Dingdong Avanzado's wife produces concert for him as a birthday gift

Jessa Zaragoza (right) produced the #HITBACK concert of her husband Dingdong Avanzado. It will take place on July 24 at Teatrino Greenhills.


Ang mga kantang “Basta’t Kasama Kita,” “Maghihintay Sa’Yo,” at “Tatlong Beinte Singko,” ang ilan sa mga kantang pinasikat ni Dingdong Avanzado noong 1990s.

Muling maririnig ang mga awiting ‘yan sa darating na birthday concert ni Dingdong titled #HITBACK sa July 24 sa Teatrino, Promenade Greenhills.

Ang concert na ito ay regalo ng asawa ni Dingdong na si Jessa Zaragoza.

“Gustong kong regalo ngayong birthday ko ay what I love to do, which is to sing and to perform which means gusto kong mag concert,” ang pahayag ni Dingdong nang tanungin daw siya ng kanyang asawa kung ano ang gustong regalo nito sa kanyang kaarawan.

Sumagot naman si Jessa, “Sige, mag-produce ako ng concert mo.”

Sa kabila ng pagiging abala ni Dingdong bilang Vice Governor ng Siquijor ay hindi pa rin nawawala ang kanyang first love, which is singing.

“You always go back your first love, right?” ani ni Dingdong tungkol sa kanyang mga timeless hits na naging mga paboritong kantahin at patuloy na kinakanta ng mga bagong singers hanggang ngayon.

Sa July 8 press conference para sa kanyang concert na ginanap sa Romulo’s Restaurant, Quezon City ay ipinahayag din ni Dingdong: “It’s high time I give in to the clamor of my loyal fans. It’s heartening to know that even on social media, marami pa rin sa kanila ang nakaka miss ng mga old hits and some of them encourage me to do a concert again. And what better reason to hold one to celebrate it in time for my birthday.”

Itinaon din ni Dingdong ang kanyang concert sa Linggo ng Musikang Pilipino bilang pagsuporta sa policy ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM) para i-promote sa mga Filipino ang pagtangkilik sa musikang Pinoy.

Ayon sa Presidential Proclamation No. 933, puro OPM songs ang maaaring kantahin at pakinggan sa lahat ng local media at commercial venues sa buong duration ng Linggo ng Musikang Pilipino mula July 20-July 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama’t nauso ang mga minus one noong unang panahon sa mga concerts, nais daw baguhin ni Dingdong ang areglo ng kanyang mga awit at makipag sabayan sa napapanahong musika, kaya’t makakasama ni Dingdong sa kanyang concert ang kanyang bandang The Doorbells.

Makakasama din ni Dingdong sa kanyang concert bilang guests ang asawa niya na si Jessa Zaragoza at ang kanilang anak na si Jayda na ayon sa mag-asawa ay mas magaling pa sa kanila.

Makikipag-collaborate din sa kanila onstage ang OPM stalwart na si Noel Cabangon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN