Darren Espanto draws 10,000-strong crowd for birthday concert

The Voice Kids season one runner-up Darren Espanto expressed his apprehension and immense gratitude during his opening speech before his debut major concert: “Talagang kinabahan po ako, hindi po ako nakatulog kagabi. Pero ang sarap po talaga ng feeling na this stage, this very big stage is mine tonight. And I owe it to all of you, my supporters, Darrenatics of course, my friends, my family. Kaya naman po I promise to give you a great time tonight and show


Dumagsa ang mahigit sa 10,000 fans at supporters ng The Voice Kids season one runner-up na si Darren Espanto sa Mall of Asia Arena noong Biyernes, Mayo 29, para suportahan ang major solo concert ng kanilang idolo dubbed as Darren Espanto D Birthday Concert.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang matagumpay na concert, gayundin ang paggawa ng kasaysayan ni Darren bilang pinakabatang performer (sa edad na 14 anyos) na nakapag-concert sa MOA Arena.

Namataan ng PEP ang ilang celebrities na nanood ng concert na kinabibilangan ng The Voice Kids coach ni Darren na si Sarah Geronimo, ang tinaguriang "Queen of All Media" na si Kris Aquino kasama ang kapatid niyang si Viel Aquino-Dee, Jed Madela, Phil Younghusband, at Darla Sauler.

DARRENATICS WORLDWIDE. Karamihan ng pumuntang fans ng teen singer, ang Darrenatics, ay nakasuot ng kulay green na damit, na official color ng kanilang fan club.

Sa last two minute countdown ay dumagundong na ang MOA Arena sa lakas ng tilian at hiyawan ng Darrenatics tanda ng excitement nila sa pagsisimula ng concert. Bitbit pa nila ang kanilang banners, tarpaulins at green neon lights.

Bago ang opening number ni Darren ay ipinakita muna sa big screen ang videos ng birthday greetings at pagsasabi ng goodluck sa concert ng Darrenatics hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide.

Pagpapatunay lang ito na na nagkalat sa buong mundo ang fans niya na nanggaling pa sa Canada, Australia, USA, Thailand, Italy, Singapore, Hong Kong, Macau, Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, at iba pa.

Talagang pinahalagahan ni Darren, ng kanyang management team, at ng kanyang record company at concert producer na MCA Music Inc. ang Darrenatics sa concert na ito. Todo nga ang hiyawan nila sa tuwing mababanggit ni Darren ang pangalan ng fan club at nag-a-“I love you too” ang teen singer sa kanila.

Sa opening speech ni Darren ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga pumunta at sumuporta sa kanyang birthday concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Darren, “This is the best birthday ever dahil nandito po kayong lahat, thank you po.

“Kumpleto rin po ang family ko ngayon, my mom, my dad, my little sister and my relatives who flew all the way from the US, from Nueva Vizcaya, Nueva Ecija and Isabela. Maraming-maraming salamat po.

“Hindi lang po ang Darrenatics sa Pilipinas kundi sa buong mundo, wow, maraming salamat po!

“I just turned 14 last May 24, and I feel so blessed na natupad po ang birthday wish ko ngayon, to be here onstage at the Mall of Asia Arena to perform for all of you.

“Grabe, talaga pong nararamdaman ko yung tibok ng puso ko, kasi po, 'di ba Music Museum po 'tapos biglang MOA Arena.

“Talagang kinabahan po ako, hindi po ako nakatulog kagabi. Pero ang sarap po talaga ng feeling na this stage, this very big stage is mine tonight.

“And I owe it to all of you, my supporters, Darrenatics of course, my friends, my family. Kaya naman po I promise to give you a great time tonight and show you the Darren that you’ve never seen before.”

Nagpasalamat din si Darren sa The Voice Kids na nagbukas ng pintuan sa kanya para sa mas magagandang opportunities. Pagkatapos nga ng The Voice Kids ay dalawang beses na siyang nakapag-concert sa Music Museum at sa iba pang lugar sa loob at labas ng Pilipinas. At ngayon ay na-conquer niya rin maging ang mas malaking venue na MOA Arena.

