Enchong Dee says about his concert: “Gusto kong maibigay ang todo ko ‘cause this may not happen again."

After almost a year of hiatus, Enchong Dee is back on television via Wansapanataym Presents My Kungfu Chinito and welcomed by high ratings, "Grabe... 31.1 percent," and hearwarming messages, "Matatanda, mga nanay, tatay, ‘Tuwang-tuwa kami sa iyo, nakakatawa ka.’"



Mapapanood sa kauna-unahang pagkakataon na mag-perform nang live si Enchong Dee sa kanyang concert na Deetour sa July 3 and 10.

Malapit sa puso ni Enchong ang nasabing concert dahil ayon sa kanya dito siya higit na makikilala ng tao.

“Actually, matagal na ito, very timely.

“Ang clever lang ng title, Deetour, kasi you make a detour kapag inaayos ang daanan mo.

“You have to pass through another road, minsan mas maikli, minsan mas mahaba.

“Yung mga tao, nakilala ako as an actor, sa movies, sa TV.

“But, right now, I am taking a detour to live performing.

“Nung bago kami mag-start ng rehearsal, sobrang stress, kinakabahan, kasi di ko pa nai-imagine.

“Pero nung nagsimula na kami na mag-rehearse, sabi ko, ‘Ay grabe!’

"Na-excite na ako, mas nauna na yung excitement kaysa sa kaba.

“Yung kaba lagi namang nandiyan ‘yan, kailangan mo ‘yung kaba para maging maganda yung gagawin mo.

“Pero ngayon mas nangingibabaw yung excitement.”



SELLING FAST. Lalo pa raw siyang na-excite sa bilis nang first two weeks na pagbebenta ng kanyang concert tickets.

Ayon kay Enchong, “Parang nag-50 percent na siya or more, taken agad yung mga seats.

“Siyempre kinakabahan ka, lahat ng kaibigan mo, pamilya mo manonood sa first day.

“Nagtanong sila, ‘Do you want second night?’

“Nagtanong-tanong ako, ‘ Okay ba to do a second night? Is it safe, is it good?’

“Karamihan nagsabi sa akin huwag muna, kung gusto months after.

“Kaya lang sabi ko yung susunod na available ang Music Museum November, December na.

“It’s too late for me, I want to focus on other projects besides the concert.

“Sabi ko a week after, papahinga lang ako ng isang linggo, recharge lang ‘tapos gawin uli namin.

“Ngayon nung nagpo-promo na ako for the second night, parang mas nag-boost pa yung sales, 90 percent for the first night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon rehearsal na, ito ang first priority ko right now, gusto ko siyang matapos.

“Gusto kong maibigay ang todo ko ‘cause this may not happen again.

“Ngayon habang bata pa ako, habang kaya ko pang sumayaw, kumanta, gawin ko na ngayon.

CONCERT GUESTS. Star-studded din ang nasabing concert dahil maraming special guests si Enchong kung saan halos lahat nito ay mga kapatid niya sa Star Magic.

“May dalawang type kasi ng guests, digital guests at live guests.

“Digital guests are present but not physically, hindi ko puwedeng sabihin kung nasaan sila... marami akong hinihingan ng favor."

Ang mga guests raw na nag-yes na kay Enchong ay sina Yeng Constantino, Gerald Anderson, Rayver Cruz, Enrique Gil, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Joseph Marco, Erich Gonzales, Melai Contiveros, at si Allora.

Alam ng lahat na magaling siyang sumayaw, pero may ilang kumukuwestiyon sa kakayahan ng aktor na kumanta, bagay na agad namang dinespensahan ni Enchong.

“Unang-una hindi naman talaga ako nagta-try na maging ballaader, maging super singer.

“Alam ko ang mga kakayahan ko, hindi naman ako kakanta na alam kong sasablay ako.

“Sisiguraduhin ko na lahat ng kanta na pinipare ko... alam ng tao, familiar ang tao, makakasabay ang mga tao.

“Nae-excite ako, sana mapanood nila para maintindihan nila yung sinasabi ko.

“I’m not trying hard to be someone else, I’m just trying as me dito sa concert na ito.

“Pagka napanood nila itong concert na ito, sasabihin nila, “Naiintindihan ko na kung bakit jolly person si Enchong.

“‘Kung bakit masayahin lang siya because yung influences niya while growing up,’ yung ganitong klase ng mga kanta.”



HIGH RATINGS. Halos isang taon ding nawala si Enchong sa serye o mga drama shows ng Kapamilya network. Ngayon ay napapanood muli siya sa Wansapanataym Presents My Kungfu Chinito at masaya raw siya na mataas na ratings ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, grabe natutuwa ako... actually kagigising ko lang tinext ako ni Direk Erick [Salud], ‘Alam mo ba kung ano ang ratings natin?’

“Hindi ko pa kasi nai-scroll sa Instagram, grabe nung nakita ko ang taas, 31.1 percent.

"Thank you so much sa lahat ng nanood ng My Kungfu Chinito.

"“Oo, sabi ko nga itong Wansapanataym na ito, pambata ‘tapos nakakatuwa kanina ang daming nag-text sa akin.

“Matatanda, mga nanay, tatay, ‘Tuwang-tuwa kami sa iyo, nakakatawa ka.’

“Now you know kung ano ang sinasabi namin ‘cause My Kung Fu Chinito, magandang kuwento talaga siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN