Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee returns onstage; netizens react

Welcome back, Gab!
by Khryzztine Joy Baylon
Apr 25, 2023
Gab Chee Kee returns onstage after being hospitalized
A month after being discharged from the hospital due to health complications caused by pneumonia, Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee is back to performing with his bandmates.
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram

Masayang ibinalita ni Chito Miranda ang pagbabalik entablado ni Gab Chee Kee, ang gitarista ng OPM rock band na Parokya ni Edgar.

Ito’y matapos niyang ma-ospital dahil na-diagnose siyang may lymphoma-induced pneumonia (cancer affecting the lymphatic system).

Read: Chito Miranda seeks financial help for Parokya ni Edgar bandmate with lymphoma

Mahigit dalawang buwan din ang itinagal ni Gab sa ospital bago siya tuluyang na-discharge sa ospital noong March 10, 2023.

Kung kaya’t ganoon na lamang ang saya ng kanyang mga kabanda, higit na si Chito, nang muli nila itong makasama.

Read: Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee discharged from hospital

Sa Instagram post ni Chito nitong Lunes, April 24, 2023, ibinahagi niya ang larawan ni Gab habang naggigitara.

Kuha ito sa ginanap na Circus Music Festival noong April 22, 2023, kung saan tumugtog ang Parokya ni Edgar.

Read: Francis Magalona's shirt to be auctioned to help Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas sa hitsura ni Gab ang labis na kaligayahan dahil muli niyang nakasama ang kanyang mga kabanda at maka-jam ang kanilang mga fans.

Mababasa sa caption ni Chito (published as is), “Nag-jam si Gab kagabi sa Your Song at sa Halaga (don't worry, nagpaalam sya sa doctor nya, at may kasama syang nurse buong time)”

Bilang kaibigan at kabanda, magkahalong saya at pangangamba raw ang naramdaman ni Chito sa muling pagbabalik entablado ni Gab.

Aniya, “As a friend, I was honestly worried, and wanted him to rest, and to simply enjoy the show from the sidelines.

“As a bandmate, it was an overwhelming experience.

“Sobrang saya lang ng feeling na naka-jam si Gab ulit...nakakakilabot.”

Muli ring pinasalamatan ni Chito ang mga taong nagpaabot ng tulong pinansiyal kay Gab.

Saad niya, “Sabi ko nga, kung hindi nyo kami tinulungan, wala na siguro si Gab ngayon...pero now, he's slowly getting his strength back, and is on his way to making a full recovery.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa niya, “Mahaba pa ang laban, pero we are slowly winning [heart emoji].”

NETIZENS' REACTions

Inspirasyon ngayon ng maraming netizens ang pagbabalik sa entablado ni Gab.

Sa comments section ng post ni Chito, bumuhos ang komento mula sa mga netizens na natuwa na nanumbalik na ang sigla ni Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chito Miranda reacts to “sayang naman yung 8M” comment on fundraising campaign for bandmate Gab Chee Kee

Komento ng isang netizen (published as is), “I was there that night. Special moment, kala ko ngjojoke ka nung sabi ko, uyy si gab!! Hehe.”

Saad ng isa (published as is), “Mangiyak ngiyak ako habang nakikinig huhu.”

Sabi pa ng ibang netizen (published as is), “We are there watching at the event, and yung naluha kme when he appeared and perform.. #GodisGoodallthetime.”

Ani pa ng isa, “Nakakaiyak mapanood! Hanggang ngayon di pa rin ako makarecover sa Circuit Music Festival lalo sa kanta ni Gab na Your Song! Amazing Parokya ni Kazee!”

Read: Francis M's polo shirt sold to Boss Toyo for PHP620K as part of fundraising for Parokya guitarist Gab Chee Kee

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A month after being discharged from the hospital due to health complications caused by pneumonia, Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee is back to performing with his bandmates.
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results