TOTAL PERFORMER. Pinatunayan ni Darren ang taguri sa kanyang "total performer" hindi lang sa pamamagitan ng pagkanta ng mga “birit songs” kunsaan siya nakilala, kundi sa pagkanta at paghataw rin sa pagsayaw sa upbeat songs.

Futuristic ang dating ng opening number ni Darren complete with black lights effects. Nangingintab ang suot niya habang kumakanta at sumasayaw ng dance medley kasama ang G-Force. Siyempre kabilang na roon ang naging signature song na rin niyang “Domino” by Jessie J, na ginamit niyang audition song sa The Voice Kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa repertoire ni Darren ang mga awitin niya sa kanyang self-titled debut album, na certified gold na at aniya ay malapit nang umabot sa platinum mark. Naki-sing along ang audience sa kanyang first single na “In Love Ako Sa ‘Yo,” composed by Vehnee Saturno. Ang music video nito ay lumampas na sa one million views sa YouTube.

Sa concert din ini-launch ni Darren ang official music video ng kanyang second single na “Stuck,” na aniya ay isa sa most requested sa kanyang mga kanta.

Kabilang din sa mga kanta niya sa album na narinig sa concert ay ang “Makin' Moves,” “I Believe In Me,” at “You Are The Only One.”

May inspirational part din sa concert kung saan nagpasalamat si Darren kay God at inihandog niya ang kantang “Hallelujah.” Inalala niya rin ang pagkanta niya sa Encounter with the Youth sa UST noong dumalaw si Pope Francis sa Pilipinas noong Enero. Kinanta nga niya ng acapella ang “Tell The World of His Love” kasama ang isang choir.

Sa isang bahagi naman ng concert ay binigyan ng tribute ni Darren ang Pinoy composers sa pagkanta niya ng OPM medleys na kinabibilangan ng “Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan” composed by Willy Cruz, “Iduyan Mo” by Ryan Cayabyab, at “Saan Darating Ang Umaga” by George Canseco.

Kumanta rin si Darren ng isang awitin mula sa kanyang all-time favorite artist na si Michael Jackson, ang “Man In The Mirror.”

Isa sa most-applauded numbers ni Darren ang sariling bersyon niya ng hit song ni Sia na “Chandelier,” kung saan ipinakita niya ang kanyang vocal prowess pati na rin ang talento niya sa pagtugtog ng piano.

Bago ang kanyang finale number, inawit ni Darren ang “Ngayon,” na kanyang kinanta sa grand finals ng The Voice Kids.

Happy and joyous na ang mood sa pagtatapos ng concert habang kumakanta at sumasayaw si Darren ng upbeat songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPECIAL GUESTS. Nagkaroon din ng special guests si Darren sa kanyang concert. Unang guest niya ay tinawag niyang "Kuya" sa The Voice Kids na si Robi Domingo. Isinayaw ni Robi ang kanta ni Darren na “Makin' Moves” at later on ay sinamahan siya ng teen singer sa pagsasayaw.

Sumunod na guest ay ang bagong kaibigan ni Darren at itinuturing niyang little brother na si Bimby Aquino-Yap. Nag-showdown ang dalawa sa OPM dance hits na “Macho Guwapito,” “Totoy Bibo,” “Mr. Suave,” at “Boom Panes.” Proud mommy naman si Kris Aquino habang pinanonood ang anak at si Darren.

Nag-thank you nga si Darren kay Kris sa pagpayag nito na mag-guest si Bimby sa concert.

May special number din si Darren kasama ang The Voice of the Philippines season 2 champion at runner-up na sina Jason Dy at Alisah Bonaobra sa kantang “Stand Up For Love” ng Destiny’s Child.

Nagpataasan naman ng boses sina Darren at The Voice of the Philippines season one champion na si Mitoy Yonting sa kantang “I Believe” ni Fantasia Barrino.

Ang huling guest ni Darren ay ang kapapanalo pa lang na Asia’s Got Talent grand champion, ang El Gamma Penumbra. Muli nilang ipinamalas sa mga manonood ang kanilang winning performance sa grandfinals ng AGT tungkol sa pagsagip sa ating kalikasan.

FAMILY MATTERS. Naging special guest din ni Darren sa concert ang kanyang pamilya. Kumanta at sumayaw sila ng upbeat song ng kanyang nakababatang kapatid na babae na si Lynelle Espanto, habang Josh Groban song na “You Raise Me Up” naman ang kinanta nila ng kanyang Daddy Lyndon.

Humingi naman ng tawad ang kanyang Mommy Marinel dahil hindi raw nito kayang makipagsabayan sa kantahan at sayawan sa anak.

Sabi pa ni Darren, “Alam n’yo po kasi sabi po ni Mommy, pagtuntong pa lang po niya sa stage, mahihimatay na siya kaya ayaw niya pong mag-perform.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay na lang ng mahabang mensahe ang mommy niya kasama ang ilang bilin at payo.

Ayon kay Mommy Marinel, “Good evening to everyone. Thank you po sa pagpunta sa birthday concert ni Darren.

“Nagpapasalamat po kami sa inyong lahat sa sobra-sobrang suporta n’yo po sa anak naming si Darren. Thank you po from the bottom of our hearts.

“Hindi ko man sila mapagbigyan, anak, kasi baka masira yung title mo na total performer, e. 'Pag sumayaw-sayaw pa ako.

“Anyway, as you celebrate your 14th birthday here at the MOA Arena, I would like you to know that I’m so proud of you. You’ve brought so much joy to our family. Actually, you’re really a gift to us.

“Darren, you are now living your dream.

“Naaalala mo, anak, noon nanonood lang tayo sa TFC? Lagi tayong, ‘Ay, ang galing ni Ganito,’ ganyan-ganyan. Lagi tayong nag-uusap.

“'Tapos ngayon, anak, nangyayari na. Ikaw naman ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-perform sa MOA Arena.

“MOA Arena, anak, hindi basta-basta. Pero hindi rin ibig sabihin nun na iyon na rin yung start na magyayabang.

“Ito lang siguro yung magma-mark sa beginning ng tatahakin mong mas magandang career.

“Darren, as you’re now living your dream, masyado akong nao-overwhelm kasi it seems impossible before because of the ups and downs that you went through just to reach it.

“And I know you did it because of your undying love for music, and your perseverance no matter what. I’m very confident to say now that all your hard work are paying of.

“Having said this, let me remind you to please do not forget God. Always seek His guidance in everything that you do.

“Embrace humility, faithfulness and appreciation. Remember all the people that paved the way for you.

“Hindi madali, anak, yung pinagdadaanan natin ngayon na magkakahiwa-hiwalay tayo, pero we’d like you to know na kahit ano pa ang mangyari, susuportahan ka namin hangga’t saan mo gustong dalhin ang pangarap mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy birthday, Darren. May you enjoy what you are doing and your Darrenatics and your entire family is just here to support you.

“Ang dami, anak ng mga tao na hindi natin inakala na susuporta sa iyo at tutulong, blessing iyan. They are being used by God as instruments.

“Sana, anak, pagdating din ng araw na ikaw naman ang pagbigyan din ng chance na makatulong din sa mga darating at baguhan, be a blessing to them, as well.

“Sana huwag lalaki ang ulo, huwag magiging mayabang. Happy birthday and we love you so much!”

Hinandugan naman ni Darren ang kanyang pamilya ng kantang “Home.”

Sa huli ay inisa-isa na ni Darren ang lahat ng mga tao at sponsors na tumulong upang maisagawa ang birthday concert niya. Siyempre espesyal na pasasalamat sa lahat ng nanood sa kanyang concert lalo na sa kanyang Darrenatics.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN