KC Concepcion’s debut album to be released this month

by Nitz Miralles
May 8, 2008
KC Concepcion becomes a certified recording artist as her debut album is set to be released this month.

Ngayong Mayo naka-schedule for release ang debut album ni KC Concepcion sa SonyBMG. Wala pang title ang 12-track album, pero siniguro ng isang malapit kay KC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magugustuhan ito ng fans ng dalaga.

"It is a combination of covers and original compositions. Matutuwa kayo sa album. Proud ako sa bagets, ang tindi ng talents. Ganda!" very excited na sabi ng close kay KC na tinanungan namin tungkol sa album.

Pressed for more details, napilitan ang source ng PEP na banggitin ang mga kantang "Umbrella" ni Rihanna, "Imagine" ni John Lennon, "Just Can't Get Enough," at "Melt With You" sa ilang covers na kasama sa album. May Lani Hall song pa raw na kasama na siguro naman, hindi ang "Come What May" na dinu-duet noon ng mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Gumawa rin ng song para sa album ni KC sina Prof. Ryan Cayabyab at Raymund Marasigan. May isa pang English song na ginawang Tagalog at si Joey de Leon ang naglapat ng lyrics.

Continue reading below ↓

Pinaghahandaan na raw ni KC ang launching ng kanyang album at dahil realization ito ng matagal na niyang pangarap, tiyak na wala itong kapaguran sa promo ng album.

Read Next
Read More Stories About
KC Concepcion, album, music
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion becomes a certified recording artist as her debut album is set to be released this month.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results