Hindi in-expect ng street musician na si Ghen Pondoc na magiging memorable ang performance niya sa isang mall sa Pasig City last April 16, 2023.
Isa si Ghen, 17, sa mga buskers o street musician na pumupuwesto sa iba’t ibang lugar para mag-perform nang libre sa publiko.
Read also: Paano kumikita ang buskers? Alamin kay Teri, isang street musician
Kumikita ang tulad niyang busker sa pamamagitan ng donation.
Pero higit pa sa donation ang natanggap ni Ghen kamakailan.
Sa kanyang post sa kanyang Facebook account matapos ang kanyang performance, ibinahagi niya ang kanyang naging experience with the vocalist ng bandang Sugarfree na si Ebe Dancel.
Read also: Ebe Dancel sings theme song of historical film Heneral Luna
Ang post ni Ghen: “Di ko pa rin alam kung paano ko na-manage makakanta nang maayos dito kahit nanginginig na ang kamay ko, hahaha!”
Kalakip ng kanyang post ang video kung saan kumakanta siya ng awitin ng Sugarfree na “Burnout.”
Makikita sa uploaded video na may habang one minute and 55 seconds na nanonood si Ebe, at kinukunan si Ghen ng video.
Read also: Ebe Dancel says about Sugarfree: "I think some people aren't over the band yet, but it's over."
Hindi nagtagal, lumapit si Ebe kay Ghen at sinabayan ito sa pagkanta.
Ayon kay Ghen sa panayam ng Inquirer, "While singing his song 'Burnout' po, damang-dama ko.
“Nakapikit po ako habang kumakanta, tapos pagdilat ko po, nakatayo siya sa right side, nagte-take ng video."
Read also: Ebe Dancel admits leaving Sugarfree after 12 years was harder than he expected
Inamin niyang hindi niya naitago ang kanyang tuwa nang sabayan siya ni Ebe sa pagkanta. May free hug pa mula sa singer na nagpasikat ng mga kantang "Makita Kang Muli" at "Hari ng Sablay."
Ani Ghen, "Grabe, super halo-halo po yung emotions. Ang sabi niya po, 'You’re doing great.'
"As a small artist po, sobrang sarap po sa feeling nun.
“Di ko po talaga ma-explain yung nararamdaman ko. Super surreal."
Si Ebe ang former lead vocalist ng Sugarfree mula 1999 hanggang 2011, bago ito nagdesisyong maging solo artist.
Read also: PEP EXCLUSIVE. Ebe Dancel moves on after Warner Philippines "let go" of OPM artists