Marion Aunor gives up on plan to become counterpart of Sandara Park in South Korea

Marion Aunor on original plans about trying K-pop: “Gusto nilang idea, parang counterpart daw ni Sandara Park. Since nag-work daw kasi kay Sandara dito, baka mag-work din sa akin doon sa Korea.”



Muntik na palang pumunta ng South Korea si Marion Aunor para subukan maging K-pop artist at makasali sa isang telenovela sa naturang bansa.

Isiniwalat ng singer-composer na may K-pop manager na nag-alok sa kanyang maging counterpart ni Sandara Park sa Korea.

“Friend namin si Tita Bella Dimayuga na nakikipag-work sa K-pop artists na laging nagdadala ng talent dito.

“Then, ipinakilala niya sa akin yung K-pop manager kasi nga na-feel niya din na parang K-pop ako. Sabi ng manager, interested daw siyang dalhin ako sa Korea na parang kay Sandara Park na dinala rito sa atin at nag-learn ng Tagalog."


KOREAN LANGUAGE. “Kaya lang, ang requirement naman sa akin, magle-learn ako ng Korean, just to be in a teleserye roon sa Korea. So parang, masyado naman yung commitment na iyon.

“Although ikinonsider ko siya for a time. Pero, mas talagang gusto ko pa rin dito sa atin, e,” saad ni Marion nang makapanayanam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 19 sa isang restaurant sa Greenhills.

Kung nag-aral siguro si Marion ng Korean last year, malamang nasa Korea na siya ngayon.

“Since nag-work daw kasi kay Sandara dito, baka mag-work din sa akin doon sa Korea.” kuwento ni Marion.


OPTIMISTIC WITH CAREER. Paano ide-describe ni Marion ang career niya ngayon?

“Very optimistic ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Like for example, yung theme song ng Ex With Benefits nina Derek Ramsay at Coleen Garcia, very first theme song ko ito for a movie.

“Kanta ito ni Donna Lewis noong 1996. Ang title is 'I Love You Always Forever.' Lalabas na po yung movie on September 2.

“Then, yung song ko na 'Take A Chance' ay nasa PBB [Pinoy Big Brother] na. Kahit nasa first album ko siya, ilalagay din sa new album ko para ma-push din iyon.”

Nabanggit din ng pamangkin ni Nora Aunor ang unang sabak niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katatapos lang po ng shooting namin ng indie movie na Tibak. Si Direk Arlyn dela Cruz po ang nagsulat at nag-direk nito.

“Tungkol po ito sa life story ni Joma Sison [founder ng Communist Party of the Philippines] at mga kasamahan niya. Ang bida po rito ay si Jak Roberto. Ang role ko po rito ay isang beauty queen-turned activist.”


CREATING AWARENESS. Dagdag ni Marion, “Sobrang out of my element nga ako roon sa rally scene. Hindi ako maka-relate, e,” nakatawang wika niya.

“Nakikita ko lang kasi yung mga ganoon, like sa news. Pero nakakapag-raise din naman ng awareness kapag nandoon ka sa set. Na mare-realize mo na mayroon nga palang mga ganoong nagaganap.”

Open rin ba si Marion sa teleserye, lalo’t nag-acting workshop naman siya?

“Oh my gosh! Well, as long as bagay sa akin iyong role, then, go lang!” nakatawang saad pa niya.

Hindi niya kaya mapabayaan ang singing dahil sa pag-aartista?

Sagot ni Marion, “Hindi naman po siguro. I think puwede namang pagsabayin iyon. Marami namang artists ngayon ang pinagsasabay yung singing and acting.”

Bukod sa pagiging singer/aktres, ginawan na rin ng kanta ni Marion sina Kathryn Bernardo at Alex Gonzaga.

Mayroon pa ba siyang ibang artists na nagawan ng kanta?

“Si Erik Santos po nagawan ko rin ng kanta. Na-record na po niya, kaya paglabas ng album niya ay nandoon yung song na ginawa ko.”



DREAM COMPOSITIONS. Sinabi rin ni Marion ang iba pang artists na gusto niyang gawan ng kanta, kung puwede.

“Gusto ko iyong super-legendary people like si Ms. Regine Velasquez, although nandyan na si Sir Ogie [Alcasid]. But if they want fresh new sounds, then, sana ay mabigyan ako ng chance.

“Challenge sa akin kung magagawan ko rin ng kanta si Charice. Feeling ko malaking challenge yun sa akin as a composer."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOR HER TITA GUY. Kung maging okay na yung voice ng kanyang Tita Guy [Nora Aunor], willing ba si Marion na gawan ng kanta ang Superstar?

“Of course, I’d love to work with her!”

Anong kanta kaya ang bagay sa Tita Guy niya?

“I don’t know. Maybe I want something na parang touching, na pang-family. Feeling ko, magandang concept yun.

“Pero hindi ko pa nae-expound yung idea. Pero feeling ko if ever, kapag nag-sit down na kami together, baka ma-feel ko yung kanta na bagay talaga sa kanya.”


PLANS. Ano pa ang plano ni Marion sa career niya?

“Parang after the last two years na working hard for it, parang ngayon ay talagang ready na ako and just waiting for that big moment.

“And excited po talaga ako sa new album ko sa Star Music, plus, magka-show locally and internationally. Then, gusto ko pang makapagsulat ng maraming kanta,” pagtatapos niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN