Sharon Cuneta now on strict diet to prepare for movie, looks forward to Your Face Sounds Familiar Season 2

Sharon Cuneta on receiving MOR Lifetime Achievement Award: "It’s going to be one of my most treasured awards kasi they honored my first love and my passion: my singing.”


Malaking karangalan para kay Sharon Cuneta na tumanggap ng OPM Lifetime Achievement Award.

Kinilala ang Megastar sa MOR Pinoy Music Awards noong July 11, 2015 sa Smart Araneta Coliseum.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media, sinabi ng Megastar na naging sentimental siya lalo nang kumanta sina Jolina Magdangal, Klarisse de Guzman, Nyoy Volante, Morissette Amon, Liezl Garcia, Christian Bautista at Karla Estrada para sa kanyang tribute number.

Ani Sharon, “Maraming salamat sa MOR, I’m so honored. It’s going to be one of my most treasured awards kasi they honored my first love and my passion: my singing.”

(To view complete list of winners, read: MOR Pinoy Music Awards winners unveiled; Yeng and Daniel get top honors, Sharon Cuneta receives Lifetime Achievement Award)


Ano ang feeling na kayo ang pinarangalan ng MOR ng Lifetime Achievement Award?

Sharon: “Oh My God! There are no words. I cannot express in words kung ano yung happiness ko, kasi mas matagal akong singer kesa sa pagiging artista ko. So, it’s been 37 years na akong kumakanta. I think nagsimula akong kumanta bago ako nagsimulang magsalita. Hahaha! It such an honor na parang napansin yung pinaghirapan mo for almost 4 decades na parang till now ay napapansin pa rin. I hope that it will transcend many genarations yung music ko from before at gagawa pa tayo ng album. Sana mas marami pa akong mapaligaya sa mga kanta ko.”

Ano ang pakiramdam n’yo habang kinakanta ang mga awitin n’yo sa tribute number?

Sharon: “Nagse-senti ako, alam mo namang mababaw yung luha ko. Medyo naluluha ako, kasi bawat kanta ko ay may kasamang memories, male-maletang memories. Minsan may mga awitin akong ginagamit sa theme song ng pelikula at inaawit nila. Minsan naman kanta noong bata pa ako at di pa ako artista. Lahat ng kantang yung may kasamang memories. So siyempre, mas malalim ang tama sa heart ko, very happy naman ako sa tribute song na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namiss na rin ng mga fans n’yo ang music n’yo, kailan po kayo gagawa uli ng album?

Sharon: “I’m going to make one very soon, bakasyon lang. This year hopefully!”

Very successful ang Your Face Sounds Familiar, magkakaroon ba ng Season 2?

Sharon: “May season 2! Ang masasabi ko lang hindi na masyadong matagal ang kanilang paghihintay.”

Part pa rin po ba kayo ng YFSF season 2?

Sharon: “Yes! I’m still one of the judges. Well! I was told, I hope so!”

May plano ba kayong gumawa uli teleserye with ABS-CBN? How about doing a movie?

Sharon: “Konti na lang pagpapapayat, konti pa tapos dire-diretso na yun. Pero before I do the movie, for sure may trabaho pa ako, so habang nagpapapayat, gumagalaw at nagta trabaho pa rin ako.”

Anong diet ang sinusunod ninyo?

Sharon: “It’s a really strict diet. Talagang allergic ako sa exercise pero kailangan, e. You really have to move, I’m so out of shape, I can’t believe it! Hindi lang naman losing weight ‘yan, you have to make sure you’re healthy.”

Pero na mi-miss n'yo na po ba talaga gumawa uli ng movie or teleserye?

Sharon: “Oh My God! Yes! I miss it very much, sobra! Terribly! I miss shooting, I miss family on my set, friends, yung mga ka-trabaho ko! I miss the artistic expression and freedom.”

Anong masasabi n’yo na buntis na uli si Judy Ann Santos, ano pong masasabi nyo sa kanyang pagbubuntis?

Sharon: “Sabi ko, gawin niyang twins para yung isa sa akin na lang. Pero alam mo, ilang weeks pa lang yan, kakaalam pa lang niya, my picture na kami ng ultrasound. Siyempre baby ko yun, e, lahat ng babies namin, babies naming pareho. My kids call her Mama Jane, her kids call me Mama Sharon. We’re family! Tunay na family, hindi lang showbiz friends, we’re family talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN