay binalikan ni Fe ang dahilan kung bakit iniwan niya ang showbiz career sa Pilipinas at piniling mag-migrate sa U.S.

"I had to make a hard choice because it was at the height of my career here in 1993," emosyonal na balik-tanaw ni Fe.

"But then, I also thought of having a family. Kasi, 35 na ako. Gusto ko na magka-baby. Gusto ko nang mag-asawa.

"Yeah, I left na single ako. Ikinasal ako sa Amerika."

Paglalarawan ni Fe sa buhay niya sa Amerika: "I've been happily married.

"I have two daughters and my husband has two daughters from his previous marriage. So, I have four, apat sila. My youngest is already 24 and puro babae."

Pero bukod sa pag-aasawa, may isa pang mabigat na rason kung bakit kailangan niyang talikuran ang career sa Pilipinas at pumunta ng Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Fe, "So, I went to the States, actually, to have a family and to look for my sister. Kasi, I have a long-lost sister whom I’ve never met.

"So, that’s also my reason for going to the States, biological sister ko. Same mother, same father na napaghiwalay kami nung baby pa kami. Maliliit pa kami.

"'Tapos nalaman ko meron pa pala akong isang kapatid. Late ko na nalaman."

Ang ama ni Fe ang nagsabi sa kanyang meron pa siyang kapatid na hindi nakikilala.

"Bakit late na sinabi? E, alam mo naman, di ba? Marami namang rason...," bitin na sagot ni Fe.

Hindi malinaw kung nakita ni Fe ang napawalay sa kanyang biological sister.

Pero diin niya, pang-drama ang istorya ng buhay niya.

"They actually did a musical in America. Amerikana: Made in the Philippines is based loosely in my story.

"Kasi, when we moved to the States, ano yun, e [big change]... Tapos nawalan pa ako ng papeles, yung mga ganoon.

"Ginawa ko yung mga ginawa ng mga Pilipino, lahat, and yeah, my attorney was Atty. Gurfinkel."

Nagpatulong daw siya sa abugadong si Michael Gurfinkel na expertise ang immigration issues sa U.S.

"Marami akong pinagdaanan, no, from being an immigrant and bumuhay ng isang pamilya, you know.

"Iba. Iba ang buhay sa Amerika. Masarap na mahirap," pagbabalik-tanaw pa ni Fe.

Hindi man madali ang sinimulan niyang bagong buhay sa Amerika noong '90s, isang bagay na hindi niya tinalikuran ay ang pagiging entertainer kahit na nagpamilya na siya.

"But you know, siyempre kapag magbi-baby ka, ang priority mo family, di ba? Kasi wala namang yaya-yaya doon, e. I have to take care of my family and my husband.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But I would do shows, yung paganoon-ganoon. Tuluy-tuloy lang.

"Sabi ko nga, 'I never left the karnabal.' Kapag ipinanganak ka sa karnabal, babalik ka sa karnabal.

"So, hindi ko siya iniwan."

Patuloy na kuwento ni Fe: "And doon ako, parang sabi ko, 'I am blessed,' you know. Nagkaroon ako ng pamilya pero naririyan pa rin ang showbiz.

"But, of course, ang buhay ko naging sa Amerika na. I did a lot of musicals there, mga musical-comedy."

FE DE LOS REYES'S WORK IN THE U.S.

May nilabasang gigs si Fe sa U.S., at kadalasan ay kasaman niya ang mag-asawang Odette Quesada at Bodjie Dasig na parehong singer-composer.

Si Odette ay sumulat ng sikat na OPM songs na "Till I Met You" at "Friend of Mine"; habang si Bodjie ay sumulat ng kantang "Ale (Nasa Langit Na Ba Ako?)."

Kuwento ni Fe: "I worked a lot with Bodjie Dasig, the late Bodjie Dasig, and Odette Quesada.

"Odette is my dearest friend. We work together a lot. She’s my best friend sa industriya at family friend.

"Yung show namin na All About Love with Kuh, who is like a sister to me, too, because of Music & Magic. So, pinagsama-sama kaming tatlo. Ang ganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May acting projects ding ginawa si Fe kasama ng ibang Filipino artists sa U.S.

"Well, I never left entertainment. I’ve been doing it in America. Ginagawa ko rin yun. So, I do shows, movies.

"Oo, gumagawa rin ako ng pelikula sa U.S. I did The Debut. I don’t know if you heard about it," aniya.

And The Debut ay isang independent drama film na isinulat at idinirek ng Filipino-American na si Gene Cajayon noong 2000. Pinagbidahan ito ng Filipino-American actor na si Dante Basco.

Kasama rin sa movie sina Tirso Cruz III, Gina Alajar, at ang yumaong aktor na si Eddie Garcia. Ginampanan ni Fe sa pelikula ang role bilang si Alice.

Dagdag pa ni Fe sa mas bago niyang mga proyekto: "And recently, I did Zenaida. It’s a thesis short film produced by the American Film Institute. Tapos now, ipapalabas, hindi ko alam kung kailan…

"Yung Asian Persuasion, that’s starring KC Concepcion. Ang role ko doon ako ang mommy ni KC. I have a featured role there.

"I do voice acting, too. I just did one for an animation. Oo, active pa rin ako as a singer and as an actress. Hindi naman ako umalis Tuluy-tuloy ako,” pagmamalaki niya.

FE DE LOS REYES AND HER NEW SONG

Pagkalipas ng dalawang dekada na pamamalagi sa U.S., balik-recording at concert scene si Fe dito sa Pilipinas.

Umuwi ng Pilipinas si Fe para personal na i-promote ang digital single niyang "Hoy, Ikaw Na Naman" na kinompose ni Cecile Azarcon-Inocentes at iprinodyus ni RJA Productions LCC.

"Well, it’s an honor to be singing a song by Cecile Azarcon. Barkada kami sa States, e.

"Magkakasama kami niyan. Si Odette Quesada, ako, si Cecile, si Jam Morales, si Chiqui Pineda, and Kuh Ledesma.

"Kami yung mga close, magkakasama. We do shows together pag nasa States din kami," paliwanag ni Fe.

Si Cecile ang nag-suggest na kantahin ni Fe ang "Hoy, Ikaw Na Naman."

Kuwento pa ni Fe, "Sabi ni Cecile, 'Fe, meron akong naisip na kanta para sa yo. Bagay na bagay sa yo.' Ayun, napakinggan ko.

"2017 was the first time I sang it. And last year, 2021, sabi niya, 'Fe, sige i-release na natin.'

"Siyempre, tuwang-tuwa naman ako kasi meron akong Cecile Azarcon song and I say it’s really a nice song."

Ano ang kuwento ng kanta?

Sagot ni Fe, "It’s very light and it’s about a typical Filipina. A romantic Filipina na nagpapakipot. Merong sunod nang sunod sa kanya, 'Hoy, ikaw na naman?' Pero gusto naman pala niya. Pero konting pakipot lang."

Ang "Hoy, Ikaw Na Naman" ay unang ni-record at ni-release noong 1994 ni Ciel Perlas bilang bahagi ng compilation album ng lahat na mga isinulat ni Cecile na pinamagatang Ciel at Azarcon under Viva Records.

Kahit nawala siya sa music scene sa Pilipinas ng mahabang panahon, naniniwala si Fe na may lugar para sa kanyang brand of music, na iba naman sa mga nauusong kanta sa makabagong henerasyon ng listeners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, I’m 64 years old and I will remain to be Fe de los Reyes na nakilala nila. Hindi naman ako nagbago, ‘no. Pareho pa rin. Pero hindi ko naman pipilitin yung hindi naman babagay sa akin," sabi ni Fe.

Dagdag niya, "Andiyan sila mga millennials, parang mga anak ko na yan. But I will always be Fe. So, I think, konti siguro itu-tweak ko konti sarili ko.

"Pero, I know the music of today. Although, I don’t know a lot of artists now na mga bata na, ‘no. Maraming magagaling."

Naniniwala si Fe na may sarili ring audience ang kanyang musika.

Aniya, "Bawat naman artista may sariling market. I think I have also the younger crowd. Kasi nagti-TikTok din ako.

"So, siyempre, makikibagay ka rin sa panahon ngayon. Hindi naman pupuwede you stick to your music.

"Kaya nga may konting tweaking, but you don’t lose who you are. I will remain to be the same. Mamahalin pa rin siguro ako for who and what I am."

Nang makapanayam ng PEP.ph si Fe noong December 9, iyon din ang araw na pag-uwi niya sa U.S.

Pero siniguro ni Fe na babalik-balik siya sa Pilipinas dahil gusto niyang karerin uli ang pagkanta at pag-arte rito.

"I was just here last 2020, just before the pandemic. Music & Magic had a reunion, and with Kuh Ledesma noong 2020.

"Nung pumutok yung Taal Volcano, nandito kami. That was the last show we did here. Tapos, ayun na, pandemya!" sabi ni Fe.

Dagdag niya, "Tapos, ngayon ulit. And how nice, ‘no? Nag-open lahat ulit and masaya. Ayun, nandito na ako uli."

Ayon kay Fe, may basbas ng kanyang pamilya ang pagbabalik-showbiz niya dito sa Pilipinas.

"I think my husband is very supportive. Pati mga anak ko. Kaya lang ngayon, dalawang linggo pa lang ako wala, nami-miss na ako ng mister ko.

"Pero susunod din siya. Sasama siya. Kasi nga, he will retire na. My husband is in IT. He’s an engineer. Technical engineer siya, sa computers.

"But we also have our own business in construction. It’s a family business. He’s also a contractor," paliwanag ni Fe.

ON REVIVING HER CAREER IN PH

Balak ni Fe na bumalik ng Pilipinas by mid-2023.

"This time I can stay here longer and mas madalas akong pumunta dito. Kasi madaming trabaho. Maganda yun," excited na bulalas ni Fe.

Patuloy niya, "And magre-retire na ang asawa ko. And my youngest one is graduating this month from nursing. So ano na, tapos na ang obligasyon and I have more time.

"So, my husband and I, mas libre kami ngayon. And I miss it here. I have to stay here longer. Hindi puwedeng pasulput-sulpot lang, ganoon.

"I want to stay here longer and do more regular gigs, TV shows and concerts, di ba? Nakaka-miss, e. Nami-miss ko talaga.

May offers ding possible TV and movie projects kay Fe.

Sabi niya, "Yeah, meron nang mga nagtatanong at gusto kong gawin. Yung mga sa TV, teleserye.

"Dati hindi ako maka-commit kasi hindi ako maka-stay dito nang matagal. Pero ngayon puwede na and I am ready. Keri ko yan kung kailangang mag-stay dito ng ilang months."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong role ang gusto niyang gampanan sa TV o pelikula?

"Siyempre ang ibibigay nila comedy," sagot ni Fe.

"Saka ang role ko na siyempre nanay, lola, tita. Pero hindi, gusto ko kontrabida. Ewan ko."

Hindi pa raw kasi siya nakakagawa ng kontrabida role.

"O, di ba? Challenging yun. Yung nananampal?

"Well, feel ko lang na parang gusto ko magkontrabida.

"But you know what? I welcome anything basta maganda siya," pagtatapos ni Fe.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fe de los Reyes on her life in the U.S. after leaving the Philippines in the '80s: "But you know, siyempre kapag magbi-baby ka, ang priority mo family, di ba? Kasi wala namang yaya-yaya doon, e. I have to take care of my family and my husband. But I would do shows, yung pa-ganoon-ganoon. Tuluy-tuloy lang. Sabi ko nga, 'I never left the karnabal.' Kapag ipinanganak ka sa karnabal, babalik ka sa karnabal."
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results