Apl de Ap, Gloc-9 and Abra headline MTV Music Evolution Manila Hip-hop 2015 concert

Apl de Ap (shown in photo), Gloc-9 and Abra are among the featured performers in the MTV Music Evolution Manila Hip-hop 2015 concert to be staged tonight, May 17, at the Quirino Grandstand. Other foreign artists include Naughty By Nature, DJ Cash Money and American rapper YG.


Excited na ang Filipino-born American rapper at record producer na si Apl de ap, gayundin ang Pinoy hiphop at rap artists na sina Gloc-9 at Abra, dahil ngayong gabi na, Mayo 17, magaganap sa Quirino Grandstand sa Rizal Park ang malaking music event kung saan kabilang sila sa main performers.

Ito ay ang MTV Music Evolution Manila Hip-hop 2015.

Makakasama nila ang iba pang international artists kabilang na ang Grammy award-winning at platinum album-selling group na Naughty By Nature, na first time magtatanghal sa Pilipinas.

Magpapakitang-gilas dina ang American rapper na si YG, at ang American turntablist and hiphop artist na si DJ Cash Money.

Humarap sa mga press people, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sina Apl, Gloc-9, Abra at iba pang featured artists ilang oras bago ang big concert ngayong araw, May 17, sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

APL DE AP. Nagkaroon pa ng pagkakataon ang PEP para sa one-on-one interview kay Apl.

“I’m very excited to perform especially in front of our kababayans.

“You know, it’s always that extra energy and just proud to be able to give a good show, 'cause you know we love good shows,” sabi ni Apl.

What kind of performance will the people expect from him tonight?

“Just, you know, it’s pretty kinda energetic. I’ll start off pretty little slow and then I’ll keep it high, then go back down, just like a roller-coaster ride. It’s just a very fun show,” lahad niya.

Is he doing a solo performance or a collaboration with the other artists?

“Yeah, I’m collaborating with the other artists.

“I’m doing one song with Abra. Also, I’m featuring two of my artists [from BMBX Entertainment], Jessica Reynoso and also Slapshock will be joining me onstage,” dagdag pa ng The Voice coach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What can he say about Gloc-9 and Abra?

“Oh man, they are amazing! They’re very talented. I mean, the way they just put Tagalog words together like tongue-twisting, that amazes me.

“Damn, I wanna do that. They’re just very talented artists,” pagmamalaki niya.

How does music help him evolve as a person?

“Well, it helps me to express myself—show my personality and also music made my dreams come true, you know.

“I was adopted when I was a kid. The purpose was to support my family. So music helps me out with that,” pahabol pa niya.

ABRA. Inihayag naman ni Abra ang kanyang excitement na mapabilang sa mga performers sa naturang music event kasama ang mga sikat na hiphop artists mula sa ibang bansa.

Pa-humble pa nga niyang sinabi na pakiramdam niya ay, “I don’t belong.

“But because I do, I feel very excited. Sobra yung excitement ko. Parang, 'Wow, Naughty By Nature kasama mo sa stage, on MTV world stage!'

“Grabe, hindi ko ma-explain. Mamaya explain ko 'pag nakita n'yo yung performance kung gaano ako ka-excited.”

Bilang isa sa mga sikat na rapper sa Pilipinas, may plano ba siyang i-showcase ang talento niya sa buong Asya?

Aniya, “Hopefully. Definitely, if there’s an opportunity.”

Do you think Philippine hiphop has a chance of making it international?

“Most definitely. Regardless of the language, the skill of Filipinos in writing poetry and music is just superb.

“So even if we use Tagalog or English, it’s at par with the international acts. I think we’re still growing and evolving to what it should be, so we’re still getting there,” saad niya.

What can he say to people who says hiphop in the Philippines is dead?

Pabiro niyang sambit, “Die! Ay, joke lang.

“Hiphop is evolving. If it’s dead, it’s probably your taste that just died,” biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng concert nila, what does he want for the world to know about Philippine hiphop?

“It’s out to kick some ass!” diin niya.

GLOC-9. Nagpapasalamat naman si Gloc-9 na napasama siya sa concert na ito, na ipapalabas sa iba pang bansa sa pamamagitan ng MTV. Sa tingin niya, paano magre-respond sa kanyang musika ang taga-ibang bansa?

Sabi niya, “I feel very thankful and honored na nagkaroon kami ng opportunity to perform in a production like this.

“Thank you rin sa MTV for inviting us. We hope na magustuhan ng ibang makakapanood sa ibang bansa yung performances namin.”

Ano sa mga kanta niya ang sa tingin niya'y magta-translate o matatanggap ng mga taga-ibang bansa?

“Siguro hindi po namin masyadong iniisip yun. Ang main concern namin is to give the people a good show.

“Siguro kung mangyari man iyon, well and good. Mas kailangan ngayon mag-enjoy kami sa sarili namin.

“Kung masaya kami, kung masaya yung manonood, baka maging masaya rin po yung makakapanood sa ibang bansa.”

Sa kasalukuyan, sinasabing si Gloc-9 ang maituturing na most-awarded Pinoy rapper dahil sa sunud-sunod na awards na natatanggap niya sa iba’t ibang award-giving bodies. Gaano kaimportane sa kanya ang makatanggap ng awards?

“Lagi po akong nagsasabi na I’m very, very thankful sa lahat po ng nagre-recognize sa trabaho namin.

“Pero sa totoo lang po, receiving or getting an award is not a requirement para sa akin. It’s always a bonus.

“The only thing na goal ko in recording a song is for me to be satisfied with the song.

“And kung satisfied po ako, masaya ako and masaya ang nakadinig, thankful na din po ako na napansin po siya ng mga nagbibigay ng awards,” paliwanag niya.

GLOBAL TELECAST. Ang MTV Music Evolution 2015 ay recorded live para sa global telecast. Bukod sa Pilipinas, mapapanood din ito sa ibang bansa gaya sa Thailand, Singapore, Malaysia at iba pang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda itong mag-premiere sa Pilipinas sa May 30, 7pm sa MTV Music Channel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN