JK Labajo dedicates debut album to his late mother: "I feel I’m achieving my dreams, our dreams, pero without her."

JK Labajo on how he misses his mother, who died from pancreatic cancer in 2013: “Sana may visiting hours ang heaven para puwede ako bumisita sa kanya at ma-hug at ma-kiss ko siya, tapos sasabihin ko, ‘I love you.’”


Ang MCA Music ang producer ng JK, ang 8-track debut album ng The Voice Kids runner-up na si Juan Karlos "JK" Labajo.

Hindi raw maipaliwanag ni JK ang nararamdaman niyang kaligayahan dahil sa pagtitiwala ng naturang recording company sa singing talent niya.

Nalulungkot lang si JK dahil hindi naabutan ng kanyang ina ang katuparan ng pangarap niyang maging singer.

Pumanaw ang nanay ni JK noong 2013 kaya nasabi niya na, “Sana may visiting hours ang heaven para puwede ako bumisita sa kanya at ma-hug at ma-kiss ko siya, tapos sasabihin ko, ‘I love you.’”

Ikinuwento ni JK sa press launch ng kanyang album na huminto siya sa pag-aaral nang magkaroon ng pancreatic cancer ang nanay niya.

Inamin din ng young singer ang hinanakit na naramdaman noon para sa kanyang ina.

"Yung feeling na may sama ng loob. I grew up without her.

"Hindi man lang po ako nakapag-sorry, but even po yung sama ng loob, I’m doing all of these for her.

“Naging close lang po kami nung nagkaroon siya ng sakit, kasi I was there for her.

"Talagang iniwan ko ang pag-aaral ko para po alagaan siya, kasi yung feeling na, 'Dapat gumaling ka, sana huwag mo akong iwan.

"Talagang andoon po ako for her whole journey.”

Ano ang message ni JK para sa kanyang ina?

Pahayag niya, “I feel I’m achieving my dreams, our dreams, pero without her.

"'Di ko nga po kasi talaga alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

“Sorry for the hinanakit, sa sama ng loob.

"Sorry kasi I grew up without you kasi you’re with your other family.

"Parang nakikita ko minsan nag-e-enjoy ka. Sorry and I love you so much.

"Thank you for being my mom. I’m so lucky na ikaw ang mommy ko."

Ang "Para Sa 'Yo" ang carrier single ng album ni JK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nakapansin na tagos sa puso ang kanyang pag-awit sa nabanggit na kanta dahil daw sa dami ng mga naranasan sa buhay na hindi dapat maranasan ng 14-year old na kagaya niya.

Mabibili na ang CD copies ng JK sa lahat ng Astroplus at Astrovision outlets at sa digital downloads via Spinnr at iTunes.

Puwede rin na i-stream ang JK sa Spinnr, Apple Music, VEVO, Spotify, Deezer, Guvera, at Rdio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN