Square One makes history as youngest Pinoy rock band

Aside from making history as the youngest Pinoy rock band, the members of Square One can also be considered role models for the youth because of their exemplary academic performance and healthy lifestyles.



Ipinagmamalaki ng apat na miyembro ng Square One na gumawa sila ng kasaysayan sa Philippine music industry dahil ang grupo nila ang youngest rock band sa bansa.

Valid ang claim ni Kyle Jimenez, ang 9-year old vocalist ng Square One, dahil siya ang pinakabata at 12 years old ang pinakamatanda sa kanilang banda.

Ang mga long hair nila ang trademark ng Square One members. Ayon kay Kyle, tatlong taon siya nang pahabain niya ang kanyang shoulder length hair na bagay na bagay sa kanilang single na “Long Hair.”

Idea ng MCA Music na bumuo ng isang banda na mga bata. At dahil sa kanilang musical talent, nakapasa sa audition sina Kyle (vocalist), Sean Samonte (drums), JP Par (guitar) at Von Domingo (bass).


HONOR STUDENTS. Sa kabila ng kanilang mga busy schedules, hindi pinababayaan ng apat ang pag-aaral nila dahil mas importante pa rin nito.

“Awa po ng Diyos, lagi po akong nasa Honor Roll at nakakatanggap po ng award na for First Honor, “ ani Sean.

“Sana po, marami kaming ma-inspire na mga kabataan na nangangarap na maging mga musician tulad namin,” pahayag naman ni Von.


ALDUB FANS. Lumilitaw naman ang pagiging bata ni Kyle kapag pinag-uusapan ang kalyeserye ng Eat Bulaga dahil big fan siya ng programa.

“Sana po magkita na sina Alden at Yaya Dub at huwag nang maging masungit sa kanila si Lola Nidora,” panalangin ni Kyle.


CLEAN LIVING. Nangako rin si Kyle na hindi sila magsisigarilyo, iinom ng alak at magpapalagay ng tattoo sa katawan kahit tumuntong na sila sa legal age dahil gusto nila na maging role model para sa mga kabataang Pinoy.

Nagtanghal na ang Square One sa mga bar pero ipinagbabawal sa mga customer ang manigarilyo habang tumutugtog sila at may permit ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang mga performance dahil mga menor de edad pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Busy na ngayon ang Square One sa promo ng kanilang self-titled album na available na sa Astroplus, Astrovision at Odyssey outlets. Out na rin ang digital downloads ng album ng Square One sa Spinnr at iTune at ang streaming via Spotify, Apple Music, Deezer at Guvera.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN