Campus heartthrob Migz Haleco stages his first solo concert

Migz Haleco on writing songs in his new album: “Actually, siguro po nakaka-ten songs na rin ako. Pero yung iba kasi sa mga kanta, nagawa ko, high school pa lang ako, kaya gusto kong ayusin pa.”


Gaganapin na ngayong gabi, September 15, ang kauna-unahang birthday solo concert ng tinaguriang "Campus Heartthrob" na si Migz Haleco, sa 12 Monkeys Music Hall, 5th floor ng Century Mall, Makati.

Ang concert ay pinamagatang A Night of Music & Celebration.

Si Migz ang kalahati ng dalawang matagumpay na Migz. Maya. Merged show, kasama ang isa pang bagong artist ng PPL Entertainment, Inc. na si Maya.

Kaya bago talaga para kay Migz ang magkaroon ng solo concert.

Pag-amin niya, “Siyempre yung first, na-challenge ako, kasi first yun.

"At hindi pa ako sanay sa ganung pag-prepare ng show.

“Yung second, medyo naging confident na ako dahil nagamay na namin ang rehearsal at pag-prepare.

“Yung third, medyo ninenerbiyos ulit.

"At the same time, excited dahil first time naming gagawin yung mga set.

"At the same time, first solo ko."

Ipinapangako ni Migz na iba ang lineup ng mga kantang ipe-perform niya sa concert.


Karamihan daw sa kakantahin niya ay mga latest songs.

Sina Barbie Almabis, Maya, Gabby Eigenmann, at Kitchie Nadal ang guests ni Migz sa birthday concert niya.

Pero inamin niyang kung mayroon man siyang gustong i-guest sa kanyang show, iyon ay ang Kapamilya teen star na si Janella Salvador.

"Kasi, kumakanta rin siya and, actually, crush ko rin siya.

“Pinapakinggan ko rin siya dati sa mga SoundCloud.”



FAVORITE SINGERS. Madalas ding banggitin ni Migz na pangarap niyang maka-jam si Kitchie nadal dahil isa ito sa mga paborito niya.

Ngayon ay matutupad na ito dahil guest si Kitchie sa birthday concert niya.

Ayon kay Migz, “Hindi ko po talaga in-expect na magiging guest ko siya.

"Parang tinanong nila ako noon kung sino ang gusto kong maging guest kung magkakaroon ako ng concert. Sinabi ko talaga siya.

“Tapos, yun, nagulat na lang ako nang makita ko ang name niya sa guest list.”

Bakit si Kitchie ang isa sa mga paborito niyang singer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Migz, “High school pa lang po ako, isa na po siya sa pinapakinggan kong singer sa atin.

"Lahat ng mga songs niya, pinapakinggan ko.

“Until now, among all artists, siya talaga ang all-time favorite ko.

"Kakaiba ang boses niya, parang distinct siya.

“At saka yung mga songs niya, talagang parang pinag-isipan. Iba siya talaga.”

Crush niya ba si Kitchie?

“Hindi naman, musical crush lang, parang ganun. Parang fan na fan ako sa music niya,” tugon ni Migz.

Sa male singers naman, si Bamboo ang paborito ni Migz.



BIRTHDAY SURPRISE. September 10 ang aktuwal na 21st birthday ni Migz.

At sa unang pagkakataon, nasorpresa raw siya sa hinandang party para sa kanya ng pamilya, mga kaibigan, at ng PPL family niya.

“Noong mga previous birthday ko kasi, usually kumakain lang kami sa labas.

“Ito talaga, na-surprise ako.

"Hindi ko in-anticipate na magkakaroon ako ng ganun at, tapos, yung birthday concert po.”

Ano ang birthday wish niya?

"Mapuno yung show at maging masaya lang lahat ng nandun,” sagot ni Migz.

Pressured ba si Migz sa first solo concert niya?

“Yung pressure, may halo ring excitement dahil first-ever show [ko]. Nandun din ang kaba.

"Siguro, yung lineup of songs, bago rin kaya parang lahat, bago, as in fresh start lahat para sa akin."



HAPPY WITH CAREER. Halos dalawang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang ilunsad ng PPL si Migz.

Kaya sobrang masaya raw siya sa nangyayari sa career niya.

“Sobrang happy. Ano lang, parang sa ngayon, nag-a-adjust pa ako sa changes, even sa schedule sa school, sa lahat. Okey ako.”

Ano ang naramdaman ni Migz na pagbabago sa loob ng dalawang buwan, lalo na sa pagtanggap ng mga tao sa kanya?

"Feeling ko naman po, marami rin yung nadagdag.

"Yun nga po, for the past few years, may following na rin po [ako] sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil natigil din ako, parang naging stagnant lang siya.

"Pero ngayon po, nadadagdagan siya at marami rin pumupunta sa mga gigs ko.”

Guitarist-composer din si Migz at marami na raw siyang nagawang kanta.

Gusto pa niyang makagawa ng ibang kanta para sa magiging unang album niya.

“Actually, siguro po nakaka-ten songs na rin ako.

"Pero yung iba kasi sa mga kanta, nagawa ko, high school pa lang ako, kaya gusto kong ayusin pa,” sabi ni Migz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN