Sitti to release new album celebrating the joys of married love: "Mas may hugot lahat, mas panatag, mas masaya.”

Sitti refuses to divulge the real reason why she is a semi-regular performer on ASAP. The singer is set to revive her double platinum album Cafe Bossa Nova, which made a splash in the music scene 10 years ago. She was single then, now that she's married, her songs resonate with deeper emotions, "I feel deeper, parang mas may kabuluhan lahat."



Nasa ASAP pa rin ang bossa nova artist na Sitti, pero semi-regular na raw siya sa show.

Ito ba ay dahil priority na niya ngayon ang paging housewife at asawa kay Joey Ramirez kaysa sa kanyang singing career?

“Opo, at saka… I don’t know,” tawa niya. “Hindi na lang po ako magsasalita, no comment na lang ako.”

May alam ba siya tungkol sa totoong nangyari kay Aiza Seguerra, kung bakit nawala ito sa nasabing Sunday musical variety show ng ABS-CBN?

“Ano po ba ‘yong sinabi niya?”

Leave of absence daw, pero may balitang tinanggal nga raw si Aiza.

“Hindi ko alam,” nakangiting sagot na lang ni Sitti. “Si Aiza na lang po ang tanungin ninyo, hindi ko po talaga alam.”

Samantala, it has been almost 10 years since the release of the double platinum Cafe Bossa na siyang debut album niya.

At ngayon, she’ll revive the well-loved album, recorded al fresco as Singles Bossa Nova Trio under MCA Music.

“Sobrang saya ko po na makakapaglabas kami ulit ng bagong album.

“And this time, ‘yong compositions ko naman po ‘yong bida dito sa album na ito.”

Some of Sitti’s most well-known singles tulad ng "Girl From Ipanema," "Tattooed On My Mind," and "Para Sa Akin" have a fresh twist sa new album niya.

Nakausap si Sitti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng kanyang bagong album na ginanap nuong Huwebes, September 17, sa Alab Resto sa Quezon City.

Kuwento niya, “It has twelve songs, it was the last album I recorded before I got married.

“And nine of these songs are famous singles… ‘yong mga singles na talagang tinangkilik plus three of my original songs.”

Kasama rin sa bagong album niya ang iba pang favorites such as "Sunday Morning," "I want It That Way," "To Forget You," at "Lala Means I Love You."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What makes this new release special is that her original song finally takes center stage. Ito ay ang carrier single na "Ligaya" kung saan kasama niya dito sina Crispin Basilo and Diego Martinez.

“It’s different because it’s a live recording al fresco.

"Na-capture namin ‘yong mga huni ng ibon kasabay ng boses ko, gitara ni Crispin at percussion ni Diego.

Nangiting sabi pa ni Sitti, “There’s so much joy and gratefulness surrounding that song…

"It defines my life right now as a married woman, that’s why we gave it that title too, happiness fleets, joy runs deeper.

“Mas ano ngayon… I feel deeper, parang mas may kabuluhan lahat.

"Mas malalim lahat at mas may hugot lahat, mas panatag, mas masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN