MOR Pinoy Music Awards winners unveiled; Yeng and Daniel get top honors, Sharon Cuneta receives Lifetime Achievement Award



Si Daniel Padilla at Yeng Constantino ang tinanghal na Male and Female Artists of the Year sa 2015 MOR (My Only Radio) Pinoy Music Awards.

Si Sharon Cuneta ang nakatanggap ng Lifetime Achievement Award sa naturang awards night na ginanap noong July 11 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang event na ito ay inorganisa ng FM radio station ng ABS-CBN na MOR 101.9.

Ang mga winners na napili base sa sumusunod: total text votes, mga boto mula sa MOR Pinoy Music Awards committee, at mga boto mula sa judges ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) kabilang ang VP for Special Projects Christian Bautista, board member Jose Mari Chan, at OPM president Ogie Alcasid.

Para kay Sharon Cuneta, malaking karangalan para sa kanya na na-recognize ang kanyang talento sa pagkanta.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ng Megastar na bago pa man siya naging artista ay singing ang first love niya.

Aniya, naantig pa lalo ang damdamin niya nang kinanta ang mga past hit songs niya dahil naalaala niya ang journey ng kanyang buhay sa showbiz mula pagkabata.

Ang mga singers na nagbigay tribute kay Sharon ay sina Jolina Magdangal, Klarisse de Guzman, Nyoy Volante, Morissette Amon, Liezl Garcia, Christian Bautista at Karla Estrada.

Ang mga select Sharon Cuneta hits ay ang sumusunod: "Mr. DJ," "P.S. I Love You," Bituing Walang Ningning," "Ikaw" "Maging Sino Ka Man," at "Sana'y Wala Ng Wakas."

Isa sa mga nakakuha ng parangal ng gabing iyon ay si Enchong Dee na may mensahe para sa mga aspiring singers: "Sa lahat ng mga kabataan na patuloy na nangangarap, ipagpatuloy n'yo lang ang pangarap. Isang pangarap na naman ang natupad ko."

Natanggap ni Enchong ang Dance Hit of the Year Award para sa “Chinito Problems."



Here is the complete list of winners of the 2015 MOR Pinoy Music Awards:


OPM Lifetime Achievement Award: Sharon Cuneta

Female Artist of the Year: Yeng Constantino

Male Artist of the Year: Daniel Padilla

Best Collaboration of the Year: "No Erase” by James Reid and Nadine Lustre

Dance Hit of the Year: “Chinito Problems” by Enchong Dee

Best New Artist of the Year: Morissette Amon

LSS Hit of the Year: “Boom Panes” by Vice Ganda)

Regional Song of the Year: “Sa Akong Heart” by Von Saw

Album of the Year: Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 by Various Artists

Song of the Year: “Mahal Ko O Mahal Ako” by KZ Tandingan

Kantamercial of the Year: “Habit Song” for Tuseran Forte



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




Enchong Dee


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN