Labis na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng Filipino pride at Broadway star na si Lea Salonga ang pagtatanghal niya sa harap ng ilang kilalang lider sa mundo.
Isa si Lea sa mga naimbitahang mag-perform sa state dinner sa White House sa Washington D.C., United States, para sa pagbisita roon ni South Korean President Yoon Suk-yeol, Huwebes, April 27, 2023.
Ang state dinner ay inorganisa mismo nina US President Joe Biden at First Lady Jill Biden para kay South Korean President Yoon at misis nitong si Kim Keon-hee, na bumisita sa US upang mas mapaigting ang alyansa sa pagitan ng kani-kanilang bansa.
Sa isang video online, makikita si Lea na kumakanta kasama ang United States Marine Chamber Orchestra at US Army Band Herald Trumpets.
Nakasama rin niyang magtanghal ang kapwa niya Tony awardee na si Norm Lewis at si Jessica Vosk.
Sa Instagram nitong Biyernes, April 28, 2023, ibinahagi ni Lea sa kanyang followers ang bago niyang milestone bilang isang performer.
Read: Lea Salonga among TIME magazine’s TIME100 Impact awardees
Ayon sa dating The Voice Philippines coach, ito ang unang pagkakataon na makapag-perform siya sa isang state dinner kaya sigurado raw na hindi niya ito makakalimutan.
Kalakip ng kanyang post ang ang kuha niyang litrato habang nagtatanghal at pari na ng mga nakasama niya.
Mababasa sa caption ni Lea (published as is): "Oh what a night!!!
"This was my first time to perform for a state dinner at the White House!
"Thank you, @michaelarden for asking me to be part of it! @thenormlewis @jessicavosk @jscribs @tedrarthur @usmarineband #jointforcechorus.".
Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pagbati at paghanga ng kanyang mga kaibigan, co-celebrities, at fans sa anila'y pagrerepresenta ni Lea sa galing ng isang Pilipino:
Read: Mga teenager na anak nina Lea Salonga at Claudine Barretto, muling nasilayan ng publiko