Acel of Moonstar88 fame will have Yeng Constantino as guest in her 20th anniversary concert

Acel Bisa, who is now Mrs. Acel Van Ommen, will hold her concert at the Music Museum on August 27, 2015.




Bilang pag-celebrate ng kanyang ika-20th anniversary sa music industry, isang solo concert ang itatanghal ng dating Moonstar88 lead vocalist na si Acel Bisa, na ngayon ay si Mrs. Acel Van Ommen na ngayon.

Si Acel at ang bandang Moonstar88 ay sumikat noong early 2000 dahil sa mga kanta nilang "Torete," "Sulat," "Pag-Ibig Kong Ito," at marami pang iba.

Bilang solo artist naman, nakilala si Acel dahil sa kanta niyang "One Love" mula naman sa Korean TV drma series na, Spring Waltz.

Bukod pa rito, siya rin ang kumanta ng sound track ng teleserye ni Kim Chiu na My Girl.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang writers, na ginanap sa Dulcinea sa Tomas Morato, Quezon City noong August 19, ikinuwento niya ang kasiyahan niya na muling kumanta para sa sarili niyang concert.

Bungad ni Acel, "It's gonna be a concert na, it's a story.

"I'll be sharing them all my experiences in twenty years, celebrating it with the people, who were wih me during those years.

"That's why ang special guests ko ay si Barbie [Almalbis-Honasan], Kitchie [Nadal ng dating Mojofly], Quest at si Yeng [Constantino]."

"Sina Barbie at Kitchie, they will all be there kasi, kami yung magkakasabayan, nung nagsisimula pa lang kami lahat, before pa nagkaroon ng hit songs.

"Kapag out-of-town kami ang magkakasama.

"So, yun, I will celebrate it them."

Mabuti nga raw ay pumayag si Yeng na makipag-jamming ito sa kanila, considering na magkaiba sila ng henerasyon sa music industry.

Saad niya, "Si kasi, she's one of my closest friends.

"Yung genre niya, na pop-rock, yun din kami. And, she's like the Pop-Rock Princess today.

"Parang ate na niya ako, and I'm actually parang coach na niya.

"Kaya, pumayag siya, at sabi niya, 'Ate, I will be there.'

”At saka, Moonstar at Orphan Lily [ang una niyang banda] would be there, so para na rin itong reunion concert."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang anniversary concert na ito, na inihahandog rin niya para sa beneficiaries ng Right Star Development Inc. (isang foundation para sa mga kabataanna itinayo niya) ay gaganapin sa Teatrino Greenhills, sa August 27, sa ganap na alas otso ng gabi.

Ano ang asahan ng concertgoers sa kanyang one-night concert?

Sabi ng singer-song writer, "I will be singing our hit songs.

"And since this concert is like a story, there are songs that speak the ups and downs of my journey, ng ibang musicians, and me as a woman, and now a wife and as a mother.

"It's also for benefit of the foundation which I started with my friends para naman sa marginalized sector, and it's an outreach program para sa youth.

"This is actually my first concert in my twenty years, I am my solo concert as Acel."

Excited siya na muling makasama sina Barbie, at Kitchie na pareho na niyang may pamilya.

Saad ni Acel, "Ang saya nga, parang we are like rocker mommies.

"It also makes me feel that music doesn't grow old.

"I mean, if you're a musician, or an artist, the art is right there inside of you.

"So, whatever season in your life, hindi siya mawawala, but it changes.

"Like, how you express it. My songs now are different from my songs back then, but I will still right songs about heartbreaks, the 'Torete'-type of songs or like 'Sulat.'

"But, I would take more about purpose, about the future and my learnings now.

"The artist, I think, is always the reflection of the art itself. Yun, puwedeng magbago, pero yung music ay ganun na pa rin."

May isa siyang single na ilalabas, ang "Panyo" na inaayos na niya ngayon dahil sa naging problema nito sa paggawa ng music video, pero ipinagmamalaki pa rin niya ng sobra ang "Torete."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paborito rin itong kantahin ng maraming celebrities katulad nina Cristine Reyes at Daniel Padilla.

Aniya, "Oo nga, kasi it is now a classic song.

"Nakakatuwa nga kasi, halimbawa sa isang jam session, yung mga kabataan ngayon, kapag nalaman nila na ako yung kumanta, sobrang happy sila. Talagang jamming kami.

"Nakakatuwa lang kasi yung may back story, kasi dati ayaw kong kantahin dahil parang ang tigas ng dating.

"So, what I did, pinalambot ko siya, kinanta ko na yung tipong heartfelt at sa style ng isang babae."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN