Sarah Geronimo reminisces about how Regine Velasquez helped her when she was a newbie

Sarah Geronimo introduces Regine Velasquez as her mentor and good friend.
by Jojo Gabinete
May 13, 2023
Sarah Geronimo and Regine Velasquez
Sarah Geronimo on her longtime friendship with Asia's Songbird Regine Velasquez: "She has become my mentor and my good friend, na talaga naman pong habambuhay ko po ‘yon ite-treasure at pasasalamatan sa pagkakataon na ibinigay niya sa akin."
PHOTO/S: Photo courtesy of VAA

Si Regine Velasquez ang isa sa mga special guest sa sold-out 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo na ginanap kagabi, May 12, sa Araneta Coliseum.

Importante kay Sarah ang partisipasyon ni Regine sa 20th anniversary show niya dahil malaki ang bahagi ng Asia’s Songbird sa kanyang entertainment career.

Si Regine ang host ng Star for A Night, ang singing contest ng Viva Television mula March 2002 hanggang March 2003.

Ang show na iyon ang naghatid ng malaking pagbabago sa buhay ni Sarah dahil ito ang tinanghal na grand champion.

Ikinuwento ni Sarah ang tatlong beses na pagsali sa auditions ng Star for A Night, ang mahabang pila habang mataas ang tirik ng mainit na araw, at ang pagiging inspirasyon ni Regine para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

"And after winning Star for A Night, nabigyan po ako ng pagkakataon na mapalapit po sa kanya.

"She has become my mentor and my good friend, na talaga naman pong habambuhay ko po ‘yon ite-treasure at pasasalamatan sa pagkakataon na ibinigay niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinuportahan po niya ako magmula nang gumawa ako ng debut album ko.

"Nag-back up pa po siya sa akin sa isang song ko at nag-guest din po siya sa lahat ng mga concert ko," ang pakilala ni Sarah kay Regine.

Pagkatapos ng kanilang duet, ikinuwento ni Regine na guest din siya ni Sarah sa kauna-unahang concert nito sa Araneta Coliseum noong 2005, at masaya siya para sa 20 taong tagumpay ng kanyang kapwa mang-aawit.

"Ikaw ibinigay din sa amin ni Lord," ang sabi ni Regine.

Sinundan ni Regine ng naughty na hirit ang mensahe niya kay Sarah, na nagulat dahil kilala ito na konserbatibo.

"Gusto ko lang sabihin na landian kayo nang landian. Landian nang landian. Nakakaloka! Oo landian nang… Hindi ka na virgin?" ang patanong na biro ni Regine patungkol kay Sarah at mister nitong si Matteo Guidicelli.

READ: Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli love story: A timeline

Natawa at napayakap si Sarah kay Regine, habang napahiyaw nang malakas ang manonood sa loob ng Araneta Coliseum.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumeryoso uli si Regine at saka pinuri si Sarah.

Sabi ng Asia's Songbird, "I love you sweetheart. You are the queen of everyone. You are the queen of our hearts.

"And most of all, you are the queen of this industry. We love you! Happy anniversary!"

SARAH'S ODE TO DADDY DELFIN GERONIMO

Tulad sa kanyang mga nakaraan na konsiyerto, nagbigay-pugay si Sarah sa Tatay Delfin nito na malaki ang kontribusyon sa mga tagumpay na tinatamasa niya sa kasalukuyan.

Bago niya inawit ang "Habang May Buhay," nagkuwento si Sarah tungkol sa hindi matatawaran na suporta na ibinigay ni Delfin sa kanya.

"He taught me to work hard. He has trained me. Naalaala ko po, every morning at nine o’clock, bumabangon kami.

"Gustung-gusto ko pong bumabangon ng umaga para po mag-ensayo. Pinapaakyat niya po ako sa lamesita namin at dun po ako nagpe-perform, na ang feeling ko po, yun ang stage ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siya po ang nagturo sa akin na maging malakas, matatag, lalung-lalo na po sa pagharap sa laban ng buhay.

"Tatay Delfin, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Para sa yo Tay. I love you Daddy," ang bahagi ng pagbibigay-pugay ni Sarah sa kanyang pinakamamahal na ama.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo on her longtime friendship with Asia's Songbird Regine Velasquez: "She has become my mentor and my good friend, na talaga naman pong habambuhay ko po ‘yon ite-treasure at pasasalamatan sa pagkakataon na ibinigay niya sa akin."
PHOTO/S: Photo courtesy of VAA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results