Regine Velasquez recalls audition for Miss Saigon years ago; gears up for concert this November

Excited na muling makapaghandog sa kanyang mga tagahanga ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos gumaling ang kanyang karamdaman sa lalamunan. Nakatakda ang kanyang pagbabalik sa concert stage sa The Theatre ng Solaire Resorts and Casino sa darating na November 6, 7, 20, and 21.



Lubos ang kaligayahan ngayon ni Regine Velasquez dahil nanumbalik na ang kanyang boses sa normal matapos ang matagal-tagal na panahong gamutan.

Kuwento ng 45-year-old singer, “Now, I’m feeling a little better. Mas gusto kong kumanta ngayon kasi… kaya rin ako hirap ako kumanta before kasi I haven’t been singing.

“So, I’ve been pushing myself talaga para makakanta ulit ako. So, ngayon we’re trying to do more singing stuff.

Hindi lang daw simpleng pamamaos ang kanyang naranasan kundi nawalan daw talaga siya ng boses.

“I got sick, I had acid reflux,” ang sabi pa ng Asia’s Songbird.

Matatandaang natigil ang kanyang Silver concert noong 2012 dahil nawalan siya ng boses ilang kanta pa lang pagkatapos simulan ang naturang konsiyerto.

Read: Regine Velasquez cuts Silver concert short after losing voice; vows to do better in free concert before yearend


Sa ngayon, maayos na ang kanyang pakiramdam dahil sa tulong ng kanyang iniinom. Kuwento nito, “Nowadays, I’ve been talking… Yakult, and it has been helping me a lot. A lot, a lot.

“But you know, out of all the things that I’ve tried in the past it was the Yakult that helped me.

“It’s true, for those of you who suffered acid reflux, I really recommend it. I take it first thing in the morning before drinking water, before drinking coffee. Before anything.”

Nilinaw naman nitong hindi niya endorsement ang naturang produkto pero nakatulong daw talaga ito sa kanya.

Dagdag pa ng TV host/actress, “I had it very bad, like I wake up in pain, like I’m being choked.

“Ang hapdi talaga. And that was also the one of the reasons why I can’t sing properly like my voice would crack.

“I’ve been talking it since January, it doesn’t cure it, but it manages it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Regine sa presscon ng Regine… At The Theatre, September 24, sa Cerchio Restaurant, Scout Limbaga, Quezon City.

Ang Regine… At The Theatre ang kasunod na proyekto ng singer matapos ang Regine… At The Mall series katuwang ang PLDT Home.

Gaganapin ito sa The Theatre ng Solaire Resorts and Casino sa darating na November 6, 7, 20, and 21.


REGINE… AT THE THEATRE. Ayon pa sa Asia’s Songbird, kakaiba ang magiging tema ng kanyang konsiyerto dahil may pagka-musical daw ito.

Kuwento pa niya, “Medyo mahirap. First of all, all the songs are difficult to sing, so medyo kailangan ko talagang maghanda for this physically, mentally, vocally kasi mahihirap yung mga songs ng musical, e.”

Marami naman daw siyang paboritong mga musicals katulad ng Les Miserables, Phantom of the Opera, at Miss Saigon.

Katunayan, nag-audition pa daw siya nung kanyang kabataan sa Miss Saigon sa New York.

Lahad ng Sarap Diva host, “I cannot really say na pangarap ko kasi hindi talaga ako actor. So, but I did audition for Miss Saigon before when I was young.

“I went to New York. Yun lang yun. It’s also a privilege being able to do that.

“Going to New York to audition, it was an experience.

“Now looking back, I don’t think kaya ko yun vocally, kasi it was everyday and iba yung disiplina nila, iba.

“E, pop singer talaga ako.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN