Alex Gonzaga on wardrobe malfunction: “At least you know my bra size…”

Alex Gonzaga explained that the zipper broke, which is why she had a bra malfunction during her first concert at the Araneta Coliseum titled AG From The East: The Unexpected Concert.


Naging usap-usapan ang naging wardrobe malfunction ni Alex Gonzaga sa kanyang unang major concert titled AG from the East: The Unexpected Concert. Ginanap ito on Saturday night, April 25, sa Smart Araneta Coliseum kunsaan nagsilbing guests sina Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Joseph Marco, Luis Manzano, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada, among others.

Nagkaroon rin ng kwelang “advice segment” si Vice Ganda (aka Madam Bertud) at nagkaroon ng singing showdown si Alex kasama ang older sister na si Toni Gonzaga.

Sa kabila ng tagumpay ay hindi naiwasan ang mga ilang kapalpakan sa concert, tulad na lamang ng wardrobe malfunction na naganap sa ikalawang gap ng programa, nang mapansin hindi lamangn g production, maging ng mga manonood ang paglabas ng kanyang bra sa kanyang blue midriff top. Suot rin ni Alex ang isang blue mini skirt at nakita ang nude-colored bra niya na bumaba sa kanyang tummy area.

Ilang beses inayos ng production staff ang kanyang damit para maitago ang lumalabas na bra ni Alex ngunit patuloy itong lumalabas. Hanggang sa kumuha ng black leather jacket ang production para takpan ang midriff top ni Alex at maiwasan ang paglabas ng kanyang bra. Sa kabila ng kanyang wardrobe malfunction ay itinuloy niya ang kanyang performances.

Finally, nagpaalam si Alex na pupunta siya backstage. Biro pa ni Alex nang gabing iyon, “May tatanggalin lang ako, kita n’yo na rin kung ano yun.”

Ika nga ni Alex, “The show must go on.”

(View photos: Vice Ganda teases Alex Gonzaga for being flat-chested, Toni chides sister for bra malfunction)


Matapos ang kanyang first major concert sa Big Dome ay nakapanayam ng PEP at ilang members of the press si Alex.


Anong nangyari at may wardrobe malfunction ka?

“Ano bang nangyari? Nasira yung zipper kasi. It was unexpected, however, the show must go on even though the bra is showing. Nakita n’yo ba? At least you know my bra size, pag magbibigay kayo ng regalo alam nyo na size ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda yung sinabi ng Ate Toni mo na hindi mo hinayaang masira yung loob mo, kundi dumire-diretso ka sa performance mo sa kabila ng wardrobe malfunction mo.

“Okay lang naman yun, bra is nothing naman.”

Present din si Vice Ganda sa concert mo at talaga namang sinuportahan ka niya sa concert mong ito.

“Talagang si Vice, since Day 1 naman. Talagang ti next nya ako na pupunta siya, sobrang thankful ako. Sa ganitong pagkakataon doon mo mararamdaman yung pagmamahal sa iyo ng mga kaibigan mo. Yung tingin lang nila sa ‘yo hindi lang kaibigan sa showbiz kundi in person andiyan sila to support you.”

Masusundan ba itong concert na ito sa darating na panahon?

“I’m gonna expect it. Gusto ko naman, next time yung concert namin ng Ate ko together. Yung showdown naming dalawa. Back to back concert with my Ate. Ayun! I can na!

Kasi nagkaroon na ako ng Araneta, so kaya ko na ‘yan! Yun na yung next naaabangan nila. Pero hindi pa nag si sink-in sa akin yung nangyaring success sa concert ko, pero kanina bago ako pumunta rito sa Araneta naiiyak na talaga ako.”

Masasabi mo bang total performer ka na kasi nakapag concert ka na sa Araneta?

“I am really a total performer. Total package ako, alam mo ‘yan! Wow! (biro ni Alex) Hindi naman, kasi, kung wala naman yung mga guests ko, malalaylay din, meron ding hindi okay. Yung bra ko. That’s the highlight ng concert. Hahaha!”

Alex, yung mga naging guests mo at mga songs nainawit mo, personal choice mo ba ang mga yun?

“Oo, personal choice ko silang lahat.”

Sino ang mga naging inspiration mo para maging successful ang ganito kalaking concert mo dito sa Araneta?

“Alam mo si Lord lang talaga, kasi kung ako lang, walang maniniwala sa akin, walang mapo-produce, walang magpupunta, hindi magiging okay yung flow ng show, I think it’s because of God lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN