Maya tries her luck in local music scene while BLUSH is on tour break

Maya (of the all-female group BLUSH) says she'd rather perform live than lip synch: “Pero as much as possible siyempre gusto namin live. Gusto naming ipakita na we’re singers talaga.”



Maraming nang bansang napuntahan si Maya dahil sa pagiging miyembro niya ng Pan-Asian vocal group na BLUSH.

Si Maya lamang ang Pilipina sa naturang grupo. Ang iba ay mula sa China, India, Japan, at Korea.

Kababalik lamang niya sa Pilipinas. Sa North Hollywood, Los Angeles siya naka-base for five years kasama ang mga members ng BLUSH.

Ang France raw ang pinakamagandang bansang napuntahan ni Maya.

“Paris! Ang ganda po ng France,” bungad ni Maya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview para sa kanila ni Migz Haleco ng talent management nilang PPL Entertainment, Inc.

Ginanap ang interview sa Sitio Verde restaurant sa Quezon City nitong Biyernes, August 14.


WORST GIG. Ang maituturing naman niyang nightmarish experience niya sa tour ng BLUSH ay naganap sa Vancouver sa Canada.

Kuwento niya, “Kasi po naka-bus po kami, ganun po yung uso sa States, parang naglalaro po kami ng game, and then ang punishment is magsha-shot ka ng vodka.

“E, tanghali pa lang po yun.

“'Tapos po pagdating po namin [sa venue], sobrang sumuka po ako kasi hindi rin po ako kumain ng breakfast.

“'Tapos nakatulog ako, hindi na ako nakapag-soundcheck and everything 'tapos nagising na lang ako one hour before the show.”

Nakapag-perform naman daw siya nang maayos sa kabila ng pangyayari.


SINGLE. Twenty-five years old si Maya at wala siyang boyfriend. Two years na silang break ng British boyfriend niya.

Long distance ang naging dahilan ng break-up nila; sa LA naka-base si Maya (at ang BLUSH) at sa Hong Kong naman naka-base ang ex-BF niya.


CAREER HIGHLIGHTS. Bago siya nag-audition at nakuha para sa BLUSH ay sumali siya sa Pinoy Idol kung saan si Gretchen Espina ang nanalo.

Sa naturang singing contest ng GMA-7 nakilala ni Maya si Perry Lansigan na manager na niya ngayon.

Sumali rin dati si Maya sa Star For A Night ng Channel 13 hosted by Regine Velasquez na kung saan si Sarah Geronimo ang nagwagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago rin mapasama sa BLUSH ay may regular gigs na si Maya bilang professional singer kasama ang banda niyang Section One.

Tulad ng co-PPL artist niyang si Migz Haleco ay Music Production rin ang kurso ni Maya sa College of St. Benilde.

“Pero hindi ko na po naituloy kasi nga umalis na po ako,” panghihinayang niya.

May show sina Maya at Migz sa Hard Rock Cafe sa Huwebes, August 20.

Hindi handa si Maya kung sakaling kunin siya ng FHM for a sexy cover pictorial.

“Gusto ko po kasi talagang makilala as a singer. Iyon po muna,” lahad niya.



INDECENT PROPOSALS. Naranasan na ni Maya na makatanggap ng indecent proposal mula sa mga DOM sa mga gigs ng BLUSH abroad.

Sabi niya, “Mapi-feel mo na po iyon, e, na parang gusto ka nila ma-solo.”

Mabuti na lang raw at protektado sila ng American manager nila at hindi sila pinababayaan.

“Sabi nila 'pag may something fishy, tawagan namin sila,” pakli pa niya.


FOREIGN MANAGEMENT. Maunawain ang mag-asawang Amerikano na manager ng BLUSH kaya pinayagan rin nila si Maya na sumubok ng solo career sa Pilipinas sa pangangalaga ng PPL.

Kasalukuyang naka-break ang BLUSH sa kanilang tour abroad.

Kapag ipinatawag na muli si Maya para sa concert tour ng BLUSH ay pag-uusapan nila ni Perry kung ano ang dapat gawin.

Ballad, bossa nova, acoustic at pop ang mga genre ni Maya bilang mang-aawit.

STAND ON LIP SYNCH ISSUE. Ano naman ang stand niya sa mga artists na nagli-lip synch?

“Well, depende naman po iyon, case-to-case basis po yan, e.

“Kasi kahit kami po, like singer po ako and siyempre as a singer gusto mo lang live, 'di ba? Parang pride mo yun, e.

“Pero minsan talaga may mga instances na kailangan naming mag-lip synch, na wala po talaga kaming magagawa,” sabi niya.

Nagawa na raw iyon ni Maya, na mag-lip synch in a performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like meron po kaming show sa isang malaking stadium, alam mo naman po pag open air, sobrang hindi mo maririrnig kahit nag-rehearse po kami, hindi naming marinig so we ended up lip synching.

“Pero as much as possible siyempre gusto namin live. Gusto naming ipakita na we’re singers talaga,” diin niya.

Pero wala raw nakikitang masama si Maya sa mga nagli-lip synch.



CRUSHES. Crush ni Maya si Bamboo.

“Gusto ko po talaga siyang maka-duet!” pag-amin niya.

Crush din niya si James Reid.

Open si Maya sa posibilidad na maging aktres, at ang nais niyang maging unang leading man ay si Coco Martin.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN