Teasing song-and-dance number heats up "Coverboys Uncovered" concert

by Rose Garcia
May 10, 2008
The Coverboys were totally hot in last night's concert at Music Museum. The group is made up of (back row, standing) John James Uy, Victor Basa, Ron Morales, and Rafael Rosell. Other members are (second row) Marvin Raymundo, Jon Avila, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, and Will Devaughn.

Past 8 pm na nang mag-start ang first night concert ng grupong Coverboys kagabi, May 9, sa Music Museum, San Juan, Manila. Sa labas pa lamang ay marami na ang mga taong nag-aabang or nakikiusyoso.

Nang magsimula ang show, hindi pa puno ang Music Museum, pero nang lumitaw na sa stage ang Coverboys nagpasukan na ang lahat at halos napuno na rin ang venue.

Ang Coverboys ay sina Jake Cuenca, Rafael Rosell, Zanjoe Marudo, Victor Basa, Jon Avila, Will Devaughn, Be Bench Models Jon James Uy and Ron Morales, and Star Magic Talent Marvin Raymundo,

First night pa lang ay maituturing nang isang success ang Coverboys Uncovered na prinodyus ng ASAP Live at MJM Productions.

TEASING SONG AND DANCE NUMBERS. Sa opening number ng grupo, kung saan si Victor ang unang lumabas sa stage at pinakahuli si Jake, ang mga kantang "Sexy Back," "Hot In Herre," at "Lick It" ang unang kinanta at sinayaw ng all-male sexy group ng Kapamilya Network. May shower scene pa sila sa umpisa pa lang ng show.

Continue reading below ↓

Although baguhan sa grupo, isa sa umani ng pinakamalakas na palakpakan at tilian sa audience si Jon. Pero ang sinasabing pinaka-star ng grupo na si Jake ang nagma-may-ari pa rin ng pinakamalakas na tilian at palakpakan.

In fairness, hindi rin naman pahuhuli ang iba pang Coverboys na tulad nina Rafael, Victor, at Zanjoe, na may kanya-kanya na talagang followings at pagdating sa paseksihan ng katawan ay matituturing na ilan sa mga seksing-seksi talaga.

Sa kanilang lahat, ang lumalabas na pinaka-leader of the group daw na si Rafael ang kauna-unahang nagpamalas ng kanyang solo production number sa pamamagitan ng kantang "The Thing Called Love" at "Smack That."

Kapansin-pansin na sa audience, hindi lang gays ang mga nanonood, kundi karamihan ng mga grupo ay mga teenage girls. In fact, isa sa babae sa audience na iniakyat ni Rafael sa stage ay nagsabing 17 years old pa lamang at sa harap niya'y naghubad ng pang-itaas ang Maligno star.

Continue reading below ↓

Sumunod kay Rafael na nag-solo ay si Victor with the song "Shawty Get Loose," pero sa lahat, mukhang pinaka-totoy pa si Victor dahil sa aming palagay, siya ang hindi pa masyadong teaser sa grupo nila.

Followed by two PBB housemates na sina Will Devaughn at Jon Avila na pumili rin ng dalawang girls sa audience at habang kumakanta ay pinahawakan ang kanilang katawan sa dalawang girls na ito.

ENTER VICE GANDA. Malaking factor sa concert ng Coverboys ang presence ni Vice Ganda bilang isa sa mga special guest nila sa unang gabi. Balita kasi naming sa last night ng concert, si John "Sweet" Lapus naman ang special guest.

Talagang nabuhay nang husto ang audience sa mga spiels ni Vice Ganda na tila teacher na pinangaralan ang anim na member ng Coverboys na sina Jake, Rafael, Jon, Will, Victor, at Zanjoe, na mga guwapo raw sana pero matitigas naman ang mga katawan. So, he dared each of them sa sayaw na ostrich dance at isa-isa niyang pinasayaw.

Continue reading below ↓

Para lang nasa comedy bar si Vice Ganda na naglilitanya sa stage ng Music Museum at ang napag-tripan nga at inokray-okray ay ang maraming bilang ng mga babae sa audience. Daig pa raw ng mga girls ang mga gays na dapat, siyang mas majority ang bilang sa mga nanood. Pero isa ang gap na ito na maituturing na funniest sa lahat at talaga namang buhay na buhay.

Sa production number naman ni Jon, isang 17-year-old girl from the audience ang nagprisintang siyang makikipag-mouth-to-mouth resuscitation kay Jon, pero mukhang nahiya rin bandang huli at nagsabing 17 pa lang daw kasi siya. Tuloy, bigla naming naalala ang recent Bb. Pilipinas Ms. World na si Janina San Miguel sa kanyang Q&A portion.

SPECIAL GUESTS. Among the group, bukod-tanging si Will ang may special guest sa audience dahil nasa harapan at nanood ang nali-link sa kanyang si Riza Santos, kasama ang ilang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Special guest din si Nikki Gil na masasabing isang revelation sa kanyang "Gimme More" number at pinalibutan siya ng mga Coverboys. May pagka-conservative ang dating ng image ni Nikki, pero last night, halos nakikipagsabayan din si Nikki sa pangti-tease sa pamamagitan ng kanyang pagkanta at pagsayaw.

Si Zanjoe naman ang second to the last na nagpamalas ng kanyang production number sa pamamagitan ng isang disco beat song na "Sumayaw, Sumunod." Aniya, pinaghirapan daw niya nang husto ang production number niya.

Sina Marvin, Ron, at John ay sama-sama naman sa kanilang performance. Tulad ng anim na Coverboys, may VTR din na ipinapakita ang bawat isa kunsaan, sinasabi at nire-reenact nila ang kanilang mga sexual fantasy.

Finale pa rin sa solo number si Jake na mala-character niya sa Palos ang dating dahil may pagka-action ang kanyang production number. Kay Jake din ang isa sa pinaka-bongga dahil naka-harness pa siya sa pag-entrance.

Maituturing na isa sa pinaka-teaser and daring din sa grupo si Jake na madalas bumababa sa audience at pinagbibigyan ang mga fans na gustong makahalik at magpa-picture sa kanya. He even dared girls na pagkatapos maglagay ng lipstick ay bigyan siya ng kissmark sa anumang part ng kanyang katawan.

Continue reading below ↓

UNPREPARED ETHEL. Pansin lang namin, medyo lumaylay nang konti ang energy ng audience nang si Ethel Booba na ang pumasok. Tila hindi ito masyadong prepared for the first night concert. Nakabawi naman ito nang magkunwaring nagseselos kay Riza na nasa audience that night dahil kay Will.

Si Ethel na rin ang nag-introduce sa final walk ng Coverboys na through the song "Sunglasses at Night" with matching nine benches at pawang mga naka-bathrobe lahat. Puwedeng sabihin na ang finale nila ang pinaka-highlight ng show dahil sa kalagitnaan ng kanilang production number ay hinubad ng mga ito ang kanilang bathrobe at pawang mga naka-trunks na lang.

Hindi malaswa, hindi bastos, at in good taste ang first night ng Coverboys Uncovered na isang tagumpay na matatawag based on the turn-out pa lang mga manoood at sa performance na ipinakita ng grupo.

LAST SHOW TONIGHT. Ngayong gabi, May 10, ang huling gabi ng kanilang concert. After this, by July ay naka-plano na ang U.S. concert tour naman ng Coverboys. The said concert nga pala was under the choreography and direction of Georcelle Dapat of the G-Force.

Continue reading below ↓

Bukod kay Riza, nakita rin ng PEP ang ilan sa mga Star Magic Talents tulad nina Melissa Ricks, Carla Humpries, Valeen Montenegro, at Krista Valle na nanood. Gayundin ang isa sa mga executive ng ABS-CBN na si Mr. Deo Endrinal, Direk Wenn Deramas and Ms. Mariolle Alberto of Star Magic na isa rin sa nagtsi-cheer sa mga talents ng Star Magic sa concert.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Coverboys were totally hot in last night's concert at Music Museum. The group is made up of (back row, standing) John James Uy, Victor Basa, Ron Morales, and Rafael Rosell. Other members are (second row) Marvin Raymundo, Jon Avila, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, and Will Devaughn.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results