12 finalists for PhilPop 2015 announced

PhilPop executive director Ryan Cayabyab on this year's finalists: “I'm very excited this year because we have 12 exceptionally good songs. Itong PhilPop this year, sobrang exciting. Panoorin n’yo at pakinggan n’yo, at tangkilikin natin ang ating sariling musika.”


Inihayag na ang 12 finalists na nakapasok sa Philippine Popular Music Festival o PhilPop 2015.

Ginanap ang announcement nitong Huwebes, Abril 16, sa Sequoia Hotel sa Mother Ignacia Ave., Quezon City.

Ang Top 12 songs ngayong taon ay kinabibilangan ng "I Owe You My Heart" by MJ Morallos, "Nasaan" by Lara Maigue, "Tanging Pag-asa Ko" by Paul Armesin, "For The Rest Of My Life" by Ned Esguerra, "Triangulo" by Thyro Alfaro & Yumi Lacsamana, "Kilig" by Soc Villanueva, "Paratingin Mo Naman Siya" by Davey Langit, "Sa Ibang Mundo" by Mark Villar, "Musikaw" by Melchor Magno Jr., "Walang Hanggang" by Ramiro Mataro, "Edge Of The World" by Johannes Daniel Garcia, at "Apat Na Buwang Pasko" by Gino Cruz & Jeff Arcilla.

Ang grand winner ay mananalo ng isang milyong piso at Ramon Orlina glass trophy.

Sa presscon, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang executive director ng Philpop MusicFest Foundation Inc. na si Ryan Cayabyab kung bakit sa kabila ng iba pang songwriting competitions at singing contests ngayon ay pinipili pa rin niyang ituloy ang PhilPop.

Tugon niya, “Alam mo, I also support the other competitions.

“I also support Himig Handog, yung other competitions, like yung The Voice, yung Rising Stars.

“For me kasi, it’s good for the industry.

“Sa totoo lang, hindi naman kami nakikipag-compete na mas bongga kami kaysa sa iba, hindi, e.

“Ang nakakatuwa nga, kung meron pang ibang ganun, kasi it shows the other facet of the industry.

“Baka kasi siyempre, like yung Himig Handog, they concentrate on love songs, good, kasi mahilig tayong lahat sa love songs, e.

“Malay natin may isang competition na puro rock songs.”

Paliwanag pa niya, “Dito sa PhilPop ngayon, may EDM [electronic dance music], may rap, halu-halo, e, which is that’s the idea, yung competition ng pinakamagagaling.

“I'm very excited this year because we have 12 exceptionally good songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong PhilPop this year, sobrang exciting.

“Panoorin n’yo at pakinggan n’yo, at tangkilikin natin ang ating sariling musika.”

Ngayong taon, nakipag-partner ang PhilPop sa Viva Entertainment para sa buong kumpetisyon, kasama na ang recording at pag-release ng album.

Isa ang PEP.ph sa mga sponsor ng PhilPop 2015; kasama ang Smart, Spinnr, Maynilad, Meralco, PLDT Home, NLEX, Sun Cellular, Metro Pacific Investments, TV5, Sony, Viva Communications, Viva Records, Pinoy Box Office, Pinas FM, Radio Republic, MTV Pinoy, Philippine Star, at InterAksyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN