"Poohkwang" comedy concert every Friday and Saturday of June


Pokwang (left) and Pooh (right) will stage a "spooftacular"musical comedy concert titled Poohkwang at the Music Museum. They willperform every Friday and Saturday this June.



Nakaabang ang lahat sa Poohkwang concert ng mgakomedyanteng sina Pokwang at Pooh na magaganap sa lahat ng Biyernes at Sabadong Hunyo, 8 pm, sa Music Museum.

Matatandaang nagsimula si Pokwang sa contest na Clownin a Million ng Yes! Yes! Show sa ABS-CBN. Simula noon, lumabas na siMarietta (tunay na pangalan ni Pokwang) sa iba't ibang teleserye tulad ng Ysabella,Aalog-alog at Quizon Avenue. Napanood na rin siya sa mga pelikulatulad ng Supah Papalicious, Agent X44 at Apat Dapat, Dapat Apat.Ngayon, napapanood si Pokwang sa sitcom na That's My Doc.

Nakarating na din siya sa iba't ibang parte ng bansa magingsa abroad tulad ng Spain, France, Italy, Switzerland, Korea, U.S., Canada, atAustralia para sa mga concerts niya. Pinarangalan din siya ng Best ComedyActress bilang Doña Etang ng Aalog-Alog, kinilala ng PMPC as Best FemaleComedian, at nanalo rin siya ng People's Choice Awards.

Si Pokwang ay mainstay ng daily noontime variety show na Wowoweekung saan markado ang mga suot niya araw-araw sa walang takot nitongmag-eksperimento sa iba't ibang karakter at kasuotan. Napapansin din ang galingniya sa pagsayaw.

Si Pooh naman ay nakasama na sa mga TV shows na JohnEn Shirley, Wazzup Wazzup at Pangarap na Bituin. Nakapunta narin siya sa ibang bansa at iba't ibang lugar sa Pilipinas para sa kanyang mgain-demand na mga concerts. May iba't ibang TV guestings at gigs si Pooh aroundthe metro. Nanalo na rin siya ng award bilang Best Male Stand-up Comedian sa 2006Aliw Awards.

Nakilala din siya ng husto sa pag-impersonate niya kayPeople's Champ Manny Pacquio kung saan ginamit niya ang pangalang "MannyPoohkyaw." Angat itong si Pooh sa ibang mga stand up comedians na kasabayanniya kay naman in demand host at performer siya sa iba't ibang concerts atevents dahil sa galing ng timing sa pagpapatawa pati na rin sa pagkanta.

Sina Pokwang at Pooh—kapag pinagsama sila, makikilala silabilang "Poohkwang" na may sangkaterbang sorpresa at panalo sakatatawanan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handog ng ASAP Live at mula sa mga concert producers ng Rockda Vote, Ol 4 Luv, Richard Poon at Coverboys Uncovered, ang Poohkwangay co-produced ng VIP Access Media Production, Golden Asian OilInternational at Ultramega. Panoorin at maiyak sa kakatawa sa kakaibangmusical event na ito na mapapanood sa lahat ngBiyernes at Sabado ng Hunyo, 8 pm sa Music Museum, kasama ang maraming surpriseguests.


Panalo ang tambalang Pooh at Pokwang dahil sa opening number pa lang daw ay 15minutes ay marami nang mga lifting at gagamit pa sila ng harness. At hindi langdaw belly dancing ang gagawin ni Pokwang. Samantalang, hindi lang si Pacquiaoang gagayahin ni Pooh dahil magiging Michael Bublé rin siya, tulad ng ginawaniya sa June 2 presscon ng ABS-CBN.

Ang mga tickets para sa Poohkwang ay mabibili saTicket World na maaaring tawagan sa 891-9999.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN