Labis ang saya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na makita muli sa personal ang Grammy award-winning singer-songwriter na si Ne-Yo.
Isa si Catriona sa mga Pilipinong masugid na tagahanga ni Ne-Yo na dumalo sa kanyang Manila concert nitong Lunes, January 23, 2023, sa Araneta Coliseum.
Maliban sa pag-awit ng mga sikat na kanta ni Ne-Yo na "Miss. Independent", "Because of You," "So Sick," "Mad," at "Beautiful Monster", highlight din ng gabi ang reunion ng American R&B singer at ni Catriona.
Isa si Catriona sa mga masuwerteng fan na naimbitahang pumanhik sa stage.
"What's your name?" tanong ni Ne-Yo sa Pinay beauty queen.
Sagot ni Catriona, "My name is Catriona, I actually walked with you in Thailand. I'm Miss Universe."
Bakas naman sa mukha ng R&B singer ang pagkagulat.
"I remember you, I remember you!" sabi ni Ne-yo sabay yakap kay Catriona.
Hindi rin pinalampas ni Catriona na muling ipakita ang kanyang iconic at signature "lava walk" na siyang nagpatili sa mga manonood.
Read: Here's how Catriona Gray perfected her lava walk and slow-mo twirl
Matatandaang si Ne-Yo ang nag-serenade sa Miss Universe 2018 Top 3 finalists kung saan nasungkit ni Catriona ang titulo at korona bilang Miss Universe 2018.
Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray: "I'll forever be your Miss Philippines."
"BEST NIGHT EVER"
Sa Instagram nitong Martes, January 24, 2023, ikinuwento ni Catriona kung gaano siya ka-fan at kaligaya na muling makita ang kanyang iniidolo.
Paglalarawan pa ng beauty queen, "best night ever" ang muling pagdalo niya sa sold-out back-to-back concert show ni Ne-Yo matapos din niyang manood sa concert nito noon pang 2010.
Mababasa sa kanyang caption, "Obviously had the best night ever last night at the @neyo concert in Manila!
"I actually watched him in concert in SM MOA back in 2010. I such a faaaan. Tapos backstage at MU2018, I was too shy to say hi.
"So last night, Neyo asked for members from the audience to dance, syempre hindi ako dancer! But then everyone around me was pointing to me and, taking notice, one of the stage managers picked me to take me to the stage.
"Kinabahan ako tulooooy. Pero ang alam ko....I can't dance but I know how to WUAALLKKKK."
Pinuri rin niya ang "incredible" performances ni Ne-Yo sa bansa.
Saad niya, "Fangirling aside, considering @neyo did a back to back show, the performances were incredible, the vocals were...[hands up emojis].
"A huge highlight of the year to witness him perform upclose!
"Thank you sooo much @divergines90 and my BPCI Family for the experience. One for the books!"
Dagdag pa niya, "My fangirl heart is soooo happy!"
READ MORE:
- Reason why Catriona Gray cried backstage at Miss Universe 2022
- Catriona Gray fashionably aces hosting stint at Miss Universe 2022
- Celeste Cortesi after failed Miss Universe 2022 bid: “To represent my country, The Philippines, is my greatest honor.”
- Herlene Budol on joining Miss Universe Philippines: "Wag nating ipilit, di tayo pang MU"
- Miss Universe owner Anne Jakrajutatip “surprised but not shocked” Celeste Cortesi did not enter Top 16
- Miss Universe 2022 bloopers, trending reactions of netizens