Daniel Padilla: “Hindi naman ako pumasok sa industriya para maging Concert King.”

by Allan Sancon
Jun 9, 2015


Isang “mature” Daniel Padilla ang dapat abangan ng fans sa kanyang third major concert na gagawin ngayong Sabado, June 13, sa Mall of Asia Arena.

Tampok sa Daniel Most Wanted concert ang mga standard songs at Motown classics na nauso noong 1960s.

Para kay Daniel, gusto lang niya ulit mapasaya ang kanyang mga fans na sumuporta sa kanyang sold-out concerts: ang Daniel Padilla Live! birthday concert noong 2013 at ang DOS The Daniel Padilla Concert noong 2014.

Ayon pa sa Teen King, “Hindi naman ako pumasok sa industriya para maging Concert King.”

Ngayong 2015, kabilang sa lineup ng kanyang Daniel Most Wanted concert ang crooner classics, tulad ng “Come Fly With Me” ni Frank Sinatra, “How Sweet It Is (To Be Loved By You)” ni James Taylor, at “Knocks Me Off My Feet” ni Stevie Wonder.

Ano ang pagkakaiba ng third major concert na ito kumpara sa mga nauna mong concerts?

Daniel:
“Iba ito, sa mga nagawa kong dalawang concert. Kumbaga [parang] sa Pangako Sa Yo, mas mature rin ang concert na ito.”

Continue reading below ↓

Ano ang mga kakantahin mo sa concert mo?

Daniel: “Sa concert kong ito, mostly ang mga �kakantahin ko ay galing sa bago kong album na lalabas din kasabay nung� concert. Isa pa sa mga kakantahin ko dun ay yung puro luma dahil yun talaga yung music ko. Hindi katulad ng first and second concert ko na pa cute pa ako, ngayon third medyo mas seryoso, kunwari crooner ako. Actually hindi lang mga tipong Frank Sinatra ang kakantahin ko dito, this time parang mga Motown.”

Mas confident ka na ba ngayon sa genre ng music mo ngayong third concert mo na ito?

Daniel: “Yung music ko naman ever since, e, mga luma talaga. Hindi naman talaga ako nahihilig sa mga bago, pero siyempre depende� pa rin kung maganda yung mga bagong music, pero more on luma talaga ako at yung music ko. Tinatanong n’yo kung confident na ako sa music ko? Hindi ako ganun ka confident. Nagdoon pa rin yung kaba at napi-pressure pa rin ako. Hindi naman ako pumasok sa industriya para maging Concert King. So medyo bago pa rin sa ‘kin lahat ito. Pag nag ko concert ako na pe-pressure ako at kinakabahan pa rin ako. Pero excited na rin ako dahil marami na naman tayong mapapasayang tao sa concert na ito.”

Continue reading below ↓

Noong huling concert mo, nakita namin ang ilang dance moves mo. Dito ba sa Most Wanted makikita ka rin ba ng concertgoers na sasayaw sa mga production numbers mo?

Daniel: “Wala akong planong sumayaw, pero depende kapag naramdaman natin sa stage.”

Makikita rin ba namin si Kathryn na makakasama mong mag perform sa stage as your guest?

Daniel: “Hindi pa rin namin alam. Pwede na lang natin sabihing surprise na lang. Kasi kung siya ang masusunod, ayaw nyang mag perform, gusto niya na maging audience na lang� muna at manood ng concert ko.”

How about your mom [Karla Estrada] makikita ba namin siya uli na mag-perform sa stage kasama mo?

Daniel: “Ewan ko lang, baka kakanta rin, baka i-surprise uli ako ng production team. Hindi ko pa talaga alam. Abangan na lang natin.”

Sino ang mga guest artists sa concert mo?

Daniel: “Makakasama ko po sa concert si KZ Tandingan, Si Nyoy Volante, Morrisette Amon, Edgar Allan Guzman na gumaya sa akin sa Your Face Sounds Familiar. Kasama ko rin po si Kyla at si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.”


Ayon kay DJ, kasama rin sa lineup ang Harana Boys, ang all-male group na binubuo ng teen heartthrobs na sina Joseph Marco, Marlo Mortel, Bryan Santos, at Michael Pangilinan. �

Continue reading below ↓

Nabalitaan namin na kakantahin mo ang “I Feel Good,” ni James Brown? Medyo may pagka sexy ang mga steps ng kanta. Gagawin mo rin ba yung sexy dance moves na iyon habang kinakanta ang “I Feel Good”?

Daniel: “Baka! Depende! Tingnan natin. Kapag naramdaman natin kung gaano ka excited yung audience habang kinakanta ko yun. Pwede!”

Anong masasabi mo na yung younger sister mo na si Carmela ay pina-partner ni Kris Aquino kay Bimby. Sila daw ang susunod na Kathniel? Okay lang ba sa ‘yo na mag artista na si Carmela?

Daniel: “Walang masamang maging Kathniel, kasi malupit yun! Kung okay lang sa akin na mag artista na yung kapatid ko? Hindi pa! Siguro pag 30 na siya. Gusto ko pag papasok na siya sa showbiz yung mature na siya.”


(Read: Daniel Padilla reacts to his younger siblings joining showbiz)



Para sa mga tagahanga ni Daniel na hindi makakapunta sa MOA Arena, pwede nilang mapanood ang concert sa mga piling lungsod sa bansa sa pamamagitan ng live feed sa mga SM Cinemas, tulad ng SM Davao, SM Cebu, SM Ilo-ilo, SM Cabanatuan, SM Dasmarinas, SM Pampanga at SM Legazpi. Maari ring mapanood ang Most Wanted sa pamamagitan ng live pay-per-view ng Sky Cable sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bacolod, Dumaguete at General Santos City.

Continue reading below ↓





Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results