Glaiza de Castro narrates challenges and ordeals in producing her Synthesis album

Glaiza de Castro narrates the challenges and hardships of producing her third self-produced album, Synthesis: “Independent yung album ko, pero inilapit ko sa mga recording company pero walang tumanggap. Sabi nila hindi raw bebenta yung album ko. Nakaka-sad kasi pinaghirapan mo yung album 'tapos ganun ang maririnig mo. Pero naging challenge sa akin yun para mas magpursige para mailabas yung album.”



Sumabak na rin sa pagpu-produce ng album ang aktres na si Glaiza de Castro, at ang kanyang pinaka-latest “labor of love” ay ang kanyang third album na Synthesis.

Kuwento ni Glaiza nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong mag-guest ito sa radio show ni German “Kuya Germs” Moreno sa DZBB 594, ang Walang Siyesta, last April 17, “Pang third na yung album ko, pero ito yung una talaga na na-involve ako sa production.

“Ako bale yung producer ng album. Naging challenge kasi sa akin 'yan dahil sa direktor na friend ko.

“Sabi niya aregluhin ko raw yung isang song ko na ilalagay niya daw sa kanyang indie film, ang title niya Dapit Hapon.

“Yung kanta ay tungkol sa mga kabataan na 'wag mo sayangin yung panahon na ibinigay sa 'yo, pagsikapan mo 'yan, pag-igihan mo.

“Yung tamang-tama sa concept ng film na ginagawa niya, 'tapos sabi ko, 'Sige try ko.'

“And then nakagawa naman ako ng bagong melody. Nagustuhan naman nila, ni-record namin.

“Pero nagkaroon kami ng problema sa copyright kasi yung lyrics hindi sa amin.

“So ang ginawa na lang naming English, kaya naging 'Dusk 'Til Dawn,' at yun yung carrier single ng self-titled album ko.

“Yung 'Dusk 'Til Dawn' maraming makaka-relate, Tayo kasing mga tao meron tayong real self na ito talaga kung sino tayo.

“So to be able to align those two, medyo kailangan mong pagdaanan yung mga challenges, 'di ba? 'Wag kang susuko lang sa mga challenges na dadaan sa 'yong buhay.”



THE CHALLENGES OF BEING A PRODUCER. Tinanong namin si Glaiza kung anong mga paghihirap ang pinagdaanan niya bilang producer.

Pag-amin niya, “Mahirap maging producer kasi sa lahat talaga nakatutok ka, e.

“Sa lahat ng detalye baka may ma-overlook ka, 'tapos hindi magiging maganda yung outcome nung song, nung project mo kasi baka may nakalimutan kang detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like yung recording, yung mixing, ako naman kasi before, wala akong alam sa technical aspect ng pagpu-produce ng album.

“Ako kasi record lang ako nang record, kanta lang ako ng kanta,

“At saka 'pag producer ka, iisipin mo rin kung papaano mo siya ima-market, 'di ba?”



ALBUM COVER. Ano naman ang konsepto niya sa kanyang album cover?

“Actually, may gusto akong image na ilagay dapat sa cover ng album ko.

“Pero yung friend ko, nung narinig niya yung songs ko sa album, sabi niya parang hindi yata bagay yung cover ng album sa gusto mong image.

“Kaya base sa mga narinig niyang kanta ko, trinanslate niya. It turned out better.

“Sabi ko nga e, 'Oo nga 'no?' Mahilig ako sa plaka, mahilig ako sa red, mahilig ako sa black kaya yun yung naging cover ng album ko.

“Yung nga yung exciting kasi hindi ako magaling mag-instruct ng very specific so alam nila yung gusto kong iparating at ipalabas.

“And na-realize ko na its really important na yung content mo na ita-translate siya nang maayos visually,” lahad din niya.



ALBUM TITLE. Saan naman nanggaling ang album title niyang Synthesis?

Detalyeng paliwanag ni ng GMA-7 actress, “Ang synthesis ay another word for collaboration, fusion, mixture.

“Yung buong konsepto ng album tumama doon sa word na synthesis.

“Actually, yung name ng album galing kay Benjamin Alves, kasi nung time na ginagawa yung Dading, nagpatulong ako sa kanya.

“Since Literature major siya, madami siyang alam na words na magaganda. Sabi ko sa kanya, 'Ano pa ba yung ibang word for fusion?'

“'Tapos, he came up with a list of words, 'tapos sabi ko ang ganda ng synthesis.

“Kasi kung makikita n'yo dito yung mga collaborators ko dito, mga kaibigan ko from showbiz at yung iba kilala na rin from the music industry na nagbigay ng effort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like may collaboration ako with Alessandra de Rossi na napakadaling kausap. Sinundo pa ako sa bahay. Hahaha!

“Saka si Alessandra nagpu-produce din siya ng album, kaya nagkakaintindihan kami.

“Meron din akong collaboration with Angelica Panganiban.

“Minsan nga nag-text 'yan sa akin ang haba-haba. Nung una hindi ko ma-gets, pero nung binasa ko sabi ko, 'Ahhh lyrics pala ito. May pinaghuhugutan.' Hahaha!”



THE CHALLENGES OF BEING UNDER AN INDIE LABEL. Kinuwento rin ni Glaiza ang ilang problemang hinarap niya bungad ng pagpu-prodyus ng independent album.

“Independent yung album ko, pero inilapit ko sa mga recording company pero walang tumanggap. Sabi nila hindi raw bebenta yung album ko.

“Nakaka-sad kasi pinaghirapan mo yung album 'tapos ganun ang maririnig mo. Pero naging challenge sa akin yun para mas magpursige para mailabas yung album.

“Hindi ko naman dinamdam yun, kasi kailangan din naman nating isipin na hindi lahat ng tao gusto yung klase ng music mo, o hindi nila dig yung ginagawa mo. Ano, respeto pa rin sa lahat.

“And alam ko naman na everything happens for a reason. Wala nama akong bitterness.

“Siguro hindi in-allow ni Lord na makapirma ako sa kanila, kasi baka yun kasi yung destiny ng album ko na masabi at ma-realize ko sa sarili ko na marami pang plano si Lord para sa akin.

“May tiwala ako na kung ano man ang naging desisyon nila destiny yung mangyari.

“Nagpapasalamat nga ako sa kanila, dahil kung hindi dahil sa kanila hindi rin ako magkakaroon ng urge para ituloy para i-challenge yung sarili ko na, 'O, paano ang gagawin mo sa rejections?'

“May mga tao na ayaw pero ibig bang sabihin nun aayaw ka na rin? Natural hindi, 'di ba? Kumbaga gawa ka ng ibang option,” pagmamalaki ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN