Rey Valera rues diminishing OPM singers: "Pipilitin ninyong gayahin yung mga egoy doon sa Amerika, patay-patay tayo diyan."

OPM legend Rey Valera humbled by success: "Kahit na napakaganda ng ginawa ko sa show, pupunta muna ako sa isang kanto at bibili ako ng Skyflakes... Para lang, you know, ma-feel ko na showbiz lang ‘yan, tao ka lang, ibaba mo ang sarili mo."


Nagpahayag ng kanyang saloobin ang beteranong singer-composer na si Rey Valera tungkol sa disappointment niya sa ilang OPM artists.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Art sa akin ang music, old school ako, e.

“Sa OPM, may naririnig na para bang masyado nating ina-Amerikano yung sarili natin.

“Ang kaibahan po ng OPM noong panahon namin… yung mga kanta namin, galing sa mga Amerikano.

“Pero pinipilit naming maging Filipino at that time at maiba sa mga Amerikano.

“This time naman, andiyan na yung airplay, yung crowd, all you have to do is make a song and it’s there, the crowd is waiting.

“Noon, you have to create a crowd, you have to make yung airplay…

"Ipinaglalaban naming lahat iyan during that time."

Dagdag pa niya, “Nagpupunta kami sa opisina ni Teodoro Valencia... ewan ko kung naaalala n'yo pa kung sino siya.

“Nakikisama kami kay Madam [Imelda] Marcos para lang magkaroon ng OPM sa radio, na one spot in one hour.

“Bakbakan kaming lahat doon [OPM artists], sa isang oras, mayroon kaming isang spot.

“Then, lahat na yun, puro Billy Joel, lahat... kung sino-sino na yun, mayroong Bee Gees…

“Kami, magbabakbakan nina Eva Eugenio, sina Rico Puno, Anthony Castelo for one spot.

“Now, mayroon kayong OPM station, isang istasyon na dedicated sa OPM and what you can do is just ‘Boom! Pakatak, boom!’

“Wala e, disappointing, hindi ba?”

Pahabol pa ni Rey, “Tapos ay pipilitin ninyong gayahin yung mga egoy doon sa Amerika, patay-patay tayo diyan!

“Medyo mahirap yun i-explain sa mga old school na kamukha ko.

“Na sabihin ko nang, ‘Pinaghirapan natin itong OPM, pagkatapos niyan, you’ll just throw it in the bin?’

“Mahirap po yun, parang ganoon lang ang ibig kong sabihin.

“And now, nakakaramdam po ako ng pag-asa, nakakarinig ako ng pag-asa from these guys.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy niya ay ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at si Maestro Gerard Salonga.


COMPOSERS. Mayroon bang OPM song na wish niyang siya ang nag-compose?

“Iyong kay Willie Cruz, 'I’ll Never Say Goodbye,' gustung-gusto ko iyon, e.

“Palagi akong tinatalo sa contest nun, e.

"Tuwing nakakasabay ko ‘yon, talo na naman ako… kaya sabi ko, ‘Next time…’

“Si Willie Cruz, isa sa mga hinahangaan ko rin, kapag humawak ng piano iyon, nakatanga ka na lang.

“Iba si Willie… si Ryan [Cayabyab] mas technical, e, pero magaling din si Ryan in many ways..."

Sino ang favorite niya sa mga nag-interpret ng mga kantang kanyang nilikha?

Sagot ng Bulakenyong musician, “Marami, pero recently, mayroong mga throwback-throwback na narinig ako sa radio.

“Narinig ko yung version ni Sharon [Cuneta] ng 'Mr. DJ' recently, huminto muna ako sandali…

"Nagda-drive ako, e, huminto muna ako isang gilid, pinakinggan ko siya nang maigi.

"Iba ang appeal pala ng boses ni Sharon during that time, may magic, e.

"Pakinggan ninyo yung dating boses ni Sharon... may honesty, may longing, halo-halo, e.

“Pero sabi ko, yung boses ng batang yun, may something different about it, hindi ko ma-describe, pero mayroong ganoon.

“May mga aral na singer, magagaling, matataas ang boses, may mga humihiyaw, whatever.

“Pero siya, hindi, e, nagpa-falsetto lang siya, tapos walang ere, walang kulot-kulot yung boses.

“Simpleng-simple and then you like the girl, you like the voice, e,” saad pa ni Rey tungkol sa Megastar.


LEGEND. Paano niya gustong maalala ng mga Filipino at ano ang nararamdaman niya kapag tinatawag siyang isang legend sa musika?

Sabi niya, “Actually, I never imagined na aabot ako sa ganitong stage at ganitong status.

“Noong araw, sinasabi ko na ang showbiz ay image lang at hindi totoo ang lahat ng ito to keep myself grounded.

“Pero pag madalas nang nangyayari, siguro 'di mo naman made-detach talaga, siguro nandoon na ako talaga, ‘no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro part na nga ako ng ganito, may award nang darating sa ‘yo, ayaw mo pa ring maniwala.

“Pero ‘pag madalas na, sasabihin mo, ‘Siguro nga totoo kasi sinasabi nila.'

"I tend to ibaba ang sarili ko kasi.

“Kahit na napakaganda ng ginawa ko sa show, pupunta muna ako sa isang kanto at bibili ako ng Skyflakes, walang endorsement.

“Para lang, you know, ma-feel ko na, showbiz lang ‘yan, tao ka lang, ibaba mo ang sarili mo.

“Pero ako mismo, parang wala na akong takbuhan and all I can do is accept kung ano ‘tong binibigay ninyo sa aking honor.

“Naririnig ko yung kanta ko kanina na tinutugtog ng orchestra, wala akong masabi, 'di totoo ito, na I’m dreaming.

“Pero eto na, e, honor ito at tanggapin mo na lang kung ano man yung ibinibigay sa aking karangalan o pagtingin ng mga tao.

“Nakakahiya yun, sa Bulacan kasi bawal magyabang, pero tanggapin ko na, magyayabang na ako ngayon.

"Thank you very much,” nakatawang esplika pa niya.

“Iyong legend? Madalas kong sinasabi, a legend, magandang pakinggan, parang lumot.

"Nilalaglag mo na naman sarili mo, 'di ba?

"Although inaangat ka na, ang tendency ko para hindi pumasok sa isip ko, sasanggahin ko.

“Bibigyan ako ng award, minsan di ako pumupunta… nakakalaki ng ulo, e, ang lakas magpalaki ng ulo ‘yan, e.

“Pero kung alam n'yo lang, I’m trying so hard para huwag sumigaw dito na, ‘Ang galing ko!’

"I’m so very, very overwhelmed.

“Hirap na hirap akong magpigil,” masayang saad pa ni Rey.


PROJECTS. Inimbitahan din ni Rey ang lahat para panoorin ang The Music of Rey Valera na gaganapin sa August 1 sa The Theatre ng Solaire Resort.

“Iimbitahin ko ang lahat, lahat na may paborito ng kanta ni Rey Valera at nagmamahal sa OPM.

“Alam ninyo, ito ang pagkakataon natin para iparamdam na nag-uumpisa na tayo ulit mag-flex ng muscle, ang OPM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And what better way to start kundi sa talagang music, hindi lang naman sa kanta ko.

"Ginagawa ng [ABS CBN] Philharmonic Orchestra sa baton ni Gerard. So, sana ho ay magkita-kita tayo.”

Sa ngayon, ano pa ang gusto niyang gawin?

“Magtatayo naman ako ng restaurant para sa mga mahilig kumanta, ang name ng restaurant, Mr. DJ.

“Ginagawa pa lang, siguro ang opening namin ay on July or August, dito lang sa Sct. Fuentebella, sa Sct. Torillo.

“Halo-halo, whatever, kung anong mapag-trip-an natin, puwede tayong mag-recording din.

"May recording studio sa loob ng restaurant, e, kaya it’s a different animal.

"Restaurant na mayroong recording studio sa loob, mayroong videoke sa gabi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN