Ryan Cayabyab explains how they chose the 12 finalists of Philpop 2015


Naniniwala si Maestro Ryan Cayabyab na panahon na para makilala rin sa ibang panig ng mundo ang musikang Pinoy. Ekslusibo siyang nakapanayam ng PEP.ph pagkatapos ng announcement ng 12 finalists sa Philippine Popular Music Festival o PhilPop na ginanap last April 16 sa Sequioa Hotel sa Quezon City.
“We have twelve exceptionally good songs this year,” panimulang pahayag ni Maestro Ryan.
“The PhilPop Musicfest Foundation, under the care of our chairman Manuel V. Pangilinan, is inspired and pushes further till we reach our goal of making Filipino music resound around the world.
“You know K-Pop, you know J-Pop, you know Indo-Pop, oras na para sa Phil-Pop!” dagdag pa ni Mr. C (ttawag kay Maestro Ryan).
Pahayag pa niya, “Our 2014 competition saw twelve diverse and exceptional compositions from both amateurs and professionals featuring different genres and styles.”
Ang twelve na finalists for this year ay binubuo nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana (Triangulo), Paul Arsemin (Tanging Pag-asa Ko), Gino Gonzales Cruz at Jeff Arcilla (Apat na Buwang Pasko), Ned Esguerra (For The Rest of My Life), Johannes Daniel Garcia (Edges of the World), Davey Langit (Paratingin Mo Naman Siya), Melchor Magno Jr., (Musikaw), Lara Maigue (Nasaan), Ramiro Mataro (Walang Hanggan), Melvin Joseph Morallos (I Owe You My Heart), Soc Villanueva (Kilig), at Mark Villar (Sa Ibang Mundo).
Sa panayam naman ng PEP, inusisa namin ang proseso ng pagpili ng finalists sa PhilPop.
“We have four phases, kada phase apatnapung tao ang nakikinig,” paliwanag niya.

Kasama po kayo roon?
“Ino-orient ko lang sila, usually mga fifty percent or more ng nag-a-adjudicate ay industry people. Ang non-industry people, katulad ng mga estudyante, yung mga professional na hindi in the industry, sometimes, we also get ordinary people.
“So, kada phase, forty and kada-phase, bago yung mga tao. Kasi, every time para makikita natin, mas maraming tao ay mas maraming chances na makikita natin kung sino talaga yung mga kantang umaangat. Usually, ganoon.
“So let’s say, from 2500 ay naging top 1000, naging top 100, tapos naging top 30, tapos ay top 12. Usually, it’s about 40 people listening. Kaya nasala na talaga sila.
“Sa final phase, kukuha ng board of judges at kukuha ng isang panel na hindi kasama sa finals, pero magja-judge rin sila.
“Etong mga magja-judge na ito, 60% ang grade nila. Tapos yung nasa finals mismo, 40% yung sa kanila. Again, industry people yung nandoon-usually mga 30 to 40 sila-yung mga magja-judge.
“Pero hindi namin nakikita yung scores, kasi SGV lang ang nakakakita niyon. So, even ‘pagtapos na, kahit ako hindi ako allowed makita kung paano nagvo-vote yung mga judges, e. But anyway that’s how we do it,” mahabang saad pa niya.
Nilinaw din ni Mr. C. na hindi siya bahagi ng judges sa anumang proseso nito.
“Hindi, hindi ako kasali sa judge. Being an executive director, I must make sure lang na I’m looking at the entire process from a distance. Dapat kasi tinitignan ko kung papaano… how these people judge.
“The reason why it’s very important that I’m far, it’s because we validate after each year. Kunwari ang nanalo, ‘Tama ba yun… pareho ba ng pagpili noong judges doon sa karamihan ng mga tao? Kung nagustuhan din ba ng mga tao yung kanta?”
Kailan po malalaman kung sino yung mga interpreters ng twelve songs?
“I think within mga three weeks, malalaman at magbibigay uli sila ng ganitong klaseng press conference.”
Ipinaliwag din niya kung bakit paiba-iba sila ng ka-partner na recording company.
“Noong first year, Ivory Records. Sa second and third year, Universal Records. Etong fourth year, Viva Records.
“Kasi ang idea namin is, after we partner with them, we go to another recording company. Kasi, we want everybody to be involved.
“Ayaw naming sabihin na ang may-ari lang ang may hawak lang ng ganito, ganyan.”
Noong panahon ninyo sir sa Metro Pop, parang doon nabuhay nang husto yung OPM o Original Pilipino Music. Sa tingin nyo ba in the future, magkakaroon ulit ng ganoong level ng sigla sa ating local music industry?
“Hindi ko alam, Depende… Alam mo kasi like now, sobrang ang kalaban natin, everybody kasi—the young people are free to check out everything in the internet.
“That’s why, etong grupo na ‘to, nagpapasalamat ako roon sa grupo ng MVP, yung kay Manny Pangilinan, kasi nagsi-sink sila ng pera para maitulak ang Pilipino music, para matulungan. Para matulungan tayo, kasi kung walang magtitiyaga sa music, mahirap, e.
“Unang-una, ewan ko ba tayong mga Pilipino, gusto natin imported, e. Wala tayong magagawa kung mahilig sa imported, pero paano lalago yung atin kung walang magtitiyagang magtulak?
“Kaya malaking-malaking tulong talaga. Para sa akin, natutuwa nga ako na mayroon pang ganyan,” nakangiting saad niya.
Ang mga Pinoy alam natin kung gaano kagagaling ang mga singers natin. Pero yung Korea, Japan or India, nape-penetrate na nila ang international market. Sa atin kaya, anong kulang para maging ganoon din?
“Pera!” mabilis na sagot ni Mr. C. “Malaking pera ang sini-sink ng Korea, pati gobyerno. Naglalagay sila ng pera, incentives, para talaga lumawak.
“Kasi alam nila kung gaano ka-importante, kung gaano kahalaga na makilala ang Korean culture. Hindi lang sa kanilang produktong electronics, kung maisasabay nila ang kanilang lifestyle at ang kanilang entertainment, mas maiintindihan ng buong mundo na, ‘Ah ang Koreano ganoon.’
“Kahit na ang India, sa bagay ang India matagal na sa kanila ang Bollywood. Pero ang J-Pop, saka ang K-Pop, saka ang Kanto-Pop, ganoon din, matagal na nilang ipinu-push ang kanilang music.”
Ipinahayag din ni Mr. C ang wish niya para sa musikang Pinoy.
“Yes, matagal ko nang wish yun na sana ay maging kagaya rin nila tayo, like ng Korea. That’s why I’m here. Because we really want to push the young composers, kasi kami laos na kami. Iyong mga matatanda, iba na yung time namin. Matanda na rin yung mga audience namin,” nakatawang sabi niya.
Pahabol pa ng batikang kompositor, “E, mas maraming bata ngayon, e.
“Hindi naman tayo mapapagod sa kawi-wish natin. Eventually, baka abutin din natin ang tulad ng sa Korea. Dream iyon, e, dream,” nakangiting saad niya.
Lastly, bakit Loud and Proud ang parang battlecry this year ng PhilPop?
“Well, parang napansin kasi namin na from last year na gusto namin na loud and proud. Loud, kasi ang music namin we want it to mapalaganap, so loud.
“That’s why we adopted it, gusto namin na yung intensity na yun, yung loud na yun, mag-reverberate palabas ng Pilipinas. Parang… alam mo yun, yun ang parang imagination namin. Na itong Loud andProud ay maitulak ang music natin hindi lang dito sa Pilipinas, kundi hanggang sa ibang bansa.”
Talagang pang international po ang target?
“Sana. Kasi alam mo yung talent natin, yung Filipino music, yung singing, kilala na iyan sa buong mundo na magaling. Pero yung music, hindi pa.
“Kumabaga, iyong hardware nandoon na, pero yung mga software, yung mga music, extra push pa. Iyon ang kailangan pa ng push,” paliwanag pa ni Mr C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN