Ipinagdiwang kamakailan ng broadcast journalist na si Martin Andanar ang unang anibersaryo ng kanyang podcast, ang Martin’s Mancave, na sinimulan niya noong August 2, 2014.
Paliwanag ni Martin sa panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Isa itong programa online. Ito yung tinatawag na podcast. Podcast is a form of online radio na mapapakinggan mo lang siya sa internet, meaning pupunta ka dun sa website na yun, tapos papakinggan mo.
“In my case, yung website is www.podcast.ph na ako rin ang nag-develop. So ako ang gumawa noon, tapos within the podcast.ph merong programa na Martin’s Mancave.
“Ang ginagawa ko ay ini-interview ko yung mga sikat na mga VIP sa lipunan natin at binibigyan ko sila ng isa o dalawang oras para ikuwento ang buhay nila.”
DREAM COME TRUE. Dagdag niya: “Yung pangarap ko, mula noong bata ako ay magkaroon ng sarili kong radio station, kasi talagang broadcaster ako e, sa radyo.
“Sabi ko, dapat bago ako mag-kuwarenta [he’s 41 years old], meron akong sariling radio station. E, alam mo naman, napakamahal ng radio station, di ba?
“Pero dahil nga sa teknolohiya, puwede nang magkaroon ng isang radio station ang sinuman, sa bahay lang, sa pamamagitan ng online radio.
“Kaya nagtayo ako ng sarili kong studio sa bahay ko, mga tatlong studio yun, na puwedeng mag-record ng mga radio programs online.
“So ito yung podcast.ph.
“Anyone can listen to it, anytime, appointment listening, meaning kahit anong oras mo puwedeng pakinggan, puwede mong pakinggan.
“Doon sa podcast.ph, merong mga higit dalawampung programa, iba’t-ibang klase. Pero yung Martin’s Mancave, ito yung sa akin.”
BIG-TIME GUESTS. Sa nakalipas na isang taon, humigit-kumulang 60 personalities na ang naging guest ni Martin sa Martin’s Mancave.
“Merong mga senador, merong mga negosyante, meron ding mga taga-NGO [non-governmental organizations], meron ding mga propesor, meron ding mga atleta, meron ding artista, meron ding singer, meron ding writer.”
Ilan sa mga naging bisita sa Martin’s Mancave ay sina dating track and field athlete na si Elma Muros-Posadas, former President Fidel V. Ramos, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, ang negosyanteng si Dr. Cecilio Pedro (owner ng Hapee Toothpaste), Dr. Henry Lim (ang nag-imbento ng hybrid rice sa Pilipinas), U.S. Ambassador Phillip Goldberg, at mga ambassador ng iba-iba pang bansa, director Brillante Mendoza, ang mga singers na sina Richard Reynoso, Rannie Raymundo, at marami pang iba.
“Marami, kahit sino, basta sa palagay ko ay karapatdapat na ma-immortalize ang buhay nila online or on audio documentary,” sabi ni Martin.
Ang dating Unang Ginang na si Imelda Marcos ang dream guest ni Martin.
“Basta any past or present president or any past or present first lady, talagang dream yun.
“Tapos, gusto ko ring mag-Gloria [Macapagal-Arroyo, dating pangulo ng Pilipinas.] Gusto ko rin sana of course si Noynoy [President Noynoy Aquino], tapos si Erap [Manila Mayor Joseph Estrada].
“Tapos, sa mga hindi pulitiko, yung sa mga negosyante of course, yung dream ko—yung [Fernando Zobel de] Ayala, MVP [Manny V. Pangilinan], yung mga sikat na negosyante gaya ni Henry Sy.
“Tapos sa mga artista naman, Eddie Garcia, sana si Kuya Germs [German Moreno].”
May pagkakataon ba na na-intimidate o nailang si Martin sa guest niya?
“Actually, lahat ng guests, na-starstruck ako, kasi lahat naman ng gini-guest ko, e. talagang gusto kong i-guest, personally.
“Kasi sa Martin’s Mancave, of course, sa kuweba mo, ang kinukumbida mong tao, yung gusto mo lang makilala, di ba, yung gusto mong makita, yung nabasa mo?
“So iyon ang concept doon, kaya lahat ng nai-interview ko, naii-starstruck ako.
FULFILLED AT WORK. “Kaya I’m very fulfilled, at the age of 41 at nagawa ko yun bago ako mag-forty, August 2 of last year [Martin turned 41 on August 21, 2014].
“I feel so fulfilled in what I do right now, with what I’m doing and I’m so happy with what I’m doing.
“Halos yung TV5 binigay sa akin lahat ng break, lahat ng gusto kong gawin, ibinigay sa akin, and then itong ginagawa ko ngayon, this is one of my dreams na nasa bucket list ko, na kailangan magkaroon ako ng sarili kong platform. This is an online platform, e.
“And I couldn’t be happier and more fulfilled than how I’m feeling right now with what I’m doing.”
Aktibo pa rin si Martin sa TV5.
“Monday to Friday yung Aksyon Sa Umaga. Yung morning show, 5 o’clock hanggang 6:30 ng umaga. Tapos meron akong radio program, 8 to 10 am sa Radyo Singko, Monday to Friday.”
Si Martin din ang official voice-over ng news department ng Kapatid network.
“So I feel so happy kasi iyon talaga ang gusto kong gawin, e, mag-voice-over, magbabad sa loob ng recording studio.
“And then I’m also the head of News Digital ng news5.com.ph.
“Doon naman sa parte na iyon, I’m so thankful kay Luchi Cruz-Valdez [head of TV5’s News and Public Affairs department], kay President Noel Lorenzana [TV5’s president and chief executive officer], sa mga kasamahan ko, sa tiwala nila sa akin na ako ang nagpapatakbo ng buong News 5 Digital Presence.
"Kasi ako, malikot ang utak ko pagdating sa mga bagong technology.
“I’m very happy, kasi I don’t think any station can offer me or can give me what I’m doing right now.
“I’m doing a morning show. I have work doing a radio show, at the same time being a news executive, at the same time being part of Luchi Cruz-Valdez’s management committee that’s very prestigious for any person in the news.
“I also act as the official voice-over of the news department and the station [TV5], and Radyo Singko.
“Iyon talaga ang gusto kong gawin, e. Parang, ano pa ba ang hihilingin ko, di ba?
“So I feel so blessed and I’m so thankful to God.”
�
NEWS ANCHORING VS. DOING A PODCAST. Kung papipilin siya between anchoring a news program or his podcast, ano ang pipiliin ni Martin?
“Pareho! Kasi para sa akin, yung pagbabalita, yung news, that’s the content. Tapos, ang nangyayari lang ngayon, merong iba’t-ibang plataporma, technology, na kung saan puwede mong ipalabas yung content.
“So that’s how I see it. Meron kang radyo, meron kang TV, meron kang podcast online. Pero yung content, pare-parehas lang yan.
“So ako, kung ako ang tatanungin mo, I would rather stay in content production. Tapos ito yung content production, kasi nag-e-enjoy akong mag-edit, mag-voice-over, lahat, mag-news.
"Pero itong tatlo sa ibabaw, that would be a mainstay. Hindi na mawawala yan, e.
“But personally, mas may control kasi ako sa podcast kasi sarili ko yan, e. So it’s fulfilling. Nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko puwedeng gawin sa mass media.”
Kamakailan, kinuha ang www.podcast.ph para i-podcast ang mga nagwagi ng Ramon Magsaysay Awards.
Ngayong taong ito, tinanghal si Martin ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) bilang Best Host para sa isa pa niyang programa, ang Crime Klasik sa Aksyon TV. Ginawaran din ng parangal ng VACC ang Crime Klasik bilang isa sa pinakamahusay na programa sa bansa.