Garth Garcia collaborated with Laarni Lozada for his debut album

Garth Garcia collaborated with Laarni Lozada for his debut album.




Matapos manalo bilang Best New Male Artist sa 2014 MOR Pinoy Music Awards, unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan sa industriya si Garth Garcia.

Nominated rin si Garth sa 2015 Star Awards for Music para sa category na New Male Recording Artist of the Year.

Nakapanayam siya ng PEP.ph sa press conference ng kanyang self-titled debut album na ginanap sa The Crowd, Pioneer Street, Mandaluyong City.

Ano ang feeling mo na, finally, lumabas na yung debut album mo after a long time of waiting?

Garth: “Sobrang fulfilling, sobrang surreal. Hindi ko ini expect na mangyayari pa rin ito, kasi for the past few months, ka re-release lang nung single ko. Di ako akalaing ganun din kabilis lalabas yung album ko na ito kaya sobrang saya ko.”

Gaano katagal yung process bago natapos ang album na ito? Including the composition ng songs na sinama sa album?

Garth: “Almost 2 years in the making din bago natapos ang album na ito. Nag start ko kasi sinulat yung single ko at na released noong 2012.”

Please tell us something about your album. How many tracks? How did you compose the songs?

Garth: “It has 8 tracks, all originals and some of the songs composed by me. Yung ibang songs na sinulat ko came from my real stories talaga, tulad nung 'Ikaw ang Mahal,' 'Huwag Kang OA,' yung 'Masaya Na Akong Iniwan Mo,' from my wild imagination, to create a music na kakaiba naman."

Ano ang feeling mo ginamit sa ABS-CBN teleserye na Two Wives ang song mo na “Masaya Na Akong Iniwan Mo?”

Garth: “Hindi ko nga rin po alam na magiging ganun ka successful yung song ko na ito, after nilang marinig sa Two Wives. Hindi lang po yun, nanatili pang nasa Top 10 Countdown songs ng MOR ang 'Masaya Na Akong Iniwan Mo,' for 19 weeks. Ganun siya talaga nag-hit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang singer, sa anong genre ng music mo gusto mong makilala ng mga fans?

Garth: “Some of my fans and my followers give me the title of Pop Sentimental Prince. Wala pang ganung title right now, dahil medyo sentimental daw yung mga songs na naririnig nila sa akin, pero siyempre hindi ko pa rin inaalis yung pagiging pop na kinakanta ko.”

Nakipag-collaborate ka kay Laarni Lozada para sa kantang 'Di Inaasahan.' Kamusta yung collaboration ninyong dalawa?

Garth: “Masaya, sobrang galing ni Laarni, isang dream for me na maka-collaborate si Laarni dahil nga sobrang taas ng boses niya. Ayun nag-blend naman yung boses naming dalawa dun sa song ginawa ko. Bagay sa boses niya talaga yung song na ito.”

Sino pa sa mga local artists natin ngayon ang gusto mong maka-collaborate sa mga susunod mong mga kanta?

Garth: “Si Abra talaga ang isa sa mga gusto kong maka-collaborate dahil isa siya sa mga hiphop artist na sikat ngayon feeling ko ang ganda lagyan ng rap nung mga kantang gagawin ko with him. Ako yung kakanta ng chorus at siya yung mag ra-rap. Sa babae naman gusto ko maka-duet si Kyla sa isang song ko. Kasi ang galing niyang mag-blend ng boses. Saka maituturing na rin siyang isa sa mga icon pagdating sa pagkanta. Plano ko rin kasing i-revive yung isang song niya.”

Isa sa mga comment ng press sa 'yo kanina habang kumakanta ka, naalala nila ang mga kanya at timbre ng boses nila Raymond Launchengco at Marco Sison. May plano ka bang i-revive yung mga sumikat nilang songs in the future?

Garth: “Actually, may plano na sa next album ko, mag-revive ng mga lumang songs nila. And one of them ay yung song ni Keno na 'Leaving Yesterday Behind.' It was suggested by one of my producers na-i-revive ko daw, kasi it’s a classic song daw na bagay sa boses ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon lang namin nalaman na isa ka pala sa sa mga batchmates ni Frenchie Dy sa Star In A Million nung time na nanalo siya.

Ano pa ang mga plano mo sa career bilang singer-composer? May plano ka bang sumali sa The Voice PH?

Garth: “Actually plano kong mag-audition sa The Voice of the Philippines Season 3. I will give it a try, kasi sa first and second season wala pa akong guts na sumali, maybe itong third season ita-try ko.”


Noong June lumabas ang Garth Garcia album at available na ito sa mga record bars nationwide.

Nagkaroon siya ng album tour within Manila area at inaasahan na magkaroon si Garth ng concert with Laarni Lozada sa Mindanao.


TRACK LISTING.

1. Masaya Na Akong Iniwan Mo
2. Ikaw ang Mahal (fat. Lil Twista)
3. Wag Kang OA (feat. vocals of Nicole Parada)
4. Write a Song
5. 'Di Inaasahan (with Laarni Lozada)
6. Dagat Ka Sa Lupa Ko (feat. Aikee)
7. Subukan Nating Muli
8. Magulong Pag-ibig

Bonus Tracks:

'Di Inaasahan (minus one)
Ikaw ang Mahal (minus one)
Masaya Na Akong Iniwan Mo






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN