Sheree excited to launch new CD, shoot movie in Australia

Former Viva Hotbabe Sheree on her new album under Viva Records: “I’m producing this album with Marcus Davis at talagang binubusisi namin ang bawa’t detalye ng album before we launch it. It’s a 6-track album at pinaghalo siyang dance and club music. Ako kasi, favorite ko ang mga music nila Beyonce and Rihanna. Kaya parang gano’n ang dating ng album ko.”



“First love ko talaga ang singing kaya hindi ko kayang iwan ito.”

Ito ang sabi ng former Viva Hot Babe na si Sheree nang maging panauhin siya sa The Jon Santos Show ng Viva Channel noong nakaraang March 28.

Pinag-usapan nila ng host ng show na si Jon Santos ang kanyang pagbabalik sa recording at kasalukuyan ngang may tinatapos siyang 6-track CD na ire-release ng Viva Records.

Kuwento ni Sheree, “I can say na sobra akong obsessed sa album na ginagawa ko ngayon.

“I’m producing this album with Marcus Davis at talagang binubusisi namin ang bawa’t detalye ng album before we launch it.

“It’s a 6-track album at pinaghalo siyang dance and club music.

“Ako kasi, favorite ko ang mga music nila Beyonce and Rihanna. Kaya parang gano’n ang dating ng album ko.

“I am thankful that Viva Records is supporting me sa gusto kong ito.

“Alam naman nila na sa simula pa lang, ang pagiging singer ang gusto kong career.

“So this is my chance na maipakita yung talagang talent ko sa singing.

“Ang what’s great about it pa is that Viva will help in launching my album internationally.

“Kaya kailangan talagang magandang-maganda ang final product.”

NO ACTING ASSIGNMENTS YET. Kaya raw hindi muna tumatanggap ng acting assignments si Sheree dahil malaking oras at panahon ang binubuhos niya sa recording studio.

Patuloy pa niya, “Matagal na rin akong hindi nakagawa ng teleserye.

“The last one I did was My Beloved in 2012 pa.

“Nagkasunud-sunod kasi ang mga shows na ginawa ko sa labas ng bansa.

“Though may mga gustong kunin ako for a certain role sa mga teleserye, wala naman ako dito sa Pilipinas. Natataon na wala talaga ako rito.

“Then last year, nag-concentrate na ako sa paggawa ng bagong album.

“Mahaba yung mga naging proseso kasi. Naghanap pa kami ng magagandang materials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then I met Marcus Davis who took a chance in producing my album.

“Kaya sabi ko na dito muna ako sa music mag-concentrate.

“Since singing is really my first love, ito na ang pagkaabalahan ko.”

MOVED ON FROM BREAKUP WITH GIAN. Naka-move na si Sheree sa kanyang pakikipaghiwalay sa dating ka-live in partner na si Gian Magdangal.

Turning 7-years old this year ang anak nilang dalawa na si Haley.

Ayon kay Sheree ay matagal na siyang naka-move on sa nangyari sa kanila ni Gian.

“Two years na ang nakaraan and I’ve moved on na.

“Kailangan nating makalimutan na iyon para tuluy-tuloy lang ang buhay natin.

“That thing that happened sa buhay ko will not stop me from pursuing my dreams.

“Lahat ng mga ginagawa ko ngayon, I am doing it for my son.

“Lahat ng puwedeng sakripisyo for my son ay gagawin ko.

“I want to be the best mom and the best provider for my son,” diin pa niya.

RARING TO DO STAGE MUSICALS AGAIN. Kapag natapos na nga raw ang album, nais bumalik ni Sheree sa pag-arte sa entablado.

Lahad niya, “Mas gusto kong mag-stage musical ulit.

“Actually, sa stage musical talaga ako nagsimula. Isa ako sa nakasama sa musical na The Little Mermaid kunsaan unang lumabas si KC Concepcion in 2001.

“Then I was able to do Rent in 2010 and the last one I did was Sweet Charity in 2011.

“I miss doing musicals at sana makabalik ulit ako sa gano'n.”

May isang pending movie na dapat sisimulan si Sheree na isu-shoot pa sa Australia.

“Wala pa namang exact date kung kelan kami makakapagsimula. Pero nakapag-location hunting na kami in Australia.

“Actually, lahat ng lugar kunsaan kinunan yung movie na The Adventures of Priscilla: Queen of the Desert, pinuntahan namin.

“Parang may konek sa movie na 'yon itong project na gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mukhang matagal pa kami magsisimula kasi busy pa ako dito sa Pilipinas,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN