Angeline Quinto reveals special song from Erik Santos: "Kapag kinakanta niya sa akin ’yan, feeling ko mahal na mahal niya ako."




Marami ang naniniwala na more than friends sina Angeline Quinto at Erik Santos.

Kung magiging officially on nga sila, pang-ilang boyfriend na ni Angeline ang singer?

“Pangatlo po,” sagot ng 25-year-old singer.

Totoo bang malaki ang selos niya sa ex-girfriend ni Erik na si Rufa Mae Quinto?

“Hindi naman malaki,” tanggi niya.“Hindi naman po kasi maraming tao ang nagsasabi na, ‘Ano’ng feeling mo?’

“‘Tapos po, ‘di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila… sabi ko na lang, tapos naman na yun, e.

“So nu’ng inopen ko yun sa Kris TV, ang daming nag-freak out, akala nila nagseselos po ako.”

Na-meet na rin ba niya yung iba pang ex non-showbiz girlfriends ni Erik?

“Hindi ko na-meet yun, pero alam ko.”

Saan sila nag-meet ni Rufa Mae?

“Sa concert ni Erik nag-guest po ako, guest din siya. Nag-picture kami na magkasama.”

Sino ang unang lumapit kanino?

“Siya po, nagkita po kami sa CR [comfort room], sabi ko sa kanya, ‘Hello po, Ate.’

“‘Tapos nagpa-picture kami, kasama yung friends niya po.”

Nu’ng nakita niya personal si Rufa Mae, nakita ba niya kung ano ang pagkakaiba nila?

“Opo, matangkad, maputi rin, e.”

Pareho din sila ng surname at pareho rin na malaki ang dibdib nila ni Rufa Mae, ‘di ba?

“Hindi na, hahaha! Hindi, joke lang.”

Nagbigayan ba sila ng number ni Rufa Mae?

“Hindi kami nagpalitan ng number, pero okay naman si Rufa Mae.”

Paano kung bibili ng maraming tiket si Rufa Mae sa concert nila ni Erik?

“Kung bibili siya ng tiket, ako ang mag-aano sa kanya, deliver.

“Sasabihin ko po kay Erik, ‘Ipag-drive mo ako,’ hahaha!”

Matatantya ba niya kung nasaan na sila ni Erik sa scale from 1 to 5?

“Kung sa kanya between three and four, ako five.

“Ganun po kasi ako ka-open sa kanya din talaga, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SPECIAL MELODY. Meron ba silang special song ni Erik sa isa’t isa.

“Actually, yung special song talaga namin ni Erik is ‘All My Life.’

“Kapag kinakanta niya sa akin ’yan, feeling ko mahal na mahal niya ako. Hahaha!

“Ang ganda kasi ng song, tugmang-tugma,” kinikilig na sabi ni Angeline.

Wala raw siyang maisip na personal song para kay Erik.

“Wala talaga ako’ng maisip kasi yun din ang kanta ko para kay Erik ngayon, yung ‘This I Promise.’

“Kasi ang ganda-ganda nang pagkakanta namin, kapag naririnig namin, wala ako’ng ibang maisip, si Erik agad, ganyan po.”

May time ba na dinadaan ni Erik sa pagkanta ang panunuyo sa kanya kapag may tampuhan sila?

“Sa ano lang, hindi naman personal, yung nire-record niya... kung ano yung favorite song niya, like yung ‘I’ll Never Go.’”

Si Angeline naman, kung dadaanin niya sa kanta ang pagsuyo kay Erik, “Yung mga biro-biro lang na kanta.”

Sabi pa niya, “Kung ano yung pumapasok na lyrics, yun ang ginagawa ko’ng kanta sa kanya, as in lyrics lang na naisip ko."

Tinutuloy pa rin ba nila na mag-duet sa mga shows o special appearances kapag may tampuhan sila ni Erik?

“Actually, kapag nagtatampo ako sa kanya hindi ko siya kinakausap, siguro pinakamagatagal na yung one week.

“‘Yan yung hindi ako magre-reply sa kanya, ayoko’ng lokohin ang sarili ko o siya rin na okay lang pero hindi.

“Minsan naiisip ko rin na kailangan batiin ko na rin siya, katulad po dati yung nangyari nasa UAE kami sa ASAP, magbi-birthday na siya noon.

“Kahit may tampo ako noon, moni-monitor ko yung oras dito sa Pilipinas, gusto ko ako yung magbibigay ng cake sa kanya.

“Ako yung nagtampo, ako rin yung sumuko kasi espesyal na araw niya yun, birthday nga niya tapos i-spoil ko?”

DREAM CONCERT. Matutupad na rin daw ang pangarap ni Angeline na makapag-concert sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maisasakatuparan ito sa nalalapit na first major concert niya with Erik Santos sa Big Dome titled Erik Santos and Angeline Quinto Live At The Araneta Coliseum on August 15.

“Excited po ako, pero kinakabahan. Hindi siguro mawala yung ganoon po talaga.

‘Marami po ako’ng iniisip, e, pero dahil kay Erik naman po nagiging positive lahat,” panimula ni Angeline.

Kailan naman ang solo concert niya sa Araneta Coliseum?

“Hindi ko pa po alam, pero sana po mangyari yun, kapag kaya ko na,” ngiti niya.

Positibo naman raw si Angeline na kaya naman niya kung kinakailangan.

Ano ang feeling na special guest din sa concert nila ni Erik ang favorite niya at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez?

“Bata pa lang ako si Regine na ang idol ko, at hindi ko naman naisip ngayon, 25 years old na ako.

“Hinding-hindi ko malilimutan ang edad ko’ng to kasi po ano, e, mahal na mahal ko si Regine Velasquez, as in.

“Uh, hindi ko man naisip dati na mangyayari ‘to sa buhay ko, hindi ko naman na mangyayari ‘to ni sa panaginip ko.

“Dati hindi nangyari ‘to, kaya ngayon sobra ako’ng thankful, masasabi ko talaga sa sarili ko na blessed ako.

“Siguro ano lang, mas lalo lang napatunayan sa akin ngayon na lahat ng pangarap pwedneg matupad,” diin pa niya.

After ng concert nila ni Erik sa Smart Araneta Coliseum on August 15, ano’ng aababangan sa kanya ng fans niya?

“After this concert, sana matapos ko na yung album ko, saka, dream ko talaga na magkaroon ng ng album with Erik po.

“Sana nga, Christmas,” wish pa niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN