Regine Velasquez returns to the concert scene via Regine Series Mall Tour

by Glen Sibonga
Jun 15, 2015
Regine Velasquez on staging concert at small venues: "Na-miss kong mag-concert, na-miss kong kumanta… nagko-concert naman ako every year, pero sa malaking venue. It’s also nice to do a show na ganito, and then I can sing whatever I like. Wala namang concept, so kung ano lang yung feel kong kantahin, yun ang kakantahin ko. It’s nice to have that kind of freedom in doing a show like this."

Na-miss daw talaga ni Regine Velasquez ang pagkanta ng mga awiting gustung-gusto niyang kantahin at ibahagi ito sa mga tao nang malapitan.

Kapag nagkakaroon daw kasi siya ng major concert, kadalasan ay may konsepto at ginaganap sa malaking venue.

Ang huling concert pa niya ay noong Pebrero ng taong ito sa Mall of Asia Arena; ang Ultimate, kasama sina Gary Valenciano, Lani Misalucha, at Martin Nievera.

Kaya naman nagpapasalamat si Regine sa PLDT Home sa pagbibigay sa kanya ng five-mall concert series dubbed as Regine Series Mall Tour, kung saan malaya siyang pumili ng kanyang mga kanta.

At dahil open ito sa public ay libre siyang mapapanood ng mga tao lalo na ng kanyang fans.

Si Regine ang brand ambassador ng PLDT Home Regine Series landline units at call plans.

Pahayag ng Asia’s Songbird, “It feels great and I’m very thankful to PLDT for sponsoring the mall show to promote the Regine Series, kasi gusto ko lang talagang kumanta, masaya, e.

Continue reading below ↓

“Na-miss kong mag-concert, na-miss kong kumanta… nagko-concert naman ako every year, pero sa malaking venue.

“It’s also nice to do a show na ganito, and then I can sing whatever I like.

“Wala namang concept, so kung ano lang yung feel kong kantahin, yun ang kakantahin ko.

“It’s nice to have that kind of freedom in doing a show like this.

“So, abangan nila yung mga susunod pa sa Robinson’s Place Manila sa June 20, Market Market sa July 4, Glorietta sa July 11, at sa Trinoma sa July 18.

“And we might do more kapag naging successful ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa first leg ng kanyang five-mall concert series na ginanap sa Robinson’s Magnolia noong Linggo, Hunyo 14.

Present din sa event ang PLDT Home executives na sina Gary Dujali at Patrick Tang.

IMPERSONATORS. Kasama ni Regine sa mall tour ang mga comedy bar performers na nag-i-impersonate sa kanya na sina Anton Diva, Regina, at Ate Regz.

Continue reading below ↓

“Ang gagaling nila, ‘no?” sambit ng singer-actress.

“First of all, it’s overwhelming na may gumagaya sa iyo, parang weird pero nakakatuwa.

“Ako, I feel very proud, it’s very flattering.

“At saka si Anton, ang tagal-tagal ko na iyang kilala.

“Si Ate Regz naman, ka-face ko.

“Si Regina naman na kaboses ko talaga na bata, nakilala ko siya through PLDT kasi lagi nilang kinukuha.

“So, I’m so happy for her na kung saan-sana na rin siya nakarating impersonating me.”

Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on staging concert at small venues: "Na-miss kong mag-concert, na-miss kong kumanta… nagko-concert naman ako every year, pero sa malaking venue. It’s also nice to do a show na ganito, and then I can sing whatever I like. Wala namang concept, so kung ano lang yung feel kong kantahin, yun ang kakantahin ko. It’s nice to have that kind of freedom in doing a show like this."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results