Jim Brickman cancels Philippine concert

Jim Brickman told Pinoy fans after cancellation of his Manila concert: "I promise to find a way make this up to you very soon."



Cancelled ang gaganapin sanang concert ng award-winning American songwriter and pianist na si Jim Brickman on August 8 sa The Theatre at Solaire Resort and Casino titled Jim Brickman: The Platinum Tour Manila.

Special guest pa naman sana ni Brickman si Ms. Lea Salonga.

Si Jim Brickman ang sumulat ng mga classic hits na ‘The Gift’, ‘Valentine’, ‘Your Love’ at ‘Destiny.’

Last August 5, nag-post si Brickman sa kanyang Facebook account ng isang handwritten apology letter para ipaalam sa kanyang mga fans dito sa Manila na hindi na matutuloy ang kanyang concert.

Heto ang nilalaman ng letter:

“To all my dear fans an friends in Manila. It is with great sadness that I am unable to appear in Manila on Saturday, August 8, 2015 due to issues beyond my control. Words can’t express my sadness & dissapointment that I have. I am so thankful for continued love & understanding. Please know that I am so very grateful for your love and friendship, and it is not by choice that I am prevented to come. I promise to find a way make this up to you very soon. Salamat with love, Jim Brickman”

Sa naging phone patch interview ng PEP sa award-winning musician last July 9, nasabi pa nito na excited na siyang makabalik at makapag-show ulit sa Manila.

Ikinatutuwa rin niya na makakasama niya sa show si Lea Salonga na tinawag pa naman niyang isang “amazing singer.”

Inabisuhan pala si Brickman ng kanyang legal counsel na si Atty. Numeriano “Jun” Rodriguez, na huwag na itong tumuloy sa kanyang Manila performance due to “a legal matter in the Philippines pursuant to a previous case has made it difficult for all parties to proceed with the event.”

Kung matatandaan ay nag-file ng copyright infringement laban kay Brickman noong 2007 ang Filipino singer and songwriter na si Nelson del Castillo.

Nireklamo ni del Castillo ang pangongopya diumano ni Brickman ng melody ng kanyang 1994 hit song na "If" para sa song nito titled "Hope."

Sa isimumite na subpoena noong 2009, na-violate daw ni Brickman ang RA 8293 or Intellectual Property Code of the Philippines.

Inihain ang naturang subpoena kay Brickman noong nandito siya noong 2009 para isang concert na ginanap sa Eastwood Mall.

Wala pang naging report kung naayos ba ang kaso o kung nasa korte pa rin ba ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN