Yeng Constantino continues with her "Journey"


Pinoy Dream Academy Star Dreamer Yeng Constantino is making the rounds in Manila to promote her 12-track album Journey.



Broken-hearted daw ngayon ang Pinoy Dream Academy first Grand Scholar, Yeng Constantino, at pahinga daw muna ngayon ang kanyang puso habang naka-focus siya sa kanyang singing career. As a matter of fact, busy ngayon si Yeng sa pagpo-promote ng kanyang latest album under Star Records titled Journey.


Ayon kay Yeng, out of 12 tracks sa said album, walo ang sarili niyang compositions. "Halos lahat po ay sentimental love songs, at isa lang ang medyo masaya, ang ‘Ikaw Lang Talaga,'" dagdag na impormasyon ng 19-year old na dalaga.


Paano nakapag-compose ng walong kanta ang isang "broken-hearted" na girl kung wala siyang matatawag na "inspirasyon" at the moment?

"Siguro po, dahil feel ko pa hanggang ngayon ‘yung personal experiences ko in the past," nakangiting tugon ng dalaga sa tanong ng ilang piling manunulat sa ginanap na mini-presscon noong Biyernes, May 30, sa Max's Restaurant Tiendesitas.


Ang iba pang awitin sa said Journey album ni Yeng ay ang mga sumusunod; "Di Na Ganun," "Promise," "Pili Na Lang," "Tao Lang Ako," "What About Us," "Himig Ng Pagibig," "Bakit Nga Ba," "If You Go," "Why Can't You," "Tala," at "Habambuhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN