Julie Anne San Jose releases music video for new single "Kung Maibabalik Ko Lang"

Julie Anne San Jose feels most Pinoys will be able to relate to the sentimental theme of her new single titled "Kung Maibabalik Ko Lang." “I think a lot of people had a time in their life when they look back, at minsan mapapaisip ng what ifs. Maaalala mo yung happy moments, and more often than not those happy moments share an equal amount of pain with regret.”



Matagal-tagal ding naghintay ang mga fans ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose na maglabas ito ng bagong single mula sa album nitong Deeper.

Naging busy si Julie sa pag-record ng mga theme songs ng mga pinalabas ng teleserye ng GMA-7. Kabilang na rito ay ang “Bagong Umaga” from Strawberry Lane; “Ikaw, Ako at Siya” from Ang Dalawang Mrs. Real; at “Sa Iyong Mundo” from Kambal Sirena.

Dalawang singles naman ni Julie ang ginamit para sa dalawang naipalabas ng Koreanovela: “Right Where You Belong” from Master’s Sun at “Deeper” from Tale of Arang.

Ngayon ay hindi lang bagong single kundi kasama na rin ang music video na pinaghahandaan ng Kapuso star na ilu-launch sa darating na May 1st.

Ito ay ang music video ng kanyang single na “Kung Maibabalik Ko Lang” na hango sa kanyang certified gold album na Deeper.

NEW MUSIC VIDEO. Sa official YouTube channel ng GMA Records (www.youtube.com/GMARecordsOfficial) unang ipapalabas ang music video na ito kunsaan kasama ni Julie ang Kapuso hunk at host ng travel show na Touchdown na si Ken Alfonso.

Sa naturang music video ay makikita ang bagong image ni Julie.

Physically ay pinaghandaan ito ng husto ng 20-year old singer-actress. Hindi nga raw siya nagpabaya sa binigay sa kanyang diet at workout regimen.

“Talagang pinaghandaan ko po ang music video na ito.

“Mas gusto kasi nila na more mature Julie Anne San Jose ang makita nila for the music video.

“'Tsaka po binagay namin ang tema ng music video sa song.

“I wish na ma-appreciate nila ang mga efforts namin kapag nag-premiere na on YouTube ang music video na 'Kung Maibabalik Ko Lang,'” masayang balita pa ni Julie Anne.

Tinitiyak ni Julie na maraming makaka-relate sa kanyang bagong single dahil tungkol ito sa emosyon ng taong may nakaraang pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think a lot of people had a time in their life when they look back, at minsan mapapaisip ng what ifs.

“Maaalala mo yung happy moments, and more often than not those happy moments share an equal amount of pain with regret,” diin pa niya.

HUGOT” INSPIRATIONS. Sa usapang pag-ibig, hindi raw ito priority ni Julie Anne.

Kahit na hindi pa raw siya nai-in love sa tunay na buhay, nagagawa naman daw niyang i-express iyon sa kanyang mga awitin.

“Nakakatawa nga po.

“Kasi paano ko raw nae-emote ang being in love kung hindi pa raw ako talagang nai-in love? Saan daw nanggagaling ang experience?

“For me, I guess there are all kinds of love. Hindi lang yung love ng magkarelasyon.

“You go in deeper. I believe that you don’t have to be with someone para ma-experience mo ang love.

“Maraming pinanggagalingan ‘yan. Basta may hugot nandoon yung feeling,” ngiti pa ni Julie Anne.

U.S. CONCERT. On May 22 naman, magkakaroon ng concert si Julie sa San Francisco, California. Produced ito ng Vim Entertainment at ng GMA Pinoy TV and GMA Life TV.

Mapapanood pa rin si Julie sa Sunday All Stars at sa reality-based program na Day Off ng GMA NewsTV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN