Glaiza de Castro collaborates with Angelica Panganiban and other showbiz friends for Synthesis album

Glaiza de Castro is excited about her debut album as it shows the other side of Angelica Panganiban as a lyricist, Alessandra de Rossi as a singer, and Chynna Ortaleza as a graphic artist: "Through this album, mai-share namin sa tao kung sino talaga kami in real life.”


Itinanggi ni Glaiza de Castro na may relasyon sila ni Benjamin Alves, matapos niyang ikuwento na ang aktor ang nagbigay ng titulo ng song album niya.

Sabi ng Kapuso actress-singer, “Wala, magkasama kasi kami sa Dading nun.

“Humingi ako sa kanya ng tulong sa mga words na puwede kong gamitin, other terms for collaboration or fusion, ganyan-ganyan, mixture...

“So, nag-send siya sa akin ng list of words, kasi Lit [Literature] major siya, e.

"So, alam ko na mabibigyan niya ako ng mga magagandang salita."

At ang napiling salita ni Glaiza upang gamiting title ng kanyang album ay Synthesis.

Sabi pa niya tungkol sa album, “Self-produced, ang Homeworkz po yung nagdi-distribute.

“Pero yung production, yung printing, yung recording, mixing… yung composition, sa akin po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa Synthesis album launch, noong April 28, sa Runner’s Kitchen, sa Tomas Morato, Quezon City. Isa si Glaiza sa mga may-ari ng naturang restaurant.


COLLABORATION. Bakit Synthesis ang napili niya?

“Yung concept kasi ay collaboration talaga with my friends.

“Sila Angelica [Panganiban], sila Chynna [Ortaleza], nag-contribute din, sila Alex de Rossi.

“Yung sa second and third track, siya [Angelica] yung nagsulat ng kanta, yung 'Barcelona' ‘tsaka 'Waiting Shed.'

“Nasa Barcelona kasi siya nung mga panahon na yun, [nag-send siya] ng text.

“Hindi ko pa naintindihan nung una kasi ang lalalim nung mga salita.

“'Tapos, parang hindi naman ito parang message sa pangungumusta.

“So, ginawa ko siyang song, ‘tapos binigyan niya ako ng lyrics, words by Angelica.

“Nung mga panahon na yun, kailangan niyang ilabas yung mga emosyon niyang natatago!” natawang banggit ni Glaiza.

“Kasi ganun talaga siya, mahilig talaga siyang magsulat.

“Si Chynna po, sa artwork naman siya.

"Pag-open ninyo ng CD, may postcard sa loob na, ‘Listen to your voic,’ siya ang nag-drawing.”


HER MUSIC. Bilang isang Kapuso, bakit hindi GMA Records ang nag-release ng album niya sa market?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Well, sinimulan ko na po kasi siya matagal na, ‘tapos gawa lang kami nang gawa, record kami nang record.

“And nung time na nakikipag-meeting kami sa GMA, may mga adjustments talaga.

“Parang feeling ko, hindi talaga siya meant doon sa label na yun.

“Baka meant talaga siya na maging independent kasi may mga pag-aagam-agam ako nung mga panahon na ginagawa ko siya.

“Kung itutuloy ko pa ba yung pagre-recording, ipu-pursue ko pa ba yung music… ito ba talaga yung gusto ko?

“In the process, na-realize ko na ito yung gusto ko talaga, ever since.

"Before pa ako mag-artista, ito talaga… so natuloy siya.”

Bukod sa mga kantang collaboration nila ni Angelica, laman din ng album ni Glaiza ang “Country Tree,” “Makataruok,” “Memo” (kung saan kumanta rin si Alessandra de Rossi), “Pag-Ikot,” at ang carrier single na “Sa ‘Yo Pa Rin, Dusk Till Dawn.”


DISCOVERY. Orihinal lahat ang mga kanta at may pagka-indie ang dating ng album ni Glaiza.

Sabi pa niya, “Siguro dahil nga indie, parang ipinahintulot na hindi siya maging affiliated with other record labels.”

Sa dami ng singers ngayon, may kaba ba siya na baka hindi pumatok nang husto ang album niya?

“Hindi naman po, kasi parang, in a way, hindi naman ako nakikipag-compete.

“Gusto ko lang talaga siyang i-share at nae-excite ako sa idea na ang isang katulad ni Angelica or katulad ni Alex ay kumakanta o nagsusulat pala.

“There’s a different side of them na hindi alam ng tao.

“So, through this album, mai-share namin sa tao kung sino talaga kami in real life.”


GIFT OF MUSIC. Pangarap ba niya na makapag-concert sa isang malaking venue, tulad ng Araneta Coliseum?

“Puwede!” natatawang sagot ni Glaiza.

“Pero sa ngayon, hindi ko pa nakikita yung sarili ko na ano siya, Araneta level.

“Dream ko talaga. Pang-Philippine Arena po, ganun!” at muling tumawa ang actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sound niya?

“Kaya rin siya Synthesis kasi mixture siya ng mga genre na nag-influence sa akin—pop, rock.”

Ano ang personal favorite niya sa kanyang album?

“Well, mahirap, e, dahil lahat… hindi siya tipong isang araw, tapos na.

“Binabalikan ko siya, inaareglo ko siya ng ilang araw para maging maganda yung finished product.

“Until ma-satisfy ako dun sa tunog niya o sa song mismo.

“Iba-iba siya ng characters, pero kapag kinakanta ko yung 'Barcelona,' talagang nasasabi ko sa sarili ko na, ‘Wow, salamat sa gift of music!’

“At isa siya sa mga kanta kung bakit ako nae-excite mag-perform.”


INSPIRATION. Mga personal experiences daw ang nagsilbing inspirasyon ni Glaiza sa bawat kanta.

“Walang specific na tao, e.

"Katulad sa first track, ginawa ko siya habang nag-aantay ako sa Amaya, habang tengga ako.

“May dala kasi akong gitara, ‘tapos parang gusto ko lang din i-free yung sarili ko.

“Siyempre, ‘di ba, kapag nasa taping tayo, parang feeling natin, kulong na tayo dun?

“Parang, ‘Ano pang gagawin natin?’

“Matutulog lang, makikipagtsikahan, kakain, maggagawa ng eksena.

“Pero gusto kong i-express yung sarili ko through that song… na puwede pa tayong gumawa ng ibang bagay.

“I-free natin yung sarili natin from the routine, sa mga nakagisnan nating gawin.

“Gumawa tayo ng isang bagay na makakapag-inspire sa atin.

“Personally, sa akin, music iyon.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais ni Glaiza na maka-duet sina Bamboo, Armi Millare ng Up Dharma Down, at si Gary Valenciano.

Sa ngayon ay mabibili ang album ni Glaiza sa Runner’s Kitchen at soon ay magiging available ito sa iTunes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN