Campus heartthrob Migz Haleco invades the music scene

Migz Haleco on his brand of music: “Hindi ko actually mabigyan ng label yung genre ko. Parang yung mga songs din ngayon na hindi mo na ma-define yung mga genre. As long as, parang sa akin, kapag narinig nila ako, ‘Si Migz yun, a… ano ba ang genre niya?’ Parang the mixture of the things that I know what to do.”


Mula sa pagiging campus heartthrob, pinasok na ng 21-year-old singer/composer/guitarist na si Migz Haleco ang local music industry.

High school pa lamang noon si Migz sa Benedictine Institute sa Imus, Cavite, ay madalas na raw siyang mag-perform.

Fourth year na siya ngayon sa De La Salle-College of St. Benilde kung saan kumukuha siya ng kursong Music Production.

Pero bilang estudyante, paano siya nakilala sa iba’t ibang campus o eskuwelahan?

Ayon kay Migz, “Nagkaroon po kami ng inter-school events.

“From there po, doon ako na-notice ng ibang school, ‘Mag-perform ka naman dito.’

“Same din po sa college, parang noong high school lang, unti-unti lang ang mga followers po, hanggang sa nakilala na rin po sa social media.

“Tapos po, nagme-message sila na mag-perform naman sa school nila.

“Minsan mga small organization lang, organized by students hanggang sa dumami nang dumami.”

Katulad ng ibang mga kabataan ngayon, ang pagkahilig ni Migz sa gadgets ang naging daan kaya siya na-introduce sa music.

Kuwento niya, “Noong 12 years old ako, dati po kasi, sobrang obsessed ako sa video games.

“Yung dad ko, sabi niya, dapat daw may mapaglibangan naman ako nang matino.

“Tapos yun po, in-introduce niya sa akin ang guitar.

“Nagtuluy-tuloy na lang. Parang in-enjoy ko ang pag-play ng guitar.

“Noong una po, on my own lang.

“Nakita ng dad ko na parang may potential daw ako. Pinag-aral po niya ako.”

TALENT SHOWS. Naranasan na raw ni Migz sumali sa mga battle of the bands.

Nag-audition din daw siya sa Talentadong Pinoy noong 2005, gayundin sa Pilipinas Got Talent pero hindi raw siya nakalusot dito.

Sa ngayon, parami nang parami ang nagla-like, nagsi-share, at nagbu-view ng mga pinu-post niyang covers at composition sa social media accounts niya tulad ng Soundcloud at YouTube.

Nagulat ba siya sa dami ng likes na nakukuha niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo,” nakangiting sagot ni Migz.

“Kasi po, progressively po yung nangyari.

“Kunwari this week, mga friends ko lang na sinusuportahan ako, hindi ko na siya namalayan, in time, parang after two years, na-realize ko na ganito na pala karami kahit paano yung followers.”

Pangarap ba niyang talaga ma-penetrate ang showbiz noon pa man?

Sagot ng newbie singer, “Ang aim ko talaga dati, maging sessionista lang, banda-banda.

“Tapos, yun nga, after kong sumali ng Talentadong Pinoy, parang in-inspire ako ni Direk Audie Gemora na mag-aral akong kumanta.

“Doon ako na-push kumanta at doon ako nag-start.

“Parang doon pa lang, gusto ko na rin matutong gumawa ng songs and listen to other artists.”

Nasa sampu na raw ang mga kantang naisulat ni Migz, pero tatlo pa lang dito ang tapos na—“Coming Home”, “Smile Beautiful”, at “Losing It”.

Ia-upload pa lang daw nila ito sa YouTube sa ilalim ng kanyang management, ang PPL Entertainment Inc.

PPL TALENT. Bilang pinakabagong artist ng PPL, ang management company na pinamamahalaan ni Perry Lansigan, may inilatag na ba sa kanyang plano sa kanyang career?

Ayon kay Migz, “Sa ngayon, ang plans niya [Perry], mag-perform kami nang mag-perform, bigyan niya kami ng gigs.

“And, yun nga, ang gusto niya, makasulat muna ako ng songs to complete an album.

“And next year, doon na kami magwo-work sa album.”

Natawa naman si Migz nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papasukin din ba niya ang pag-arte.

Lalo na’t noong ipakilala siya sa media, kasama ang isa pang bagong talent ng PPL na si Maya, marami ang nagsabing puwede siyang mag-artista.

Sabi ni Migz tungkol dito, “For now, hindi ko masabi.

“Pero siguro for now, doon muna ako sa singing.

“Pero hindi ko rin masasabi in the future, baka... baka doon din papunta.”

Ang musical influences daw ni Migz ay sina John Mayer at Eric Clapton. Sa local naman ay iniidolo raw niya sina Bamboo, Nyoy Volante, at Noel Cabangon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkataon namang professor daw niya si Nyoy sa kanyang songwriting class sa La Salle.

Ano ang genre ng music niya?

Ayon kay Migz, “Hindi ko actually mabigyan ng label yung genre ko.

“Parang yung mga songs din ngayon na hindi mo na ma-define yung mga genre.

"As long as, parang sa akin, kapag narinig nila ako, ‘Si Migz yun, a… ano ba ang genre niya?’

“Parang the mixture of the things that I know what to do.”

CAMPUS HEARTTHROB. Bilang isang campus heartthrob, siguradong hindi siya nasi-zero pagdating sa lovelife. Kaya tinanong namin siya kung may girlfriend na siya.

Sagot ni Migz, “Wala na po. Siguro po, mga few months ago pa lang.”

Bakit sila nag-break, dahil nagsu-showbiz na siya?

“Hindi po,” nakangiting tanggi niya.

“Siguro hindi lang po magkasundo sa ilang ugali, pati rin po sa career.”

Tiyak na maraming kinikilig sa kanyang babae. Ano yung pinaka hindi niya malilimutang karanasan sa ilang estudyanteng humahanga sa kanya?

Kuwento niya, “Noong minsan po, tumugtog ako sa Miriam College.

“Hindi ko namalayan na may biglang nagpunas ng pawis ko, nakaakyat po ng stage, to the point na nahila ako out of my performance.

“Muntik na yata akong bumagsak noon… actually, nasa YouTube yun, e.”

Nakakatanggap din ba siya ng mga letters, regalo?

“Meron po,” sagot niya.

Ano ang ginagawa niya sa mga ganoong sitwasyon?

Sabi ni Migz, “Siyempre po, hindi naman puwedeng hindi mo tatanggapin, siyempre sobrang thankful ako.

“Pero ang sa akin din naman po, hindi rin naman po kailangang gawin yun.

“Gusto ko lang din naman, ma-bring up sa kanila, marinig nila ako, okey na ako.”

MERGED. Mapapanood sa isang concert sina Migz at Maya, titled Migz. Maya. Merged, sa 19 East Parañaque, sa July 17, Biyernes.

Individual artists sina Migz at Maya, pero sa unang show nila ay pinagsama sila ng PPL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami sa mga nakarinig at nakapanood sa kanila ay napahanga. Pero sa mismong concert nila, ano ang puwedeng asahan sa kanila?

Ayon kay Migz, “Siguro po, mawi-witness nila something different.

“Kasi si Maya, she’s more to pop and, ako nga, hindi ko ma-define!

“Pero marami kaming surprises na, I hope, ma-enjoy po nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN